Chapter 7

2 0 0
                                    

"May crush kaba kay ate Jade ko?" rinig kong tanong ni Karmen.

Napalingon ako, nakita kong nakapamewang si Karmen habang nakatingala kay Chase. Tumawa ang lalaki at pinitik ang noo ng bata.

"Aray!" reklamo ni Karmen.

"Napaka chismosa mo." sagot ni Chase.

"Gusto ko lang naman malaman! Pag kase crush mo si Ate ko, iuuncrush na kita! Doon nalang ako kay Kuya Dylan, pogi 'yun!"

"Edi doon ka!"

Saglit pa silang nagkulitan at nagsagotan bago napikon si Karmen at pumunta sa'kin. Nakasimangot ito kaya naman sinama ko muna sa mansion para pakainin ng chocolate.

Masaya itong kumakain ng chocolate habang nakaupo sa sofa. Tumabi naman ako sa kanya. Sumandal siya sa balikat.

"Don't you have a boyfriend yet ate?" tanong nito.

"Wala pa, bakit?" nagtataka kong tanong.

"Bakit po wala pa? Ang ganda ganda mo eh. Wala ba nanliligaw sayo?"

"Wala po," sagot ko at inakbayan siya, napa ayos naman siya ng sandal sa balikat ko.

"How about Kuya Chase?" aniya at tumingin sa'kin. "Don't you like him?"

"I don't know. How do you know if you like someone?" naka ngiti kong tanong.

Umayos namn siya ng upo at tumingin sa'kin. Tumitig ako sa kanya, naghihintay ng susunod niyang sabihin.

"Una, kung gusto mo siya laging makita o makasama. Two, kinikilig ka sa kahit anong gawin niya para sayo. Three, ang peaceful sa pakiramdam pag kasama mo siya." sabi nito at binilang pa ang kanyang mga daliri.

Bahagya akong natawa at ginulo ang buhok niya.

"Ang talino naman," sabi ko. "Sabihan kita pag naramdam ko 'yang tatlong bagay nayan sa isang lalaki."

Tumango naman ito, malawak ang ngiti.

"Okay ate! Update me ha!"

Nang gabing iyon ay wala ako sa mood gumala. Pagkatapos ko maligo, dumiretso ako sa kusina at nagtimpla ako ng gatas at kape. Dala dala ko iyon habang palabas ng mansion galing sa kusina.

Luminga linga ako sa paligid. Madilim na ang paligid, buti nalang ay bukas ang nga solar lights sa paligid. Nakita ko ang mga trabahador sa hindi kalayuan, madami silang naglalakad paalis ng palayan.

"Oh Miss Jade? Bakit po kayo nasa labas?" tanong ng Ama ni Jack ng makalapit sila.

"Ah hanap ko po si Chase, nakita nyo po ba?" tanong ko dito.

Nagkatinginan naman silang lahat sa isa't isa, parang parehas lang sila ng iniisip.

"Nandoon pa sa palayan. Puntahan mo lang, may ginagawa lang siya." sagot naman si Jack, nakangisi ito.

Tumango ako at nagpasalamat bago sila nilagpasan. Tumungo ako sa palayan, dahan dahan lamang ang lakad ko dahil baka matapon ang kape at gatas.

Hinahanap ko si Chase pero hindi ko siya matanaw. Dumiretso muna ako sa upuan malapit sa puno, nilapag ko doon ang gatas at kape. Nagpamewang ako at luminga linga sa paligid, hinahanap ang lalaki.

Umalis naba siya? Pero ang sabi ni Ama ni Karmen ay nandito pa siya sa palayan. Umupo muna ako at pinagmasdan ang paligid. Ang lamig at ang sariwa ng hangin.

Itong palayan ay business din ng pamilya ko. Si Mommy ang nakaisip nito kaya bumili si Daddy ng malawak na lupain. Dito na rin sila nagpatayo ng mansion namin. Naalala ko pa na nagtatakbohan ako dito nung bata ako, si Mommy naman ay hinahabol ako, habang si Daddy ay tumatawa habang pinagmamasdan kami.

Over the WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon