I knew it! I know I've heard his voice before. Siya 'yung lalaking nakahuli sa'kin nung tatakas sana ako. I sighed.
It's been a week since that happened. Wala akong narinig mula kay Daddy at Manang Tori na violent reactions, so I guess hindi nga siya nagsumbong.
"Oh bakit ka nakatulala jan?" tanong ni Hannah at naglapag ng tray na puno ng pagkain sa harap ko.
Nasa cafeteria kami ngayon, lunch break. Tinignan ko siya ng mabuti, tumitig din siya pabalik. She is a fair white skinned filipina with dark eyes, pointy nose, thin pink lips and a silky straight black hair. Ang ganda niya. Kaya nga nagtataka ang iba naming kaklase kung bakit walang nangliligaw sa kanya, o wala lang siyang sinasabi? Every boy would want her, especially because she's not just a pretty face, but very smart as well.
"Ano 'to staring contest? Ang panget talo."
Inirapan ko lamang siya. Edi walang talo?
Maraming assignments na binagsak ngayon ang mga teachers namin. Graduating class kaya siguro pinapahirapan kami. First semester palang pero minsan ay nag ca-cramming na kami pag sabay sabay silang nagbibigay ng assignments tapos ay madami pa.
"Ahh! Bakit ba kase nag STEM ako? Naiinis ako sa biology." reklamo ni Hannah.
"Alin jan ang hindi mo gets? Tulungan kita tapos tulungan mo ako sa chem." sabi ko, pinapakita ang aking notebook.
Nandito kami ngayon sa library, gumagawa ng assignment na hindi namin natapos kagabi. Buti nalang at may vacant kami na dalawang subject dahil kung wala, puyat kami kagabi.
Nang matapos kami sa ginagawa ay bumalik na kami sa classroom. Ilang subjects pa ang nag discuss bago ang dismissal.
Umuwi ako nang pagod. Padilim na ang langit pag dating ko sa bahay. Bumaba ako sa sasakyan at dumiretso sa kitchen, nauuhaw ako. Pinatong ko ang bag ko sa countertop, bago kumuha ako ng isang pitcher sa fridge at nagsalin sa baso ng tubig. Habang umiinom ako, narinig kong bumukas ang pintuan sa likod ng kusina kaya naman napalingon ako.
Halos mabuga ko ang tubig nang matamaan ko ng tingin si Chase, and he's topless again. Lumaki ang mga mata niya nang nakita ako. Nabulunan ako at naubo. Nag panic siya at kinuha ang baso na hawak ko at nagsalin ng panibagong tubig bago inabot sa'kin. Inuubong tinanggap ko iyun.
Ininom ko 'yun. Tumalikod naman siya at nag suot ng kanyang damit. Humarap ulit siya pagtapos niya magpalit. Nawala na 'yung ubo ko kaya naman pinatong ko ang baso sa table.
"Okay ka lang?" tanong niya.
Tumango ako. Kinuha niya ang pitcher, binalik ito sa fridge, pag tapos naman ay kinuha niya ang baso at hinugasan. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya, hindi niya naman kailangan hugasan ang baso ko. Hindi 'yun kasali sa trabaho niya.
"Kaya kong gawin 'yan." maninahon kong sabi.
Lumapit ako sa kanya at akmang kukunin ang baso na ngayon ay sinasabunan niya, nilayo niya ito. Umiling siya. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango, kakaiba ang amoy nito. Hindi katulad ng mga branded na pabango na naaamoy ko lagi, pero mabango ang amoy niya. A new sweet and manly scent in my nose.
"Ako na, isang baso lang naman."
Pinanuod ko nalang siya, hindi na ako umangal. Isang baso nga lang naman 'yun. Nang matapos siya ay pinunasan niya ang kamay niya gamit ang kanyang shorts. Humarap siya sa'kin.
"Pauwi na kami, ikaw?" aniya, halatang hindi alam ang sasabihin.
"What?"
Natawa siya sa kanyang sinabi. "Bahay nyo pala 'to, sorry."
BINABASA MO ANG
Over the Wall
Romance𝗛𝗶𝗲𝗿𝗮𝗿𝗰𝗵𝘆 𝗠𝗮𝗻𝗼𝗿 𝗜 The President's daughter, Jade, is suffocated by her own life. She is always trapped because of her Dad's position... then she meets Castriel, a guy who changed her world.