I declined. I declined Chase's offer to sneak out.
Yes, gusto ko tumakas. Gusto kong gumala. Pero naroon sa'kin ang takot. Crowded pa naman ang night maket. Anything can happen.
Nakahiga na ako ngayon sa kama ng aking kwarto. Hindi ako makatulog. Lumingon ako sa orasan at nagulat ako na it's already one o'clock in the morning. I sighed. I don't sense any drowsiness in my body.
Bumangon ako at nag pasyang maglagay ng black sheet mask sa mukha. Nagpupuyat ako eh, baka magka cause ito ng acne.
Pagtapos nun ay bumaba patungo sa kusina. Kukuha lang ako ng tubig, o di kaya ay magtimpla ng gatas para makatulog ako.
Patay ang lahat ng ilaw kaya ginamit ko ang flashlight ng cellphone ko. Nang makarating ako sa kusina ay binuksan ko ang ilaw nito.
Isang gulat na Chase ang naabutan ko doon. Nakatingin ito sa'kin, nanlalaki ang mga mata.
"Fuck. Papatayin mo ba ako sa gulat?" aniya at nilapag ang basong hawak niya at ang isang kamay ay nakahawak sa kanyang dibdib.
Kumunot ang noo ko. "Sorry naman. Bakit kaba kase umiinom ng kape sa madilim na kusina."
"Bakit ganyan ang mukha mo?"
Napahawak ako sa mukha ko. Oh. Kaya pala siya nagulat dahil sa mukha ko, hindi dahil sa bigla kong pagsulpot.
Tumawa ako habang kinukuha ang sheet mask sa mukha ko.
"It's skincare!"
"Hindi ko alam 'yan." sagot niya at humigop sa kape niya. "Nakakatakot mukha mo."
"Kaka-kape mo 'yan." inirapan ko siya.
Kumuha din ako ng baso at nagtimpla ng gatas. Milk helps me sleep and relax. Kaya palagi akong dinadalhan nun ni Manang Tori pag matutulog na'ko sa gabi.
"Bakit gising kapa?" biglang tanong ni Chase.
"I can't sleep eh." sagot ko.
Tumango ito. "Ako din eh. Gusto mo lumabas? Maganda ang hangin sa labas."
Hindi ko pa nasubukan na lumabas ng ganitong oras sa mansion. Kase bukod sa wala akong kasama, ay tulog na talaga ako ganitong oras.
"Or babalik kana sa pagtulog?" pahabol niya pa.
"No, ahm sige tara? Saan ba? Sa palayan?" sunod sunod na tanong ko.
Tumango ulit siya. "Yes madam. And may mga guards doon so you don't need to worry."
Lumabas kami mula sa kusina. Sa likod banda kase ng mansion ang kusina, kaya pagkalabas mo ay patungo na itong Palayan.
Akala ko ay magiging madilim ang paligid kase madaling araw na, pero hindi. Katulad kanina ay maliwanag ang paligid dahil sa buwan. Madami paring bituin ang makikita sa kalangitan. Naglakad lang kami diretso sa palayan.
Kinuha ni Chase ang baso kong may laman ng gatas, siya ang nagbitbit nun.
Napatingin ang guards sa'min pero mukhang hindi ako namukaan kase hindi ako pinansin, si Chase lang ang tinanguan nila.
Umupo ako sa upuan malapit sa malaking puno, kung saan kami umupo ni Karmen dati. Binigay namn ni Chase ang gatas ko at umupo siya sa tabi ko.
"Ang ganda," bulong ko.
Nakatingin ako sa paligid. The rice fields dance in the wind, while the refreshing breeze embraces me. This is nice.
"Ang ganda nga." pagsang-ayon ni Chase.
Hinarap ko siya, nakatingin din siya sa'kin. I smiled.
"First time ko lumabas dito," masaya kong sambit. "Malamig pala."
BINABASA MO ANG
Over the Wall
Romansa𝗛𝗶𝗲𝗿𝗮𝗿𝗰𝗵𝘆 𝗠𝗮𝗻𝗼𝗿 𝗜 The President's daughter, Jade, is suffocated by her own life. She is always trapped because of her Dad's position... then she meets Castriel, a guy who changed her world.