Just Starting.

13.2K 347 15
                                    

Third Person's POV

Pagkatapos ng eksena nilang anim, bumalik na sila sa mga klase nila.

Nagtaka ang apat na lalaki dahil natapos na lang ang klase nila ay hindi pa rin nila nakikita ang mga babae. Sinubukan nilang tanungin ang magkapatid dahil sigurado namang may alam ang dalawa pero ang sabi nila ay hindi daw nila alam kung saan ang mga 'to pumunta.

Napansin din ni King na wala na ang mga sasakyan nila.

'Sus. Malamang nag-ditch yun ng klase.' Sabi ni King sa isip niya.

Habang sa kabilang dako naman, busy na busy ang anim na babae sa ginagawa nila. Si Queen at Sandra, nag-lalaptop, si Princess, may mga ine-examine na pictures, si Sophia naman ay nang-hahack ng system ng isang partikular na grupo. Si Nicolette, busy sa lab at tine-test yung mga bagong gawa nilang improvised guns. Habang si Nadine naman ay may binabasang papers.

"Ugh. This is so stressful talaga. This will ruin na my make-up. My make-up is Maybelline pa naman." Reklamo ni Nadine.

"Shut up nga Nadz. Ano naman ngayon kung Maybelline yang make-up mo? Mamamatay ka na ba kung masisira yang make-up mo?" hirit sa kanya ni Sandra.

"Eh kasi naman Sandy eh. This is so pahirap to me. I'm so stressed na talaga." Sagot sa kanya ni Nadine.

"Nadine. Angela. May. De. Leon....Don't you ever forget na may rason 'tong paghihirap na 'to." Palala sa kanya ni Sandra.

"Ugh. Fine." Yun na lang ang nasabi ni Nadine.

"Wow. Guys, i-congratulate niyo naman ako. My plan is a success." Sabi sa kanila ni Sophia.

"Really? What happened ba?" tanong ni Nadine.

"Na-hack ko na ang system nila." Sagot ni Sophia.

"Talaga? Na-hack mo na talaga ang system ng Mafia 666?" paninigurado ni Sandra.

"Yup." Sagot ni Sophia.

"Talaga? Wow, Sophia. Thank you and congrats." Sabi sa kanya ni Princess at binigyan siya ng hug.

"Your welcome and thank you, Blue." Sagot sa kanya ni Sophia.

"Congrats." Sabi ni Queen at tipid na nag-smile sa kanya.

Nag-smile din si Sophia sa kanya.

"So? Pwede na ba nating magalaw yan?" tanong ni Princess sabay bitaw sa kanya.

"Yep. I'll just save all the information we need." Sagot ni Sophia at bumalik sa inuupuan kanina.

Bumalik na din ang lahat sa kanilang ginagawa.

"Clarisse, total nagtagumpay ka na diyan, wala bang celebration?" tanong ni Sandra.

"Ikaw talagang babae ka. Ang hilig mo talaga sa mga parties. Pero don't worry. Alam mo namang sa mga sitwasyong ganito, this calls for a celebration!" masayang sabi ni Princess at tumawa.

"Oo nga noh? Yehey! I will have to use my Christian Dior dress and Christian Loubutin heels." Sabi ni Nadine.

"Wow. Puro may Christian ha." Sabi ni Sandra.

"Whatever. But did you tell it na to Denise?" tanong ni Nadine.

Nagkatinginan ang magkapatid at umiling.

"Sabihin ang alin?" singit ni Nicolette sa usapan.

"Na we'll have a par-tay!" masiglang sabi ni Nadine sabay taas sa mga kamay niya.

Ngumisi si Nicolette.

"Sure. But just don't invite the boys. They're annoying." Sabi naman ni Nicolette.

Queen Red Ice [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon