Bitter

16.8K 400 3
                                    


Buwisit 'tong mga to.

Sinabihan ko na ngang hindi na kami sasama dun sa mga babae, pinilit pa rin.

Tss. Lakas ng tama ng mga to sa kanila.

Pero kung wala lang talaga sanang nagsabing sumama kami sa kanila, wala sanang makaka-isip nun at hindi sana namin kasama tong mga babaeng to.

Pero sino pa bang magsasabing sasama kami sa kanila? Edi yung magkapatid. Malamang kasi girlfriend nila yung dalawa eh. Tss. Pa-under much sila sa kanila.

"Hoy! Pareng Gray, wala ka yatang imik ngayon?" tanon sa akin ni Lester.

Tiningnan ko lang ito ng masama. Buwisit siya. Pakialam niya ba kung hindi ako nagsasalita ngayon?

"Ay. Bad mood?" panunukso sa akin ni Wesley.

Tss. Isa pa 'to. Hindi ba niya alam na isa siya sa mga dahilan kung bakit ako ganito? Buwisit lang siya.

"Hahahahaha." isa pa 'tong Sandrang 'to.

Akala niya close na kami. Grabe lang kung maka 'Gray' sa akin eh ka-close ko lang naman ang makakapag-'Gray' sa akin.

"Black, si tita tumawag sa akin. Nangangamusta daw. Sa atin daw apat." sabi ni Princess kay Wesley.

So ano yun? Kilala na rin sila ng mommy nina Indigo? Wow ha. Pwede na silang ikasal.

"Anong sinabi mo?" tanong ni Wesley.

"Ano sa tingin mo? " sagot ni Princess sabay taas ng isang kilay.

"Oo." sagot din ni Wesley.

"Yun naman pala eh. Bakit tinatanong mo pa?" pilosopong sabi ni Princess.

Wow. Ganyan ba sila maglambingan? Ang pangit naman.

"Ah, Red. Yung papers nga pala namin. Saan ibibigay?" pasimpleng tanong ni Shade kay Queen.

Red? Malamang second name niya yun.

Pero para saan ang pagtatanong ni Shade kung alam na naming lahat kung saan yun ibibigay? Sus. Malamang gusto lang niya makausap ang GIRLFRIEND niya.

"Sa Principal's office mo na i-deretso.Tutal. Dun din naman ang bagsak nun eh. Papatagalan mo lang kapag sa RIC mo ibigay." sagot ni Queen.

Sabagay, nakatulong rin pala siya. Pero parehas lang din yun. He's still trying to flirt with his own girlfriend.

Nung nakita ni Shade na  nakatingin ako sa kanila, inakbayan niya si Queen.

Tss. Anong akala niya? Nagseselos ako? Never.

Hindi ko alam na nagkasalubong pala yung kilay ko at linapit naman niya ang mukha niya sa tenga ni Queen na para bang may sinabi. Pagkatapos ng sinabi niya, nilapit naman niya yung bibig niya sa may cheeks ni Queen at tiningnan ito sa mata na para bang nagtatanong kung sang-ayon ba ito sa ideya niya. Tumango si Queen at tumayo na din.

"Tss. PDA." nasabi ko. Pero it was too late nung na-realize ko kung ano ang nasabi ko dahil nakatingin na silang lahat sa akin. Pati si Queen.

"Pinagsasasabi mo diyan?" sabi sa akin ni Prince.

"May sinabi ba ako?" painosente kong tanong sa kanya.

Umirap si Queen at Princess at sabay na umalis. Sumunod naman sa kanya yung mga under. Este yung magkapatid.

"Oh. My. Gosh. Don't tell me that you are nagseselos to Queen and Shade?" sabi sa akin ni Nadine.

Tiningnan ko lang ito ng masama.

Queen Red Ice [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon