"Kung sino man makabasa ng sulat na ito, pakibigay na lang sa pamilya 'ko, sa pinakamamahal 'kong asawa, Karylle Viceral. Siguro sa ngayon nakahiga na ako sa kama, naka-dextrose, at iniiyakan pero imposibleng iyakan ako dahil masama akong tao at hindi niya na ako mahal. Hindi 'ko nagawang mag explain ng side 'ko sayo Karylle pero isa lang ang sasabihin 'ko; Kahit na pinagtabuyan mo ako, mahal na mahal pa din kita. Kung sinabi sayo ni Sandy na buntis siya at ako ang ama, walang katotohanan 'yun, kahit kailan hindi ako tumabi sa kanya, diba sabi 'ko sayo ikaw lang ang babaeng aanakan 'ko? I miss you so much,"
"Siguro ngayon galit ka pa din sa'kin noh? Kinamumuhian mo pa din ako. Kilala kita!! Alam 'kong hindi mo na 'ko mahal pero mahal na mahal pa din kita sobra pa sa sobra, higit pa sa higit. Linya natin yan diba? Namimiss 'ko na kayo nila Karrie at Jm, hindi 'ko man lang nakitang mag debut ang anak natin, may boyfriend na ba siya?"
"Hindi 'ko na pinilit ang sarili 'ko sayo dahil alam 'kong paulit-ulit akong madidismaya sa sagot mong, "Hindi mo na 'ko mahal" hindi na nga ba? UULITIN 'KO, MAHAL NA MAHAL PA DIN KITA. Sana umiiyak ka na? Joke! Wag mo 'kong iyakan, I'm not worth for you. Hindi 'ko alam kung bakit ako nag susulat ng ganto pero baka malay mo may mangyaring aksidente, para naman kahit sa sulat makapag paalam ako."
"12 years na din noh? 21 na si Karrie at 20 na si Jm. Dalaga't binata na ang mga anak natin. Nga pala, sa 12 years na dumaan, lagi akong gumagawa ng video for monthsaries and anniversaries natin. Nag papadala ako ng gift sa bahay pero hindi mo naman ata tinatanggap.. Yung mga video nasa ilalim ng cabinet 'ko, naka-arrange na yun wag ka mag-alala!"
"Karylle, ako na siguro ang pinaka swerteng lalaki sa buong mundo dahil napangasawa kita. Natatandaan 'ko pa kung pano nag umpisa ang love story natin, MAM. I was your secretary and you were my boss back then. Hahaha! Posible pala yun noh? Kahit madaming ups and downs sa relasyon natin, naging masaya pa din ako. Solve na solve ako sayo mahal 'ko! Hindi 'ko alam kung pano 'to tatapusin, kasi baka nag sasawa ka na sa kaka-iloveyou 'ko sayo,"
"This is the end Karylle. See you soon in heaven mahal 'ko. Mahal na mahal kita. -Jose Marie Viceral"
"I-Iniwan mo ako Vice, hindi ka lumaban. Nakakainis ka! Akala 'ko ba hindi mo 'ko iiwan? Nakakainis ka talaga! Hindi 'ko pa ulit nasasabi sayo yung salitang, "mahal kita" Kung sana pinakinggan lang kita, masaya siguro tayo." hindi na napigilan ni Karylle ang emosyon niya kaya napaiyak na siya sa labas ng emergency room.
"Mom, magiging okay din ang lahat," "Pumunta tayo sa church Mom?" aya sa kanya ni Jm, pangalawa niyang anak
"I'm tired--"
"Please Mom? Ipagdasal natin si Daddy. I'm sure he'll be happy kung pupunta tayo sa church with Ate."
"Okay, pero babalik tayo dito ha."
"W-Why? I mean, may mga nurses naman dito mag aasikaso sa katawan ni Daddy."
"I want to see your Dad for the last time."
Palabas na sila Karylle at Jm sa ospital ngunit biglang may nag abot kay Karylle ng bulaklak na may kasamang letter na 'V'
"Happy Valentine's Mam," "For you po!" abot sa kanya ng isang nurse ng rose.
"T-Thank you." malumanay na sagot ni Karylle.
Tuluyan ng nakalabas sila sa ospital at may nakita silang butterfly na kulay white, isip ni Karylle na si Vice ang paro-paro at napangiti siya dahil dito, pinagbuksan siya ni Jm ng pinto pasakay sa kotse. Napansin niya naman ang isang white dress.
"Jm, para kanino 'to?" turo niya sa damit
"For you. Mom, suot mo na. Gusto 'ko terno tayo," "Please?"
BINABASA MO ANG
The Hottest Boss is my Wife • Vicerylle
RandomThe impossible relationship of the cold-hearted boss and her secretary.