Hinampas ko si Chase sa balikat dahil sa sinabi niya. Anong pinagsasabi nitong crush? Did he say that para hindi na puro tanong ang kaibigan niya?
Tumawa naman ito habang hinihimas ang balikat niya.
"Isang strawberry milktea para sa crush ni Chase." sabi ni Henry at inabot sa'kin ang inumin.
Nag init bigla ang mukha ko. Hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa hiya. Tawa naman ng tawa si Chase sa sinabi ng kaibigan nang makitang pumula ang aking mga pisngi. Nakakahiya siya!
Kinuha ko ang milktea at agad na naglakad paalis.
"Madam, saglit lang! Oh bayad, keep the change!"
"Gago mo eh piso lang naman ang sukli!"
Huminto ako sa paglalakad sa isang stall. Agad namang dumating si Chase sa tabi ko, tumakbo ito para habulin ako. Madaming tao ang tumitingin dito kaya napatingin ako.
Napalaki ang mata ko ng makita ko ang binebenta doon. Katulad iyon ng hairclip na binigay ni Chase sa'kin.
"Dito ka bumili?" tanong ko Chase na nasa tabi ko.
"Oo. Gusto mo paba? Anong kulay gusto mo?" sunod sunod nitong tanong.
"Ako na. Kanina kapa nagbabayad eh." napasingamot ako.
Ako sana ang magbabayad nung milktea pero nakalimutan ko dahil sa hiyang naramdaman ko kay Henry. Puro siya ang bumibili para sa'min, kahit ako 'tong dapat ang nagbabayad. I don't know what's going on his life, pero diba kaya siya nagtratrabaho at a young age dahil they're struggling financially?
Tapos eto ako, Presidente ang Ama pero nagpapalibre sa trabahador namin sa mansion? The nerve, Jade.
Umiling siya. "Ako ang nag aya sayo dito. Dapat ako ang mag bayad."
"No, seryoso. Magkano ang nagastos mo ngayong gabi? Babayaran ko lahat." dagdag ko pa.
Ngumiti ito sa'kin. "May pera ako. Sapat 'yun, para sayo."
"'Wag ka magsayang ng pera para sa'kin-"
"Manang isang hairclip po. Itong kulay red po." bigla nitong sabi sa tindera at inabutan ng pera, hindi nakinig sa sinabi ko.
How did he know I wanted the red one?
"Oh," inabot niya sa'kin ang paper-bag na may laman na hairclip. "Shade ng pink ang kulay eh, I figured you would like it."
"Iho sukli mo," sabi ng matandang tindera at inabutan ito ng fifty pesos.
Umiling naman si Chase. "Sainyo na ho 'yan, Manang."
Pagkasabi niya nun ay hinawakan niya ang kamay ko at iginaya paalis doon. Lumalalim na ang gabi kaya nagpasya kaming magpahinga muna.
Nakaupo ako ngayon sa jacket niyang nakapatong sa damuhan. Siya naman ay nakaupo lang sa damuhan sa tabi ko.
"Dito ka rin umupo." sabi ko sa kanya.
Madami naman ang space para sa kanya. Kasya kaming dalawa sa jacket niya.
"Okay lang ako, ikaw najan." sagot nito.
Napatingala ako sa langit. Madami ulit ang bituin doon. Ang ganda. Napangiti ako sa ganda ng langit. Napansin kong nakatitig si Chase sa'kin kaya ay nilingon ko siya.
Agad naman siyang nag iwas ng tingin.
"Anong oras mo gustong umuwi?" tanong nito bigla.
"Mamaya na." sagot ko at ibinalik ang tingin sa langit.
"Chase?"
Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nagulat ako ng makitang usang grupo 'yun ng mga lalaki, nakatingin silang lahat kay Chase.
BINABASA MO ANG
Over the Wall
Romansa𝗛𝗶𝗲𝗿𝗮𝗿𝗰𝗵𝘆 𝗠𝗮𝗻𝗼𝗿 𝗜 The President's daughter, Jade, is suffocated by her own life. She is always trapped because of her Dad's position... then she meets Castriel, a guy who changed her world.