Sandra's POVNapatahimik kaming lahat sa binasa ni Pia. Malaki pala ang galit nila sa pamilya ko? Tsk. K den. Like I care. -.-
"So ano na ang plan natin?" Tanong ni Nadine. Tama. Ano na?
"That's a business event, right? Ian will be there, for sure. Iwasan na lang natin sila. Iwasan natin sila Violet, at yung dalawang may King ang pangalan pati ka-grupo nila. Since masquerade party din naman yun, madali lang," sabi ni Black habang nakatutok sa cellphone niya.
"Aba nagbabasa ng script dre?" Biro ko at inirapan naman niya ako. Luh? Nababakla?
"Wag mo na pansinin, babe," sabi ni Shade at inakbayan ako. Hihihi. Forever ko na 'to guys. Lately ko lang napansin na....may feelings pala ako sa kanya at...shet ang gentleman niya. 😍
"Oo na lang po, baby koooooo~" sagot ko at hinug siya. Feel ko lang. 😜
"Anywaaaaaays! Matulog na lang tayo. So the plan's still the same, right? Let's sleep na para makapag-exercise pa tayo bukas. Para prepared for tomorrow night," sabi ni Pia at umuna nang pumunta sa kwarto nila ni Nadine. May mga kwarto din kami dito sa hideout namin pero apat lang kaya dadalawa kami. Oh, wait. Wala na pala si Princess so....mag-isa na lang si Queen. 😪
"Yeah. I need to have my beauty rest pa," sabi ni Nadine at sumunod na. Syempre, magpapahuli ba kami? Natulog na din kami no! Ka-share ko ng room si Nicky. Kekeke~ Good niiiiight!
—————
*the next day*
Carbonel Towers, 8:45 pm. Monday, November **, ****
Third Person's POV
"Pagkatapos ng event, may bidding pa sa isang function room upstairs but I also found out that there's another one downstairs which wan't publicly announced. I'll still check about the security in there, though," sabi ni Shade pagkaupo niya sa table na kinauupuan din ni Queen. Nagkahiwa-hiwalay sila ngayon based on what they're supposed to do. Sina Nadine at Black ang bahala sa paglalason, Denise and Sandra ang nagbabantay para walang makapansin sa ginagawa nila, si Pia sa mga CCTVs at mino-monitor ang buong paligid, at si Shade at Queen sa kung anong mangyayari pagkatapos nito. Or to make the long story short, sila ang namumuno sa buong misyon na 'to kaya medyo kinabahan silang dalawa, for they know they are the ones who should take responsibility for what's going to happen next.
"Queen, dumating na sina Princess with your lolo, tita, and Ate Astrid. Yun la----wait! Sina Violet din pala and her friends, along with their families and your family. Sa father's side," Pia said via earpiece and chuckled at the last part. Inaasar niya si Queen tungkol sa pamilyang dapat kasama niya rin ngayon.
"Tss. Shut up," sagot na lamg ni Queen at umirap. She then heard the laughing if the other six via earpiece too and just mentally sighed for it.
"Queen! Shade! Where's Wesley?" Agad na napatayo ang dalawa nung narinig nila ang boses ng lolo nila. Nagmano ang dalawa at nakipagbeso-beso sa mga kasama din nito. Including Princess, of course.
Nung naupo na sila, hindi mapigilang maisip ni Queen kung ano kaya ang maguging reaksyon ni Princess kung sinabi niya din sa kapatid ang mga nalalaman niya. Parehas kaya ito sa reaksyon ng mga kaibigan niya? Maiiyak ba siya? Hindi tuloy mapigilan ni Queen at naalala ang panahong ibinunyag na niya ang mga nalalaman niya at ang plano nila.
-F L A S H B A C K -
Queen's POV
BINABASA MO ANG
Queen Red Ice [EDITING]
ActionAgainst all odds. IN TAGALOG ****************** #39- action #1- ambush #4- baekyeon Credits to: @bad_gangstergirl for the book cover.