Yes, it's him + More Revelations.

2.6K 85 2
                                    


Sandra's POV

Nicky's eyes seemed to be asking for a confirmation kung tama ba ang hula nina Queen.

Paano nalaman nina Nicky and Queen?

"Yes. Yes, it's him," matigas na sabi ko.

Mas nagulat naman ang mukha ng tatlo at ng kambal.

"Hindi! Hindi totoo yan!" Angal ni Black at napatayo.

"Sit down, " malamig na utos ni Shade. Umupo naman si Black.

"Sorry. Pero....bakit? I mean.... paano mo nasabi yan, Sandy? Kayo, Queen and Nicky! Paano niyo rin nasabi yan? Sandy, how can you really confirm that?" Sunod-sunod na tanong ni Black.

"I saw him with my own two eyes, bastard," sagot ko eyeing him.

Napatingin naman siya kina Queen. Tinaasan niya sila ng kilay. Napabuntong-hininga si Queen. Sasagot na siya.

Ako nga rin, eh. Nagtataka.

——————

Queen's POV

I just heaved a sigh.

I will just answer their question.

- F L A S H B A C K -

Sinugod na si Sandra sa hospital.

Dalawa na lang kaming natitira dito. Ako at si Denise.

Nagpaiwan ako dito. While si Denise naman,  still in shock.

"Let's get inside," sabi ko at pumasok kung saan natagpuan si Sandy.

"What the hell are we going to do there?" Tanong ni Nicky pero pumasok naman.

"Gather around blood evidences," sabi ko at inilabas ang kakailanganin naming mga gamit.

"From every blood drop that we see here?" Tanong niya.

Tumango lang ako at sinirado ang pinto.

After that, I discussed to her my plan - to know if it's really Ian who did it to Sandra.

Why? Simple lang.

Nakakita ako ng bahid ng dugo sa likurang bahagi ng damit niya. Even before he carried Denise.

Call me delusional but pag ako nakakutob, dalawa lang ang choices niyan.

It's either tama siya, or malapit na siya sa totoong nangyari.

"What are we going to do with these after?" Tanong ni Nicky. Sinabi ko naman sa kanya kung paano namin makukuha ang parte ng damit niya na may dugo. And we'll also get a blood sample from him. For stronger evidences.

×××××××××××

Pagkarating namin sa hospital, after some time, inutusan ko si Ian na bumili kuno.

Bumaba din kami ni Nicky.

We changed our clothes and pretended to be nurses.

Ako ang aatake sa kanya while si Nicky ang kukuha ng dugo niya.

We did our operation at nag-tagumpay naman kami.

We headed to her lab at ginawa ang aming investigations at tama nga ako.

Si Ian ang may gawa nun.

Nag-match ang ibang blood evidences na nakuha namin sa dugong nakuha namin mula kay Ian.

At ang dugo sa likod niya, kay Sandra nga iyon.

We're not biased, okay? Kung ano ang lumabas, yun na talaga.

Hindi namin kinonfirm iyon dahil ayaw naming magkamali kami sa gusto namin. Ginawa namin iyon para kay Sandra.

We even did the investigation 2 more times to make sure we got it right. At hindi nagbago ang lumabas. Si Ian nga.

Si Ian ang gagong namugbog kay Sandra.

But for what?

Yan ang bago naming ide-discuss.

-E N D  O F  F L A S H B A C K -

"O-okay. Naniniwala na ako," sabi ni Black na nakayuko. I understand his reaction.

It's hard. Mahirap malaman na ang isa pala sa mga pinaka-close mong kaibigan ang nantraydor sa'yo - or rather sa inyong lahat.

"So ano nang plano?" Tanong ni Blue.

"Sorry, Black and Shade, but we have to do this..." malungkot na panimula ni Nicky sa sasabihin ko.

"Iiwasan na namin kayo," pagtutuloy ko.

±±±±±±±±±

Waaah! New achievement!  2 UDs in one day. Bayaan na. Epekto to ng pagka-bore ko kanina sa lunch time sa school at one hour snack time. ^_^

So? How did this chapter go? Okay lang ba?

† queenchayeee †

Queen Red Ice [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon