Naglalakad kami ngayon ni Chase paalis ng mansion. Kakatapos lang namin tumakas. Suot suot ko ulit ang hoodie na ginamit ko kagabi.
"Tahimik mo ata ngayon?" tanong nito bigla.
Nanatili akong nakayuko, nilalaro ang aking mga daliri habang naglalakad.
"Hey," aniya at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. "May problema ba?"
Umiling ako at inalis ang kamay niyang nakahawak sa'kin.
"Oo okay lang ako." sagot ko. "Sakay na tayo."
Saglit itong tumititig sa'kin bago tumango. Pumara ito ng tricycle. Pumasok ako at tumabi naman siya sa'kin.
Tahimik ako buong byahe. Si Chase naman ay panay tingin sa'kin, parang binabasa ako para malaman kung bakit ako tahimik.
Nang makarating kami sa night market ay dire diretso ang lakad ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na naglalakad siya at nakalagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa, habang tinitignan ako.
I don't even know why I'm acting this way. Just because of Hannah's interest on Chase? Ano naman sa'kin kung gusto niya ang lalaki?
Jealous? No way. Baka na misinterpret lang ako ni Gray kaya niya 'yun nasabi.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang isang stall na madami ang stuffed toys. Marami ang mga taong nakatayo sa harap nito, nakahawak ng laruan na baril para mapatumba ang target, para manalo ng price.
"Gusto mo ba niyan?" biglang tanong ni Chase.
Lumingon ako sa kanya. "Ah hindi."
Akmang aalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan. Hinigit niya ako para ipaharap sa kanya.
"Hindi ko alam kung ano ang problema o may nagawa ba ako. Ipapanalo kita ng teddy bear para gumaan ang loob mo." kalmado niyang sabi.
Ngumiti siya at iginaya niya ako palapit sa stall. Nagbigay siya ng pera sa lalaki na in charged doon at binigyan naman siya ng baril.
Kailangan niya makapatumba ng sampong target para isang teddy bear. I was silent the whole time he's shooting. But I was cheering for him like crazy inside my head.
"Bang." aniya ng matumba niya ang ika sampo niya na target.
Pinigilan ko ang sarili kong tumalon sa tuwa ng binigyan siya ng lalaki ng medium size teddy bear at puti ang kulay nito. Iyon ang pangalawang malaki.
I kept a straight face. Nang inabot niya sakin ang teddy bear ay ngumiti lamang ako ng konti.
"Thanks." ikli kong sabi at naglakad na paalis.
Nang tumalikod ako sa kanya ay malawak ang aking ngiti sa labi. Damn this mixed emotions, I can't even understand myself anymore.
"Where are we up to next?" tanong ni Chase nang makahabol siya sa'kin.
"Ikaw?" tanong ko. "Kahit saan."
"Gutom kaba?"
"Hindi naman masyado. Nauuhaw lang."
Tumango tango ito habang nag iisip.
"Anong gusto mo?" tanong niya pa.
"Ikaw ang bahala."
"Milktea?"
Umiling ako. "Uminom ako nun kagabi."
"Eh iced coffee?" subok niya pa.
"I don't like coffee."
"Juice?"
I know I am being difficult. Napasimangot ako nang makita siyang sinusubukan na mapagaan ang loob ko. I sighed.
BINABASA MO ANG
Over the Wall
Romance𝗛𝗶𝗲𝗿𝗮𝗿𝗰𝗵𝘆 𝗠𝗮𝗻𝗼𝗿 𝗜 The President's daughter, Jade, is suffocated by her own life. She is always trapped because of her Dad's position... then she meets Castriel, a guy who changed her world.