Girlfriend.

17.1K 471 7
                                    



Nakakapagtaka talaga sila.

What could such pretty faces hide?

Hindi naman siguro sila gumagawa ng kalokohan diba? Sasayangin lang nila ang kagandahan nila 'pag nagkataon. Pero bakit kaya takot ang ibang mga estudyante sa kanila?

Ang una ko kasing naisip ay baka gangsters sila kasi ganun na lang kung sumunod sa gusto nila ang iba. Pero imposible naman yata yun dahil kapag gangsters sila, malamang wala na sila sa school na 'to. Ang sunod ko namang naisip ay baka mga queen bee sila. Tama. Mga queen bee siguro sila. Pero mukhang hindi naman sila bitchy eh. Most of the queen bees are bitchy. Kaya nga naging queen bee sila dahil inaangkin nila yung pagka- Queen kahit walang nagtalaga sa kanilang queen bee sila. Nagrereyna-reynahan kumbaga.

Pero sa case nila, parang yung iba yung nagtalaga sa kanilang queen bee sila kasi magaganda sila eh. Kaya lang, iba-iba yung attitude. Pero mas mabuti na lang yun para unique ang bawat isa sa kanila. Kaya siguro mga queen bee sila. Pero Queen bee nga ba? Pero imposible ding hindi.

"Hi. I'm Prince Cerulean Brandon Montreal." sabi ng prinsipe sabay abot ng kamay dun sa Princess.

Bagay sila. Prince and Princess.

Pero mukhang sa pagpapakilala pa lang ay busted na siya dahil tiningnan lang nito ang kamay niya at sinabi na lang ang pangalan niya.

Oo. Ganun lang. Ganun lang ka simple. Ganun din ka-simple mabusted ng prinsipe. *smirks*

Binawi na lang ni Prince ang kamay niya at nag-smile pero halatang pilit. Naku. Mukhang malakas ang tama nito.

Pero kung ganyan ang prinsesa, higit pa siguro ang reyna. Kaya hindi na lang muna ako magpapakilala sa kaniya. Sigurado namang napansin niya ang ka-gwapuhan ko dahil napatingin nga siya sa akin kanina eh.

So, hintayin ko muna na siya ayung lalapit sa akin. 'Girl's first' kumbaga.

Magpapakilala sana si Dalton nung nagsalita si Lester. 

"Shade, Wesley, hindi niyo ba kami ipapakilala sa kanila?"

"Hindi." agad namang sagot ni Wesley.

Aba! Ngayon na lang yata ako nainis sa pagka-pilosopo ni Wesley. Hindi pa naman kami ipakilala sa kanila? Eh crush namin sila eh!

Sinamaan ko siya ng tingin. As in masama talaga. Nag-smile siya sa akin na tila nagsasabing 'Hehe.Joke lang. Peace'

"Uh, girls. Sila sina Dalton, Lester, Prince at King. Mga kabarkada namin." sabi niya.

"Hi, Dalton!" sabi ni Sandra sabay wink sa mokong.

"Hi, baby Sandra." sagot naman ni Dalton at hinapit ang babae sa bewang.

Aba! Nag-eenjoy  pa ang mokong! Ireto ko kaya yang babae niya kay Luhan nung Exo?

Eh. bahala na nga sila sa buhay nila. Paglaruan nila yung isa't-isa hanggang magsawa sila sa isa't-isa at mag-iiwanan sila. Hindi naman sila masasaktan,diba? Mga casanova nga eh.

Habang si Lester naman ay nag-smile lang kay Nicolette. Iba kasi yung Nicolette, eh. Parang hindi mo ma-a-approach. Trashtalker pa. Baka murahin lang si Lester.

Si Prince naman, titig lang ng titig kay Princess. Asus. Ngayon lang yata yan nagkakaganyan. Pati yung sa mga past girlfriends niya, hindi siya ganyan. Pinaglaruan lang niya. Ewan ko ba. Pero nahawaan yata ni Dalton yan dati eh. Pero siya, controlled naman. Di parehas nung kay Dwight, uncontrollable.

Tumingin ako kay Queen at nakatingin lang siya sa phone niya.

Ilang sandali lang kaming nakatayo dun nung binasag ni Princess yung katahimikan.

"Black." tawag niya kay Wesley.

Wesley Black kasi ang pangalan niya eh. Pero ang mga ka-close lang niya ang tumatawag sa kanya nun. Close sila? Tinawag siyang Black eh.

"Oh. Bakit?" sabi naman ni Wesley.

Kaya lang ako, Wesley tawag ko sa kanya minsan pero Black din naman minsan. Depende sa mood ko.

"Yung kay............."

"Tapos na." pagputol ni Black sa sasabihin ni Princess.

"K." tipid na sagot ni Princess.

Ilang minuto pa rin kaming nakatayo dun nang nagulat kami sa nagsalita.

"Shade." tawag  ni Queen kay Shade.

Close din sila? Kami lang kasing mga close sa kanya ang pwedeng tumawag sa kanya nung 'Shade' eh.

Tiningnan lang siya ni Shade.

Tiningnan lang din siya ni Queen.

Pero hindi ordinaryong titian yun. Para bang nakikipag-usap sila pero gamit lang ang mga mata nila.

*Kriiiiiing  Kriiiiiiiiiing*

Tunog nung bell. Tss. Panira 'tong bell na 'to oh. Gusto ko pa sanang tanungin ang kambal kung bakit kilala nila yung dalawa.

Badtrip.

******

Lunch time na at hindi na ako makapaghintay na tanungin yung magkapatid kung bakit kilala nila sila.

Pagkalabas ko ng room, agad kong pinuntahan ang building kung nasaan ang room nila. Bwisit. Malayo-layo pa naman yun. Civil Engineering kasi yung kinuha nila eh. Sinabihan ko na silang mag-BA na lang pero sabi nila, hindi na daw nila kailangan yun dahil mas magaling daw mag-turo yung mommy nila about business kesa sa mga prof. Ewan. Yun  sabi nila eh.

Pagkarating ko dun, agad ko silang sinalubong at inakbayan.

"Bakit kilala niyo sila?" tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan sila ng matagal at nagpatuloy na lang sa paglakad.

"Hoy! Ba't hindi niyo sinasagot yung tanong ko? Kaano-ano niyo ba sila? Lalo na yung dalawa." sigaw ko sa kanila kasi medyo malayo na sila eh.

"Pakialam mo ba, bro?" tanong sa akin ni Wesley.

"Eh sa gusto kong malaman eh." sagot ko naman.

"Talaga? Edi wow." sabi ni Wesley.

Tss. Pa-hard to get pa ang mokong.

"Sige na. Sabihin niyo na." pangungulit ko pero nanatili pa rin silang tahimik.

"Huy. Magkakakambal. Sabihin niyo na sa akin oh." pagmamakaawa ko sa kanila.

"Anong kambal? Fraternal twins. Mas gwapo ako kesa sa kanya." sabi sa akin ni Wesley.

Hindi ko na lang siya pinansin.

"Sige na sabihin niyo na sa akin. Sige na. Sige na. Sige na." yan lang siguro ang sinabi ko hanggang sa malapit na kami sa cafeteria.

Mukhang nabwisit na sila dahil nagkatinginan na sila at parang nagtuturuan kung sino ang magsasalita.

"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong sa akin ni Wesley with a smirk.

"Oo."

"They're our-"

"Girlfriends." pagdugtong ni Shade sa sasabihin sana ni Wesley.

What?!

Girlfriends?!

Kaya pala hindi masyadong in-entertain ni Princess si Prince.....may boyfriend na siya.

Wala sana akong pakialam pero si Queen...may boyfriend na.

"Be careful what you wish for." sabi ni Shade then left. Sumunod naman sa kanya si Wesley, leaving me dumbfounded.

Queen Red Ice [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon