~12: My Savior

85 5 1
                                    

Nakakainis talaga yung lalaking yun! Arghhh! Napayakap na lang ako ng mahigpit kay Potchie yung teddy bear ko. Naiinis talaga ako sa kanya! Ewan ko ba. Ba’t ganito ang nararamdaman ko, ba’t ako naiinis! Ba’t ako nasasaktan! Umiyak iyak pa ako. Ano ba namaaaan! >_< Naguguluhan na ako.

Oo, crush ko si Renz. CRUSH ko lang siya, wala akong karapatang masaktan. Haaays, ba’t kasi sa panahon ngayon kahit crush mo pa lang eh nasasaktan ka na. Crush nga ba kate?

Aish. Ewan. -,-

*beep* (A/N: Pasensya nap o kinulang sa sound effect. XD)

 

Ay palaka! Ano ba, nagmumuni muni ako dito tapos may istorbo.

“Let’s talk.” Galing dun sa unknown number.

Huh? Sino naman to? At may pa let’s talk let’s talk pang nalalaman.

“Uh. Who u?” I replied.

“Tsk. Renz.”

 

Ah si Renz naman pala---WHAT?! Si Renz?

Saan niya naman nakuha ang number ko? Ugh! Bigla ko namang naalala yung nakita ko kanina. Ewan ko, bigla namang namumuo ang luha sa mga mata ko. Ano ba! Ba’t nagging iyakin ka dahil sa lalaking yun kate! >.<

Bahala siya diyan. Bakit naman ako makikipag-usap sa kanya? Wow ha. Di ko na lang siya nireplayan at naisipan kong matulog na lang. Baka sakaling pag gising ko eh makalimutan ko na yung nararamdaman ko sa kanya. Haaays, sana nga…

*Knock knock*

 

“Anak? May bisita ka. Lumabas ka na diyan.” Napamulat naman ako sa sinabi ni Mama.

I checked the time. 6:30 na pala ng gabi. Medyo napasarap tulog ko ah.

“Sino ba kasi yan ma? Gabi na ah?” tanong ko saka bumangon at nag-ayos ng sarili.

“Renz daw anak.”

What?!

“Wait lang ma. Sabihin mo saglit lang.”

Tapos pumunta akong cr at naghilamos. Nagpulbos na rin ako at naglagay ng pabango. Aish! Teka nga, ano ba kasing ginagawa ng lalaking yun dito? Eh gabing gabi na. Saka dun na lang sana siya pumunta sa kahalikan niya ah total sarap na sarap naman siya dun sa ginagawa ng babae. -__-

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. Nakaupo lang siya sa sofa at nakadekwatro. Aba, feel at home tong mokong na to ah. Psh!

“Let’s talk.” Pa cool niyang sagot pero nakatingin siya sa akin.

“Okay. About ba dun sa project? Kung about dun, don’t worry tapos ko na yung mga scenes ang kailangan na lang natin ay ishoot yun.” Sabi ko saka tumalikod na at akmang babalik sa kwarto ko pero agad niyang hinigit ang kamay ko kaya napaupo tuloy ako sa sofa katabi siya.

Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon