~7: Incident

85 6 0
                                    

TGIF! Yes naman weekend na bukas ^___^ Di ko makikita ang mukha ni unggoy ng dalawag araw. Hahaha pero grabe ah, pinapahirapan niya ako >3< Huhuhu kawawa lang ako. Nakakainis talaga yun! Akala ko partner kami pero ginawa naman akong slave eh..

Eh sa slave naman talaga ako!

T__________T

Anyways, ang napag-usapan naming ni renz na cover ng  aming music video eh yung kantang “Rude” ewan ko nga kung ba’t yan yung gusto niya umo-o na lang ako.

Pero infairness ah bagay sa kanya yung kanta kasi napaka-rude niya. Mwahaha!

--

CAFETERIA

“Bes, nakastart na kayo nung music video niyo?” tanong k okay Nicole sabay kain nung sandwich ko.

“Di pa nga eh, kayo ba?”

 

“Di pa din, ewan ko nga sa unggoy nay un kung kaylan eh -___-“

 

“Ang gwapong unggoy naman nun—aw!” binatukan ko siya. Eh kasi naman eh kung anong pinagsasabi.

“Tumahimik ka na lang nga, kumain ka na lang jan.” tapos nagpatuloy lang kami sa pagkain.

--

*Yaaawn!* goodmorninggg world, hahaha ang hyper ko ba? Eh kasi naman sabado ngayon, kapag sabado walang pasok, kapag walang pasok walang unggoy. So it means it’s free timeeee! ^___^

Bumangon na ako, tapos nag toothbrush, nagsuklay, nag-ayos ng sarili. Eh kasi naman ganito talaga rituals ko tuwing umaga eh. Gusto ko fresh akong tingnan kahit bagong ligo lang. hahaha tsaka sabi kasi ni mommy maganda daw yung malinis at maalaga ka sa katawan.

“Goodmorning mom.” Sabay kiss sa kanya.

Nagluluto si mommy  ng breakfast namin.. hmm ang bango naman, idol ko talaga si mommy when it comes sa cooking. Ang galling kasi tapos ang sarap niya pang magluto.. Sayang wala dito si Dad, nasa Canada kasi siya nagtatrabaho..

Kung nagtataka kayo, only child lang ako.. Yes ang lonely lang nga eh L Siyempre gusto ko rin ng may kalaro, kausap kapag may problema ako.. Nahihiya kasi ako kay mommy mag share eh >,< hahaha

Anyways, malling day ko ngayon! Hahaha yes, every Saturday eh nagmamall talaga ako pampatanggal stress at free day na rin. Nasa malapit na sana ako ng mall ng may nadaanan akong eskinita, nagulat ako sa nakita ko dahil may mga di kilalang kalalakihan na binubugbog ang isang lalaki!

Shet my innocent eyes, ayokong makasaksi ng bugbugan pero kawawa yung lalaki, ba’t di siya lumalaban? Gusto niya bang mamatay?!  di ko Makita ang mukha niya kasi nakayuko siya tapos pinagsisipa siya ng mga lalaki na mahigit sa lima! Waaaah! Kailangan kong humingi ng tulong…

Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon