Chapter 1

35 5 0
                                    

"Bawal."

Isang salita. Isang salita lamang iyon galing sa aking ama pero dahilan nito ang pagdabog ko palabas ng mansion. Bit-bit ko ang aking school bag at naka ayos na ako ng complete uniform. Agad akong pumasok sa kotse na naghihintay sa'kin sa labas. Malakas kong sinarado ang pinto, out of frustration.

Nagpaalam ako kay Daddy na may sleep over mamaya sa bahay ng kaibigan ko. It's her 18th birthday tomorrow. Debut niya 'yun at ayaw niya ng cotillion celebration kaya naisip niyang sleep over party ang gusto niya mamaya. Mageenjoy at hihintayin mag 12am para saktong birthday niya. Saturday bukas kaya naman ay pwede mapuyat.

As usual, bawal. Bawal gumala. Bawal lumabas ng bahay. Bawal lahat na activities sa labas ng bahay.

Being the President's daughter is a blessing and at the same time, a curse.

Hindi ako galit kay Daddy. Galit ako sa fact na hindi ako pinayagan.

"Oh? Ang aga aga nakasimangot ka agad." bungad ni Hannah nang makapasok ako ng classroom namin. Siya ang kaibigan kong may debut mamaya.

I sighed. Wala pa akong sinasabi ay napasimangot narin siya, parang nahulaan kaagad kung bakit ako
malungkot.

"Hindi ka pinayagan" that wasn't a question.

Tumango ako. "Sorry, debut mo pa naman tapos hindi ako makakapunta."

She smiled at me at mahina akong sinampal sa balikat. "Ano kaba! It's fine, Jade-"

"Tatakas ako."

Napalaki ang mata niya sa bigla kong sinabi. Kumunot kaagad ang noo niya na para bang may mali akong sinabi.

"Baliw kaba?! Delikado 'yun. At hindi ka naman makakalabas, puno ng guards mansion nyo." aniya, umiiling.

Never pa akong tumakas ng bahay. Pero kase, importante sa kanya ang araw na 'to. It's her debut party! I don't want to miss it. She's been my best friend since high school.

"I can at least try it." I said with full confidence.

Umiling siya. Hindi sumaangyon sa mga naiisip ko.

Kinulit niya akong buong umaga na huwag ko na subukan ang plano ko. Ayaw niya ba akong pumunta? Plus, if I failed, okay lang din. Sinubukan ko parin. Pag papagalitan naman ako ni Daddy, lilipas din ang galit niya.

I'm kidding, nanginginig ako at the thought of papagalitan ako ni Daddy. Mag iingat talaga ako dapat.

"Wag na kase."

Napatingin ako kay Hannah. Ang random
naman, hindi nanga namin pinaguusapan ang plano kong tumakas ay binabanggit niya kada minuto. Kakatapos lang namin kumain ng lunch dito sa cafeteria. May ilang minuto pa bago mag start ang afternoon classes, kaya naman ay nanatili muna kami dito.

Natawa ako sa reaction niya. Puno nang pag aalala ang mukha at pag hindi sang-ayon.

"I-ta-try ko lang," mahinahon kong sabi.

"Paano ka naman makakapunta sa bahay? Liliparin mo gano'n?"

Napairap ako. "Wala bang taxi sa panahong 'to?"

"Mas delikado!" aniya na parang hindi mapakali.

Halos sabunutan niya na ako sa panggigigil niya. Hanggang sa palabas ng campus ay kinukulit niya ako.

"Seryoso kase. Pag ikaw namatay." pagbabanta niya.

"Edi punta ka sa bahay para mangape." natatawang sabi ko.

"Gaga ka!" Binatokan niya ako. Tumawa lamang ako sa reaction niya. "Sana nga mahuli ka."

Aray naman. Tatakas nga ako para sa kanya pero siya pa 'tong gustong ipahamak ako kay Daddy. I understand that she's worried about me. Delikado talaga ang buhay ko, kaya madalas akong pagbawalan ni Daddy.

Over the WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon