Simula ng maging boyfriend ko si Renz ang dami ng nangyari. Nakilala ko na ang whole Black Thunder at alam ko na rin kung anu-ano ang estado nila sa buhay. Grabe bigtime pala mga ka grupo niya, atsaka natapos at napasa na rin naming yung music video salamat na lang talaga dahil kung hindi ay siguradong bagsak kami.
Hanggang ngayon ay di ko pa rin makalimutan yung reaction ni Nicole nung malaman niyang kami na ni Renz as in sinugod niya talaga ito at pinagbantaan pa na kapag sinaktan niya daw ako ay patay talaga siya kay Nicole. Hahaha kahit alam ni Nicole na ako ang may gusto sa relasyong ito at walang nararamdamang pagmamahal sa akin si Renz ay ginawa niya pa rin iyon. Thankful ako na naging kaibigan ko siya.
Anyways, andito ako ngayon sa Black house ang tambayan ng Black Thunder. Nag-uusap sila mukhang seryoso at ako naman ay nakaupo lang ako dito sa isang tabi habang naglalaro ng candy crush. Ang tagal naman kasing matapos eh >3<
Mga ilang minuto na rin akong naglalaro ng makarinig ako ng footsteps. I bet tapos na sila.
"Oy pare, yung girlfriend mo mukhang bagot na bagot na dito oh." Sabi ni Nicolas.
"Kaya nga, i-date mo na to baka mamaya magtampo pa sayo eh." Sabat naman ni Kyle.
"Wala kang aasahan diyan kay Renz alam mo namang hindi mahilig makipagdate yan." -Nicolas. At nagtawanan silang dalawa ni Kyle.
"Tumahimik nga kayo kung ayaw niyong pag-uuntugin ko kayong dalawa." Sabi ni Renz na papunta na sa gawi namin. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. "Umalis nga kayo dito, wag niyo kaming istorbohin ng girlfriend ko." He said and close his eyes.
"Aba naman pare umaariba ka na ah. HAHAHA ninong kami ha? Ge babush." Hinila ni Nico si Kyle palabas at humarurot ng takbo bago pa magising si Renz at pag-uuntugin talaga sila. HAHAHA
"Mga lokong yun. Are you bored?"
"Medyo lang naman. Ang tagal mo kasi eh. Ano ba yung pinag-usapan niyo?"
"Nah, it is just about underground fight. C'mon, let's have lunch." Then he walked and I followed him.
Andito kami ngayon sa isang mamahalin restaurant dahil pinagpilitan niyang dito kami kakain sabi ko naman sa kanya na okay lang kahit sa mumurahin lang hindi naman ako mapili pero wala akong nagawa kaya we end up eating here.
"What's yours?" he said while looking in the menu. Ako naman hindi ko alam kung anong sasabihin kasi di ko naman alam tong mga pagkaing nasa menu. Sorry naman may pag ka ignorante ako >_<
"Ah tubig na lang."
"Tsk." Binaba niya ang menu then tinawag yung waiter at nag-order kung anong inorder niya yun din ang inorder niya para sa akin.
After 20 minutes dumating na yung pagkain. Tahimik lang kaming kumakain. Tiningnan ko siya, hindi talaga ako makapaniwala na pumayag siya basta ang alam ko, I will make him happy and feel loved no matter what.
After naming kumain ay pumunta kami sa mall. Bigla lang siyang nag-aya eh pero sobrang natuwa ako :)) Sa kasalukuyan ay dumiretso kami dito sa world of fun, gusto ko lang ditto matagal na kasing di ako nakapunta dito eh. Hahaha
"Ang dayaaa mo! :3 Lagi ka na lang panalo!" sabi ko, naglalaro kasi kami nung shoot shoot ng bola tapos lagi siyang panalo kainis. Huhu
"Hahaha! I told you, you can't beat me." Tawa pa rin siya ng tawa. Tss yabang talaga.
"Fine! Dun naman tayo sa may sayaw sayaw.." tapos hinila ko siya.
"Wtf! I don't like here! Di ako marunong sumayaw." Sabi niya saka nag cross arms at umirap pa. hinawakan ko ang braso niya at niyugyog.
"Sige na kasi, ngayon lang naman eh." I said pouting. Tumingin siya sa akin, "still no."
"Ba't kasi ayaw mo? Gagayahin lang naman yung sumasayaw dun sa screen eh!"
"Coz I don't know how to dance! Mapapahiya lang ako."
Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanya, nakakainis ayaw niya talaga. Ngayon lang naman eh >3< Hmp! Bahala siya diyan.
"Where do you think you're going?" tiningnan ko siya. Serious look siya then naka-cross arms pa. bahala siya diyan, tampo ako sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Pero nakakailang hakbang pa lang ako eh bigla niya akong kinaladkad! Ugh!
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Nakakainis naman eh, pinagtitinginan na kami dito sa mall. Di ako pinansin ni Renz, patuloy pa rin siya sa pagkaladkad sa akin.
"If you won't shut your mouth, I'll kiss you in front of this people!" he said shouting! Yes, SHOUTING! Ughh! Nakakainis talaga, ang dami ng nakatingin sa amin. Nakakahiya bwiset naman kasi tong si Renz eh. Ayaw pa ako pagbigyan. Hmp!
Bigla kong hinila yung kamay kong hawak hawak niya. "Uuwi na lang akong mag-isa." Sabi ko at naglakad na. Medyo malayo na rin ako sa kanya, nakakainis ni hindi man lang niya ako pinigilan o sinundan! I look back, wala na siya. Medyo na disappoint ako, akala ko susundan niya ako. Akala ko pipigilan niya ako, pero wala eh hinayaan niya lang ako. Sino ba naman kasi ako diba? Girlfriend lang niya, girlfriend lang pero ang tanong mahal ba niya ako? Hindi naman eh, ako lang tong baliw na nagmamahal sa kanya. Ayan kasi kate, wag mag-assume para di ka masaktan!
Nakalabas na ako sa mall at naglakad papunta sa sakayan ng jeep pa balik sa amin. May napapansin akong kakaiba, parang may sumusunod sa akin pero paglilingon ako wala naman. Natatakot ako kaya medyo binilisan ko ang paglalakad, nasa may madilim na bahagi na ako ng kalye ng may biglang nagtakip ng panyo sa akin galing sa likod ko medyo nahihilo ako.. nanghihina ako..
Renz..
Sabin g isip ko and everything went black.

BINABASA MO ANG
Crazy In Love
AcciónGangster story, alam kong napaka-common na yan dito.. Pero wait.. ibahin mo to, may pasabog ako dito! XD