"Oh bakit namumula ang buong mukha mo?" bungad ito ni Manang Tori pagkababa ko ng hagdanan.
Tumayo naman kaagad ang magkapatid na Velasco nang matanaw ako. Si Daddy naman ay may kausap sa telepeno, nang makita ako ay binaba niya din kaagad ang tawag. Hinawakan ko naman ang mukha kong parang nabilad sa araw dahil sa init. Pinaypayan ko ang aking sarili, nagkukunwaring pinagpapawisan.
"Mainit lang po." sagot ko.
Nilagpasan ko si Manang Tori para pumunta sa dalawa. Lumapit din si Daddy, sa amin.
"Good afternoon, Jade." bati ni Gabriel.
"Hi." si Grayson.
"Good afternoon din." pekeng ngiti kong bati.
Pasalamat sila at nandyan si Daddy, kung hindi ay baka pinalabas ko na ang dalawang 'to. Ngumisi naman si Gabriel nang mahalatang napipilitan lamang ako.
"Ikaw na ang bahala sa kanila, Jade. Umuwi lang ako kase may kinuhang papeles." sabi ni Daddy at hinalikan ako sa noo. Humarap naman siya sa dalawa. "You two, take care of my daughter."
"Of course Tito." ani Gabriel at nag bow pa ito.
"Opo." si Grayson naman.
Nang makaalis si Daddy ay umupo lamang ako sa sofa at binusak ang TV. Napatingin naman ang dalawa sa'kin, umupo din sila sa sofa na katabi ko. Hindi ako umimik. Bahala silang ma bored buong hapon dito. Wala akong plano ientertain sila.
Si Chase ay nanatili sa kwarto ko. Sabi niya ay mamaya na siya lalabas pag wala ng tao sa corridor. Pagkalabas ko kase kanina, naglilinis ang mga kasambahay doon kaya naman hindi siya makalabas. Baka ay nakalabas na iyon ngayon.
"So..." sabi ni Gabriel, hindi ko siya nilingon. "I heard na gusto mong kunin ang BS Psychology next school year."
"Yes." ikli kong sagot.
"May I know, why?" pagsusubok nito na kausapin ako.
"Gusto ko lang."
"No specific reasons?"
"Oo, trip ko lang eh."
Well, an academic nerd like him would eventually lose interest in a girl who isn't interested in studying. Or a girl you can't have a proper conversation with.
"Ah ganoon ba." iyon lamang ang nasabi ni Gabriel.
Hindi ko alam kung ilang oras kaming nanatili sa sofa at nanunuod lamang ng TV. Tinawag kami ni Manang Tori para mag meryenda sa hapag kainan. Tumungo rin namn kami kaagad doon.
Umupo ako sa hapag, nagulat ako nung tumabi naman si Gabriel sa'kin. Siya din ang nagsalin ng juice sa baso ko. Hindi ko siya dinapuan ng tingin, ni hindi ko nagpasalamat.
Hindi ko iinumin 'yan kahit mabulunan pa ako.
"Hindi masyadong mainit sa labas dahil maulap. Bakit hindi mo sila igala sa palayan, Iha?" ani Manang Tori na nasa gilid ko.
Ngumiti ako sa kanya. "Sige po."
Nang makaalis si Manang Tori sa hapag ay lumingon naman si Gabriel sa'kin.
"Ilang hectarya ang lupain 'nyo?" curious nitong tanong.
Nagkibit balikat lamang ako, pinagpapatuloy ang pag kain ng sandwich.
"Hindi mo ba talaga alam o ayaw mo lang ako makausap?" tanong nito, may halong inis sa kanyang tono.
Nagkibit balikat lang ulit ako. Wala akong pake kung mairita pa ito sa'kin. Edi mag sumbong siya sa Ama niyang Senador, tignan natin kung ano kaya niyang gawin laban kay Daddy.
BINABASA MO ANG
Over the Wall
Romansa𝗛𝗶𝗲𝗿𝗮𝗿𝗰𝗵𝘆 𝗠𝗮𝗻𝗼𝗿 𝗜 The President's daughter, Jade, is suffocated by her own life. She is always trapped because of her Dad's position... then she meets Castriel, a guy who changed her world.