~8: Black Thunder

93 3 0
                                    

A/N:  3rd Person’s POV po muna ang gagamitin ko dito :)

 

 

 

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~

 

Makalipas ng isang araw ay nakalabas na rin si Renz sa hospital. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Kate ay hindi na niya ito nakita. Merong parte sa kanyang sistema na gusting makita ang babae pero pinipigilan niya ito dahil hindi niya alam kung bakit ganoon.

Hindi siya pwedeng magkagusto sa babaeng iyon, yan ang sinasabi ng kanyang utak. Ayaw na niyang masaktan katulad ng ginawa sa kanya ni Latina, ang babaeng iniwan siya. Ayaw niya ng maranasan ang sakit na naranasan niya noon sa babae.

Sa kasalukuyan ay nasa bahay siya at nagpapahinga ng may biglang bumisita sa kanya. Ang Black Thunder. Isa isa itong pumasok at umupo sa sofa. Ano naman ang ginagawa ng mga ugok na to ditto? Tanong ni renz sa kanyang isipan.

“Kamusta ka na pare? Mukhang napuruhan ka ng mga gagong yun ah?” sabi ni Caleb Foster.

Isa siyang half Filipino, half American. Nagkakilala sila ni Renz noong sila ay elementarya pa lamang. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa dahil ang mga magulang nila ay magkasosyo sa negosyo kaya mas lalo silang napalapit sa isa’t isa. Ang pamilyang Foster ay nagmamay-ari ng malalaking kumpanya na naka base sa Piipanas at iba pang bahagi ng mundo.

“Kaya nga! Gusto mo ba resbakan na naming?” sabat naman ni Kyle Martinez habang nakadekwatro pa at ang kamay ay nasa kanyang batok na feel at home na feel at home sa sofang kanyang kinauupuan.

 Ang pamilya ng mga Martinez ay kilala bilang isang napakayamang pamilya sa bansa at sa ibang bansa dahil sila lang naman ay nagmamay-ari ng iba’t ibang shipping company. Isang anak lang si Kyle kaya siguradong sa kanya lahat mapupunta ang mana at ang pagpapatakbo ng kanilang shipping company.

“Huwag. Hayaan na muna natin silang magpakasaya, kung inaakala nilang matatalo na nila tayo dun sila nagkakamali dahil sa huli, sisiguraduhin ko na sa atin pa rin ang tagumpay.” Ngumisi si Renz sa kanyang mga kasamahan, mukhang hind namani na kuha ng kanyang mga ka miyembro ang ibig niyang sabihin.

“Ano bang plano mo?” Tanong ni Christian Ford.

Si Christian Ford ay anak ng isang Senator, opo isang senator sa Pilipinas na si Samuel Ford. Hindi basta basta ang mga kaibigan/ka miyembro ni Renz kaya maraming grupo sa underground society ang gusto silang pa bagsakin at palitan sa unang pwesto bilang makapangyarihang grupo ng mga gangsters.

“Ako ng bahala dun, saka na lang natin yun pag-usapan kapag magaling na ako.” Sagot ni Renz at saka tumango naman ang kanyang mga ka miyembro.

“Eh kamusta naman kayo nung slave mo? Ang balita ko siya raw ang tumulong sayo ah. Ibang klase ka talaga! Hahaha.” Sabi ni Nicolas Rockwell. Nagtawanan naman ang 4 maliban kay Renz na sobrang sama ang tingin kay Nicolas.

Si Nicolas Rockwell ay ang nakakatandang kapatid ni Nicole Saragosa ang kaibigan ni Kate. Kung nagtatako kayo kung bakit iba sila ng apiyedo ay yun ay sa kadahilanan na si Nicole ay lumaki sa kanyang ina at si Nicolas naman ay sa kanyang ama. Broken family sila, pero si Nicolas at Nicole ay sobrang close pa rin sa isa’t isa. Pa minsan minsan ay nagkikita ang mga ito at nagbobonding upang hindi mawala ang closeness nila kahit hiwalay ang kanilang mga magulang.

“Shut-up Nicolas!” Naniningkit ang mata ni Renz sa inis ng mabanggit ang pangalan ni Kate, di niya rin alam kung bakit ganoon ang kanyang reaksyon. Tinaas naman ni Nicolas ang kanyang kamay sabay sabing “Hehe peace pare!”

 

“Hayaan mo na yan si Nicolas alam mo namang may pagkatsismoso yan -_-“ sabi naman Shem Stones. Base pa lang sa apilyedo niyang ‘stones’ eh parang bato talaga si Shem. Laging seryoso, tahimik at misteryoso. Siya lang naman ang nag-iisang anak ni Stephen Stones na isang mafia boss.

Oo isang mafia boss, alam naman yun ng Black Thunder pero hindi sila natatakot kay Shem kasi labas ang pagiging mafia boss ng tatay niya sa pagiging miyembro niya sa Black Thunder.

“Grabe ka naman Shem, atleast nagsasalita di tulad sayo mapapanis laway mo dahil kalimitan ka lang kung magsalita.” Sagot ni Nicolas, binigyan naman siya ng death glare ni Shem.

“You wanna die, bro?” seryosong sabi ni Shem. Napa-peace sign naman si Nicolas “He-he joke lang shem, mahal ko pa buhay ko.” Saka tumahimik na siya.

“Uwi na nga kayo, kita na lang tayo sa school bukas.” Sabi ni Renz saka tumayo at umakyat papuntang kwarto niya. Nagpaalam naman ang kanyang mga kaibigan sa kanya at tuluyan ng umalis sa kanyang bahay.

Kasamang naninirahan ni Renz ang kanyang lola at auntie dahil  nga wala na ang kanyang ina at ama at ang kanyang ate naman ay nasa Europe kasama ang kanyang pamilya at ang ate niya na rin ang nag-aayos ng business nila doon.

_____________________________________________________________________________

VOTE. COMMENT. FOLLOW =))))

Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon