Special Chapter: Special Dinner

12.5K 281 10
                                        


Queen's POV

Papasok na kami sa mansion ng lolo ko. Ito yung dinner na sinasabi ni tita kanina. Hindi lang kami ang invited. Pati na rin ang mga pinsan ko at mga kaibigan niya. And I'm just happy to see her again. Malalaman ko kung ano ang latest na nangyayari dun ngayon.

"Good evening, ma'am, sir." bati ng mga guards sa amin sabay bukas sa pinto ng mansion ni lolo.

Pagkapasok namin, namangha lang ako ulit sa disenyo ng bahay namin. Dito naman ako umuuwi pero every time na paaayusan talaga ni lolo ang bahay ay namamangha pa rin ako.

"Hay, Red! Ang ganda talaga ng bahay niyo! It's magical!" sabi ni Sandra.

Yes, it's true. Magical talaga  tingnan ang bahay namin ngayon. Ewan ko ba kay lolo at ngayon lang niya naisipan na gawing ganito ang theme ng bahay.

Papunta pa lang kami sa dining area nung napansin kong grabe ang paghahanda ng mga maids.

"Ya, bakit po parang abalang-abala kayo?" tanong ko kay Yaya Cely.

"Mamaya na, anak. Sasabihin din ng lolo mo." sagot niya sa akin.

Aba! May pa-surprise surprise pa si tanda ah! What is he up to?

"Ate, what's lolo's surprise kaya?" pabulong na tanong sa akin ni Blue.

Second names namin ang tawag namin sa isa't isa o di ba kaya nicknames. Our first names are the ones that we allow other people to call us. Lalo na yung mga fangirls. Not as bragging but it's true. Maraming humahanga sa amin. And I hate them. They're nosy.

"I don't know." sagot ko sa kanya.

"Sumilip kaya tayo sa backyard." suhestiyon ni Sandra.

"'Wag na." pagtutol ni Denise.

"Ikaw talaga, Den! Akala ko ba ako bestfriend mo dito? Eh bakit kanina mo pa tinututulan ang mga sinasabi ko?" sabi ni Sandra na wari'y nagtatampo. Inirapan lang siya ni Denise.

Pagkapasok namin sa Dining room, nakahanda na ang mga pagkain. Pero ang pinagtataka ko lang, bakit ang dami ng mga plato? Maliit lang naman kami eh. Kami, sina  tita and lolo, and the six of them. Eh ba't 20 plates ang nakalagay? Grabe naman yata?

"Ma'am, maupo na po kayo. Pababa na po si sir." sabi ng isa naming katulong.

"Sige po." sagot ni Blue.

Teka? Bago 'to siya ah?

She looks decent but something's wrong.

I think she's in the same age as us. Or maybe a year or two older.

Umupo na kami sa seats namin. Katabi ko si Blue at katabi naman niya si niya si Achi sa kanan niya at sinundan naman ito nina Ange, Denise, Sandy, Shade, and Black.

Reserved lahat ng seats sa harapan namin for the others. Pero hindi ko alam kung bakit may extra seats pa.

"Oh, mga apo, you're here!" sabi ni lolo pagkapasok niya sa dining room.

Sumunod naman sa kanya si tita Bridget. Umupo na sila at sila yung nasa magkabilang dulo ng table.

"Lo Gab, wala pa ba sila?" inip na inip na na tanong ni Sandy.

"Nakikita mo ba sila?" iritang tanong ni Denise sa kanya.

"Hindi." sagot ni Sandy.

"Yun naman pala eh! Edi wala pa sila!" sabi ni Denise at tiningnan si Sandy in I-was-stating-a-fact look.

Tumawa naman ng malakas si Nadz.

"Hahahahaha. You're so funny, Sandy. You don't have common sense talaga! Hahahaha." sabi ni Nadz at mas tumawa pa ng malakas.

Queen Red Ice [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon