15 YEARS AGO
"Daddy! Daddy!" sigaw ng batang nasa mga tatlong taong gulang na sa tatay niyang nakikipag-away sa mga armadong lalaki sa labas ng bahay nila. Bakas sa mukha ng bata ang pag-aalala.
"Baby, wag 'ka nang sumigaw please," paki-usap sa kanya ng babaeng mukhang nasa early thirties niya habang hinahagod ang likod ng bata.
"Pero mommy, why is he fighting and why is he with that black thing that shoots?" tanong ng bata sa mommy niya.
"Anak, as of now I'm sorry. I'm sorry kasi hindi ko pa masasagot iyan pero someday, I will. I promise," pangako ng nanay sa anak niya.
Pero pursigido pa rin ang bata. "Why not now?"
"You're too young. Kahit anong paliwanag ko, hindi mo pa din maiintindihan. Pero paglaki mo, I promise you I will tell you everything."
Wala ng magawa ang bata kaya tumango nalang ito. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa kanila. Halatang kinakabahan ang nanay ng bata sa nakikita niya sa labas habang wala namang kamuwang-muwang ang bata sa nangyayari.
Suddenly, the woman's eyes widened in shock and the look of horror is evident on her face.
"Mommy, what are you looking at?" tanong ng bata.
Napalunok ang mommy niya at pilit na hinahagod ang likod ng bata kahit nanginginig na ang kamay niya. "A-anak, how about let's play a game?"
Lumiwanag ang mukha ng bata sa narinig at diretsong tumango sa mommy niya.
"Let's have a race!"
"Talaga mommy?!" Mas lumiwanag pa ang mukha ng bata at tumatalon pa siya sa saya.
"Oo anak. Now let me finish first."
"Okay!"
"The finish line is at your sister's bedroom. If I win, you have to promise me that you will stay in there until I say so. No matter what happens outside, you'll stay in. Okay?"
Medyo nagtaka ang bata sa sinabi ng mommy niya pero binalewala niya lang ito at tumango.
"What will happen if I win?" tanong ng bata with a huge smile on her face.
"If you win, I will buy you any thing that you want. Is that okay with you?"
"Yes!" masiglang sagot ng bata.
"Then let's go!" The woman says, cheerfully and ran to her youngest child's room. She was ahead, but made sure her eldest wasn't too far behind.
Dahil nanalo ang mommy niya sa kanilang race, walang ibang nagawa ang bata kundi sumunod sa sinabi ng mommy niya. Linalaro pa ng bata ang nakababatang kapatid niya nang may narinig siyang sumigaw mula sa labas ng bahay. Agad naman siyang pumunta sa bintana at dumungaw mula doon.
"Why is mommy screaming? Is she hurt?" tanong nito sa sarili.
Nasagot agad ang tanong nito nang nakita niyang pinagbababaril ng mga armadong lalaki ang mga nanay niya.
Her mom's lifeless body was then dragged and laid right next to her father's. Shocked, scared, and confused weren't enough to describe how the kid feels inside.
Sisigaw pa sana siya nang may telang tumakip sa bibig niya at nakaramdam nalang siya ng pagkahilo. Unti-unti ay binalot na siya ng kadiliman.
—
Currently under major editing. To me, a lot of the parts in this story are kind of rushed and cringy and I'll try my best to change that but I can't guarantee the best. Thank you for understanding ❤️
BINABASA MO ANG
Queen Red Ice [EDITING]
ActionAgainst all odds. IN TAGALOG ****************** #39- action #1- ambush #4- baekyeon Credits to: @bad_gangstergirl for the book cover.