"Going anywhere?""Sir Stone," bati ni......... Good Kisser sakanya at nag-bow.
"Plastic, " malamig na sabi ni Stone at susuntukin niya sana si Good Kisser pero nakailag siya.
Sinipa ni Good Kisser si Stone pero nakailag din siya. Pinaulanan niya ng suntok si Stone at natumba si Stone.
Napatingin siya sa akin.
"Sa likod mo!" Sabi niya at yumuko naman ako.
At tama naman ako. May susuntok sana sa akin.
In-upper cut ko siya at kinuha ang baril ko quickly at pinukpok iyon sa ulo niya.
Duguan namn siya.
"Galing mo ah,"
Alam kong hindi ito si Good Kisser kaya paglingon ko, dala nun ang pagsiko ko sa mukha niya.
Agad ko siyang sinikmuraan at sinuntok sa kaliwang bahagi ng mukha niya. Napadapa siya at sinipa ko naman ang mukha niya. Nakahiga na siya ngayon.
Babarilin ko na sana siya nang tinulak ako ni Good Kisser.
"Babarilin ka na sana ni Stone, " sabi niya sa akin at umalis sa ibabaw ko.
Nasa ibabaw ko kasi siya kanina.
Ang laswa ng pagkakasabi ko. :P
Tumayo na lang din ako at hinarap yung Stone.
Pero hinarangan ako ni Good Kisser.
"Wag. I'll take care of this, " sabi niya sa akin at sinuntok si Stone.
Hindi ko alam pero parang kusang umalis mula doon ang mga paa ko at dinala ako sa isang parte ng bahay na madilim.
Nasa hallway ako nito at may isang kwartong may ilaw na lumalabas mula sa ilalim ng pinto.
Dahan-dahan akong pumunta doon at idinikit ang tenga ko doon.
"Kailangan nating bilisan ito. Baka makuha niya ang mga ito,"sabi ng isang tinig babae.
"Dali na. Dalhin na natin 'to sa baba," sabi naman ng isang boses lalaki.
Narinig ko naman ang mga yabag nila na papunta dito sa kinaroroonan ko.
Agad akong naghanap ng matataguan.
Binuksan ko ang kabilang kwarto and luckily, bukas ito.
Pumasok ako at pinakinggan lang ang labas.
Nung masigurado ko na wala na sila , lumabas ako at pumasok sa kwarto kung nasaan sila kanina.
Hindi ko muna binuksan ang ilaw.
May nakita naman akong parang maliit na ilaw na nakatutok kung nasaan ako.
Kinuha ko ang isa ko pang baril at binaril iyon. It was a fcking CCTV.
This time, in-on ko na ang ilaw at isinara at ni-lock ang pinto.
Pinagmasdan ko ang paligid.
May parang office set dito. Yung isa nasa tabi ko at yung isa, kaharap ang nasa tabi ko.
Inikot ko ang lugar. Marami ding mga cabinets dito. Isa-isa ko itong binuksan pero walang halaga ang nandidito.
Hanggang sa mapunta ako sa area ng isang parang office . May isang cabinet na maliit dito at may folder sa tabi nito.
Ang nakalagay,
' Year 2000 Target Killing '
Year 2000....
That was year 2000...
15 years ago...
BINABASA MO ANG
Queen Red Ice [EDITING]
AcciónAgainst all odds. IN TAGALOG ****************** #39- action #1- ambush #4- baekyeon Credits to: @bad_gangstergirl for the book cover.