Chapter 8

3 0 0
                                    

My life turned dark when my Mom died in a car crash when I was nine. I lost friends, Dad became consumed with work, and school became stressful. Dad even ended up in the hospital after attempting suicide a few times.

He was devastated as I am. We knew that my Dad was suicidal. He said he couldn't live without my Mom, he had to go to therapy for years because of that. A year after, he got better. Then after years of efforts and being a good politician, he eventually won the presidency.

I thought life would improve then, but it didn't. I was homeschooled from seventh grade until ninth grade. After three years of pleading and tantrums I had. Dad finally allowed me to return to school.

Ang daming nangyare. Traumas and trust issues build up inside me. Kaya siguro ay manhid ako. Wala akong masyadong alam sa sarili ko, I was always indecisive too. Minsan ay naninibago pa ako pag tinatrato ako ng tama ng isang kaibigan o kakilala, kase ang daming tao na sinaktan ako dahil sa status ko sa buhay.

Hurting me and being taken advantage of is the worst part.

Sumandal ako sa balikat ni Chase. He doesn't even know that he's healing me. All that fear from going outside, was all gone because of him. My dreams were becoming reality because of him.

3 weeks have passed. Tuloy tuloy parin ang pag takas ko sa mansion kasama si Chase. Pag wala si Daddy, siya ang kasabay ko kumain.

"Mag balak ka bang mag aral ulit?" tanong ko sa kanya, bigla lang itong pumasok sa isip ko.

Naka upo kami sa garden ngayon, nakauniform pa ako kase kakauwi ko lang. Nang makita ko siyang nagpapahinga dito, dumiretso na kaagad ako sa kanya.

"Meron, next school year. Sabay tayo mag college." napatingin siya sa'kin at ngumiti. "Anong kurso kukunin mo?"

Saglit akong napaisip. "Actually, I have 2 courses na gusto. Una, Psychology and the other one is Entrepreneurship."

"Alin dun ang pinaka gusto mo?"

"'Yung Entrep." sagot ko. "It would be nice if papasok ka sa business world. Doon mo makikita ang halaga ng pera."

Tumango ito at ngumiti.

"Ikaw, what course ang gusto mo?" dagdag kong tanong.

"Political Science." sagot nito.

Kumunot ang aking noo ng bigla siyang natawa habang umiiling.

"Bakit ka natatawa?" nagtataka kong tanong.

"Ang kapal ng mukha ko na 'yun ang gusto kong course. Pero 'yun talaga ang pangarap ko nung bata palang ako."

"What? Anong masama kung 'yun ang kukunin mo?

Umiling lamang ito at ginulo ang aking buhok. Hindi siya sumagot, na mas lalong ipinagkunot ng noo ko.

"Ano nga?" pag pipilit ko.

"Walang pera." ikli nitong sabi. Magsasalita pa sana ako pero inunahan niya ako. "Balik kana sa kwarto mo, magpahinga ka muna. Kailangan ko pang umuwi."

Tumango lamang ako. "Okay, mag ingat ka ha."

Tumayo na kami, aalis na sana ako pero hinahawakan nito ang kamay ko at hinalikan ang likod ng aking kamay. Tumikhim ako at umiwas ng tingin.

"Chat me." aniya at nauna nang naglakad paalis.

Ever since that night on the beach, we grew closer. Kada oras na maghihiwalay na kami, palagi niyang hinahalikan ang mga kamay ko.

Nagpahinga ako sa kwarto. Nagising ako nang kumakatok si Manang Tori sa pintuan ko. Nakapikit parin ako, narinig ko ang pintuan na bumukas, at mga yapak na papalapit sa'kin.

Over the WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon