Nagising ako sa mga halakhak na aking naririnig..
Ouch. Napahawak ako sa ulo ko. Teka, nasaan ba ako? Anong lugar ito? Napatingin ako sa paligid, nakakulong ako sa isang kwarto na tanging iisang bintana lang ang mayroon. Nakatali ang kamay ko. Ugh!! Paano ako makakatakas neto? Renz asan ka ba? Iligtas mo ako! T.T
Imposible namang mangyari yun, wala namang pakialam yun saken eh.. Kung di dahil sa kanya, di ako uuwi mag-isa at di ako makikidnap! Amp!
*Creeeeek*
"Mabuti naman at nagising ka na."
Napatingin ako sa taong kakapasok lang. "Sino ka?! Nasaan ako? Parang awa mo na pakawalan mo ako.." pagsusumamo ko. Huhuhu! Kasi naman eh, ba't ba ako nakidnap? Eh wala naman kaming pera di kami mayaman tsaka paniguradong nag-aalala na si mama :(
Tumawa siya. "Nagpapatawa ka ba? Ba't ko naman pakakawalan ang taong magdadala sa akin sa tagumpay." Saka ito ngumiti.
Sasagot pa sana ako pero bago iyon ay narinig ko na ang pagsara ng pinto..
Naguguluhan ako hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Tagumpay? For what reason?? Ano naman ang kinalaman ko doon?
Si Renz naman kasi eh kung sana ay sinunod niya na lang ako edi sana di ako magtatampo at di ako makikidnap. Huhuhu
Iniisip ko si mama, di naman kami mayaman. Wala siyang panransom saken. T.T tapos baka di na ako makauwi, baka mamatay na ako dito. Waaaah! Huhuhu :'(
Well, i don't have any choice but to wait for my savior. :(
Third Person's POV
Pagkatapos mag walk-out ni Kate ay dumiretso si Renz sa bar kung saan naroroon ang kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung bakit parang badtrip siya sa pag walk-out ni Kate. Well, kasalanan niya din naman iyon kasi pinipilit siya nitong gawin ang bagay na hindi niya gusto..
"Oh ba't parang biyernes santo ata mukha mo?" Tanong ni Caleb na umiinom kasama ang iilang babae.
Umupo din si Renz sa couch at kumuha ng isang baso na may lamang alak at inunom ito. Di na lang niya pinansin ang mga tanong ni Caleb. Tahimik lang siya at walang kibo.
Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Hindi niya naman mahal ang dalaga. Natutuwa lang siya dito. Sa totoo lang ay nagulat siya sa alok ng dalaga. Hindi niya alam kung seryoso ito o nagbibiro lamang. Nagulat din siya sa rason nito, pero kahit anong gawin niya ay hindi nito maipagkakaila ang saya sa sinabi ng dalaga.
Simula ng mamatay ang kanyang mga magulang at iwan siya ng kanyang kasintahan noon ay tila ba naging bato na ang kanyang puso.
**
Nakaupo sina Nico at Kyle sa gilid medyo malayo ng kaonti kay Renz. Kitang kita nila na mukhang problemado ito.
"Sa tingin mo, anong problema niyan?" Tanong ni Kyle.
"Aba malay ko. Kung gusto mo siya tanungin mo." Sagot ni Nico at ininom ang alak sa baso. Binatukan naman siya ni Kyle. "Aray! Ang brutal mo talaga pare yung totoo babae ka ba?" Sa pangalawang beses ay binatukan niya ulit ito.
"Umayos ka nga! Nagtatanong ako ng seryoso ah. Sumagot ka din ng maayos."
"Sorry naman. Teka, puntahan ko lang si Shem." Tumayo ito at pinuntahan si Shem sa may counter na umiinom mag-isa.
Naiwan si Kyle pero ilang minuto lang ang nakalipas simula ng makaalis si Nico ay pumunta ito sa dancefloor at naghanap ng babaeng makakalandian.
***
Kasabay ng maingay ng tunog na nanggaling sa bar ay ang nagriring na cellphone ni Nico. Tiningnan niya ito at ang tumatawag ay ang kanyang nakababatang kapatid na si Nicole.
"Pare, teka lang ha. May tumatawag kasi, punta lang ako sa cr." Tumango lang si Shem at saka umalis na si Nico.
"Hello?"
"Hello kuya? Kasama ba ni Renz si Kate?" Tanong ni Nicole sa kabilang linya.
"Hah? Hindi eh. Walang kasama si Renz nung pumunta siya dito."
"Kuya.." naiiyak na si Nicole. Bakas sa boses niya ang sobrang pag-aalala.
"Huy bakit? Ano ba kasing nangyayari?" Pati siya ay kinakabahan na rin.
"Kuya.. si kate..." tuluyan na itong naiyak. Nagpanic bigla si Nico. Di niya alam ang gagawin!
"Anong nangyari sa kanya?" Pati siya ay nag-aalala na rin.
"Si kate kuya.. nawawala siya.."
"Hah? Ba't siya nawawala? Sino naman----"
"Sinong nawawala?" Hindi natuloy ni Nico ang kanyang sasabihin ng may isang boses galing sa kanyang likuran ang umalingawngaw at kilalang kilala niya ang boses na iyon.
"Renz.."
***
HI GUYS SORRY NGAYON LANG ULIT NAKAUPDATE NGAYON LANG ULIT AKONG GINANAHANG MAG-UPDATE ANYWAYS, SANA MAGUSTUHAN NIYO.
VOTE x COMMENT x FOLLOW
THANKYOU ❤
BINABASA MO ANG
Crazy In Love
AçãoGangster story, alam kong napaka-common na yan dito.. Pero wait.. ibahin mo to, may pasabog ako dito! XD