~3 : Know him more

113 7 0
                                    

Ilang weeks na rin ako dito sa Fernandez National High School at Thank God wala pa namang may masamang nangyayari sa akin. 


Lagi kong kasama si Nicole, nagiging close na nga kami eh. Ang daldal niya kasi tapos mabait pa.

Andito kami ngayon sa garden ng school, medyo walang tao dito tapos tahimik. Naging tambayan na namin ito, kasi dito fresh air tsaka nakakagawa kami ng mga homeworks ng maayos dito pati na rin nakakapagchismisan kami. Hahahaha


"Nic, bakit kinakatakutan talaga ang leader ng Black Thunder?" Tanong ko kay Nicole.

Napahinto naman si Nicole sa ginagawa niyang assignment at tiningnan ako ng nakakalokong ngiti.

"Uuuy interested... hahahaha" lumapit siya saken tapos tinutusok tusok ako sa balikat.

"Wag ka nga! Nagtatanong lang ee."

"Talaga? Hahaha yung totoo. Crush mo yun noh? Ayieee ❤" nicole.


AKO? CRUSH YUNG RENZ NA YON? POSIBLE, GWAPO NAMAN EH. PERO YUNG UGALI NIYA? UGH! I CAN'T TAKE IT.

"Oy hindi ah! Sino naman magkakagusto dun? Gwapo nga pero yung ugali niya, grabe bagsak na agad. -_____-" sabi ko.


Eh totoo naman eh, ugali pa lang bagsak na.


Pero kung naging kaugali niya siguro si Daniel Padilla na mabait, gentleman, caring, humble, gwapo, sweet at mapagmahal. Ay nako walang pakundangan siguro nainlove na ako sa kanya. Pero hindi eh..


"Ay grabe ka naman. Ang high masyado ng standard mo teh." Sabi niya at saka pinagpatuloy ang ginagawa niyang assignment.


"Pero ano nga kasi nic magkwento ka na, diba matagal ka na dito? Gusto ko lang talaga siyang makilala.." sabi ko.

Napaupo naman siya ng maayos saka ako tiningnan..


"Okay sige. Si Renz dalawa na lang sila ng kanyang half sister ang namumuhay. Ang both parents kasi niya ay wala na. Yung dad niya namatay sa car accident atsaka yung mom naman niya kinulam dahil sa inggit. Bata pa lang siya ng mga panahong iyon, walang kamuwang muwang. Kawawa nga eh, ang naging sandigan na lang niya ang mga kabarkada niya yung ate niya kasi nasa Europe, may pamilya na dun at busy din sa business nila. Sa totoo lang mabait naman yan si Renz eh, simula nung namatay ang parents niya ay naging pusong bato na siya. Nagka-gf sya masaya kami kasi kahit papaano may babaeng nagpapasaya sa kanya, tapos nag li-low sya sa pagiging gangster pero sa di inaasahang pagkakataon iniwan siya ng babae at pinahiya sa harap ng maraming tao, sobrang nasaktan si Renz nun kaya simula nun mas dumoble ata ang pagiging pusong bato niya at pagiging manhid, ang mga babae tinuturing niya na lang na laruan at ang pakikipag-away ay parang laro na lang sa kanya."

Tiningnan ko si Nicole habang kumukwento siya, parang ang close nila ni Renz.. Pero grabe pala ang nangyari sa kanya. In his early age nawala na sakanya ang parents niya kaya siguro ganun siya. He doesn't feel loved. Na lahat ng tao ay iniwan siya..


"Grabe naman pala ang nangyari sakanya. Di natin siya masisi kung bakit nagkakaganun siya." Sabi ko. Tinapik naman ni nicole sa balikat.


"Kaya kung ako sayo kate, wag kang maiinlove sa kanya. mahirap na." Sabi ni nicole.


Di ko na lang pinansin ang sinabi ni Nicole. I don't get her. Pero there is a part of me na gustong mapalapit kay Renz. Aish! Ewan ko ba. Makapagreview na nga lang.


﹏﹏﹏﹏﹏


WOW! Sa isang araw naka-tatlong chapter ako? I hope you will support my story kahit medyo common na po ang plot! I promise guys, i won't disappoint you. ;)


Votes and Comments please? I badly need your support! xx kate :*

Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon