Third Person's POVDumaan ang isang lingo't puro panghihiganti na lang sa grupo nina Violet ginawa nina Queen. Pero paano na ang paghihiganti para sa mga magulang nila? Naalala pa ba nila yun?
"Haaaaay! That week was fun! What kaya ang susunod na mangyayari? I'm sobra-sobrang excited!" Masayang sabi ni Nadine pagkapasok niya sa hideout ng grupo nila. Matagal na rin bago makapunta ang mga babae rito.
"Susunod? Ipapa-tingin ka na namin sa doktor. Anong sakit ba meron ka't ang OA mo manalita?" Pagtataray ni Sandra at inirapan si Nadine. "Wag na! We'll just waste our fcking money by that. She's helpless," singit ni Denise at umupo sa sofa't minasahe ang ulo niya. "Kayo naman. Ang bad niyo sa kanya," sabi ni Pia at naupo sa stool sa harap ng computer niyang matagal na niyang hindi nakita.
"Wag na rin! Wag niyo na lang yan pansinin---si Nadine," sabi ni Black at tumawa pa ng malakas kaya naman binatukan siya ni Shade. "Gago," bulong nito. "Maka-gago 'to ah! Ikaw naman, torpe!" Sigaw ni Black sa kapatid. "Walang nagtatanong," sabi ni Shade at naupo na lang sa paborito daw niyang upuan.
"Hala! You, Shade? You are torpe? OH. MY. GOSH! WHO'S THE LUCKY GIRL?!" Napatili ni Nadine sa huling bahagi ng sinabi niya. Binato naman siya ng throwpillow ni Denise at sinamaan ng tingin ni Sandra. "Unlucky girl kamo," sabi ni Black at naupo na rin. "Shut up! I'm not making usap-usap to you. I hate you," sagot ni Nadine at inirapan si Black.
"I love you too. MWAAAAAAH!" Sagot pabalik ni Black at nag-flying kiss kay Nadine. Nagtawanan silang lahat pero nakasimangot si Nadine. "YUCK! Kadiri! YOU ARE KADIRI!" Nadine exclaimed pero nagtawanan pa rin ang lahat. Ni hindi nga nila napansin na dumating na pala si Queen.
"Can I have a word with all of you?" Pagsingit ni Queen at napatahimik naman ang lahat. Naupo si Queen sa paboritong upuan nila ng kapatid niya. Well, baka sa kanya na lang ngayon.
"Queen, you're making me kabado ha," komento ni Nadine dahil sa aurang dala-dala ni Queen. Sumang-ayon naman ang iba. Parang may kakaiba sa sasabihin ni Queen, sabi nila.
"Do you still remember our original plans for this year?" Tanong ni Queen. Napaisip naman sila. Oo nga naman. Ang plano nilang paghihiganti sa mga nanakit sa mga magulang nila.
"W-why? I-is that...the reason why you wanted us to be here?" Di siguradong tanong ni Sandra. Tumango si Queen. "Remember? We had a deadline. And the business party lolo told us to go to is already tomorrow," sabi ni Queen at napasinghap naman sila.
"OH GOSH! WALA PA AKONG MASUSUOT! GOSH, NOOOO!" Sigaw ni Nadine in terror. Binatukan naman siya ni Sandra at sinamaan ng tingin ng iba. "What? Nakakailan na kayo guys huh?" Inosenteng tanong niya. "Nadine naman oh. Pwede bang kahit ngayon magseryoso ka? That's not just a party. We're going on a mission tomorrow tapos uunahin mo pa suot mo?! The fck?" Naiinis na sabi ni Black. Nalungkot naman si Nadine dahil unang beses pa lang naging ganun si Black sa kanya. "Sorry," bulong na lang ni Nadine.
"Continue," sabi ni Shade na parang makakapatay na. Siyempre. Naalala niya ang misyon nila. Misyon nilang paghigantihan ang mga pumatay sa tatay niya.
"So, alam naman siguro nating lahat ang pwedeng mangyari bukas diba? We already thought of all the possibilities after this, and the most likely to happen is...we attack the next day. Let's get ready for this. Pia, check your e-mail. Any time soon, ise-send na ni ate Astrid ang details para bukas. Denise, the guns. Nadine, yung mga suot natin. Don't feel bad. Sandra, yung back-ups. Black and Shade, once ma-recieve na ni Pia ang details, go to the venue directly and set up everything okay?" Sabi ni Queen at sinunod naman nila ang mga sinabi ni Queen.
BINABASA MO ANG
Queen Red Ice [EDITING]
ActionAgainst all odds. IN TAGALOG ****************** #39- action #1- ambush #4- baekyeon Credits to: @bad_gangstergirl for the book cover.