Chapter 4

6 0 0
                                    

I'm sitting in my vanity table, nag aayos ng sarili for school. I put some powder on my face. Nahagip ng tingin ko ang hair clip na binigay ni Chase kagabi, napangiti ako. I don't usually put accessories in my hair, but right now, I want to wear the hair clip everyday.

I rolled my wavy black long hair in an upward position, at nilagay ang hairclip. I looked at myself in the mirror. I look like my Mom. I have white skin, brown eyes, heart shaped pink lips, thick eyebrows and pointy nose.

Nang masatisfy ako sa ayos ko, ay lumabas na ako ng kwarto. Tumungo ako sa kusina at nakita kong nandoon si Daddy sa hapag, nagbabasa ng newspaper. He was sitting in his usual spot, in the central position on the table. He hasn't touched his food, he was waiting for me.

"Good morning, Daddy." bati ko sa kanya at umupo sa kanang upuan.

"Good morning, my princess." aniya at nilapag ang newspaper sa gilid niya bago humarap sa'kin.

Bahagya pa itong nagulat sa ayos ko. He smiled but at the same time I can see sadness in his eyes.

"You really look like your Mom." aniya at hinaplos ang aking pisngi. "Beautiful."

I smiled at him. "Does that mean pwede ako maging model?" I joked.

"Bagay na bagay!"

When Mom was young, she was a model. She had many commercials and even participated in a modeling agency in the US. Sa pag rampa niya daw na in love si Daddy sa kanya. I used to laugh about her romantic stories with Dad.

"Mauuna na'ko. Mag ingat ka, okay? I'll see you later in the evening, my princess." sambit ni Daddy bago siya tumayo. Lumapit ito sa'kin at hinalikan ang ulo ko.

Tumango naman ako. "Mag ingat ka Daddy."

The driver dropped me off sa gate. Hindi ko lagi pinapapasok ang sasakyan sa loob ng school, gusto ko kase na mag lakad papunta sa building namin.

Naglalakad ako kasama ang ibang students papasok. I can see in my peripheral vision that they're looking at me. I kept a straight face while walking.

"Good morning!"

Napatingin ako sa aking gilid ng biglang sumulpot si Gray sa tabi ko. I didn't stop walking.

"Morning." bati ko pabalik.

Sinasabayan niya ako ngayon maglakad.

"First time kitang nakita na nakatali ang buhok mo." aniya. "Hindi ka naligo no?" pagbibiro nito.

Pinandilatan ko siya ng mata.

"Naligo ako." masungit kong sabi.

"Talaga? Paamoy nga ng buhok mo kung totoo."

Inirapan ko siya at bahagyang lumayo. "Mabaho 'to." pagbibiro ko rin.

Tumawa naman ito. "Damot ah."

Umiling lamang ako.

"Hatid na kita sa room mo."

"No thanks, kaya ko naman." sagot ko.

Napahawak pa siya sa dibdib niya. "Wala panga, binubusted mo na kaagad ako."

When I looked at him, he smiled at me. He is so persistent na ihatid ako. Makulit. Sa huli ay sa sobrang pamimilit niya ay nakarating na kami sa classroom ko. We stopped on the front door.

Over the WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon