How did we end up like this? Nag kulang ba ako sayo that you need to betray me? Or it's true that it was your plan from the start?
Many questions are popping inside my head, while I was staring at the ceiling of my room. Napabuntong hininga ako bago bumangon kase naninikip na naman ang dibdib ko, naiiyak. I need to stop crying anymore, I cried a lot yesterday and I didn't have enough sleep because of it.
I went downstairs to get a glass of milk before returning to my room. Umupo ako sa sofa at doon tumunganga. My friends told me that it's hard to move on, it takes times daw... So I think I can handle it right? Damn, I'll give that moving on plenty of time until I'm over 'that guy'.
"JADE!"
Nagulat ako ng makarinig ako ng sigaw kaya agad akong napatayo. Parang pamilyar ang boses. No! It can't be him. I already told him to stay away from me and I gave plenty of money for them to leave me alone. Maybe I'm just hearing things because I'm hurt and I miss him?
"JADE PLEASE!"
May sumigaw na naman, but this time I heard that it came outside my window. Dali-dali akong naglakad papuntang terrace para tignan kung tama nga ba ang narinig ko. And I was right, I am not crazy for hearing things, because the guy who I've been missing and the guy who broke me is in front of the gate of our mansion. Begging and screaming in front of the guards. Napa angat siya ng tingin ng makita niya ako, our eyes met. My eyes got teary in the sight of him. Agad kong pinunasan ang mga luha na 'yun. Kailangan 'kong ipakita na matapang ako, na kaya ko na wala siya.
He gestured a sign language that says, "Let's talk please... I want to explain myself."
Para saan pa? I heard enough and I'm wounded enough to say no. Baka pabilugin niya na naman ako, pero bakit? Kulang paba 'yung binigay ko? Ganon ba siya ka desperado at uhaw sa pera?
Umiling ako sa kanya bago sumenyas sa guards na paalisin na siya, nakakaagaw na siya ng atensyon sa labas. Baka makarating pa kay Daddy na may nag eskandalo dito sa harap ng bahay.
Napakunot ang noo ko ng ayaw parin niyang umalis kahit halos kaladkarin na lang siya ng guards. Napapikit ako ng bigla nalang siyang sinuntok, sa sobrang lakas nun ay napa dapa siya sa lupa. Hindi ko man lang napansin na nakapasok na siya nung binuksan nila ang gate. Sa sobrang takot ko na baka kung anong mangyare sa kanya ay agad akong tumakbo pababa ng hagdanan para puntahan siya.
"Iha sandali," bigla akong hinarangan ni Manang Tori nang palabas na'ko ng pintuan. "Wag mong sabihin na pupuntahan mo 'yung lalaki na 'yun sa labas."
"Sasabihan ko lang ho siyang umuwi na, baka sumunod siya sa'kin." Pagkasabi ko nun ay agad ko siyang nilagpasan at dumiretso na ng gate.
Damn that guy. Pag nalaman talaga 'to ni Daddy, 'di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ako ready sa galit ni Dad.
"Stop!" sigaw ko ng makitang akmang susuntukin na namn siya ng isang guard namin. "Stop... don't hurt him!"
"Miss-" hindi natapos ng isang guard ang sasabihin niya ng nilagpasan ko lang siya.
Sinensyahan ko silang lahat na lumayo sa lalaki. Nag aalinlangan pa sila pero sinunod din ang gusto ko. Nagsitayuan sila sa likod ko.
Lumapit ako sa lalaki at agad naman siyang napatayo nang makita ako. Halos malaglag ang panga ko ng makita na ang laki ng sugat nya sa labi at may black eye siya sa kanang mata. Akmang lalapitan niya ako pero tinulak ko siya ng malakas, halatang wala na siyang pwersa kase halos matumba na siya sa tulak ko.
"Ano ang ginagawa mo dito? How dare you come here after what you've done. Ano ha? Kulang paba 'yung binigay ko sainyo kaya ka nandito? Manghihingi ka ulit?" matigas kong sambit.
Tinignan niya ako na parang hindi siya makapaniwala. "Ganun ba talaga ang tingin mo sa'kin Jade? Na ginusto ko 'yun at niloloko lang kita?" I can hear sadness in his husky voice.
"Oo," sagot ko. "Bakit, hindi kaba ganun?"
"Lahat ng pinakita at pinaramdam ko, Ali... totoo lahat 'yun."
Napapikit ako ng sambitin niya ang putanginang endearment na 'yan. Tinignan ko siya ng masama.
"Stop calling me that, wala na tayo... At wala tayong kailangan pag usapan pa. Kahit ano pa ang sabihin mo, maniwala man ako o hindi, wala ka ng magagawa buo ang desisyon ko na lubayan mo na ako."
Lumapit ako sa kanya at muli siyang tinulak palabas ng gate.
"Leave, Chase. I don't want to see your face and your family ever again. Stay out of my sight. Dahil kung hindi, papaalisin ko kayo sa bansang to, including your family." Tinaasan ko siya ng kilay at tinuro ang daan sa labas. "Leave!"
Umiling siya at biglang napaluhod sa harapan ko. Halos manghina ako ng makita siyang umiiyak sa harapan ko. My man is crying and kneeling in front of me... it hurts. Pero pinigilan ko ang sarili kong umiyak sa harapan niya kase hindi pwede, hindi niya ako pwedeng makita na mahina ako pag dating sa kanya.
"I loved you..."
Those was his last words before I turned my back on him.
BINABASA MO ANG
Over the Wall
Romans𝗛𝗶𝗲𝗿𝗮𝗿𝗰𝗵𝘆 𝗠𝗮𝗻𝗼𝗿 𝗜 The President's daughter, Jade, is suffocated by her own life. She is always trapped because of her Dad's position... then she meets Castriel, a guy who changed her world.