"Is it...."

2.8K 82 3
                                    

*2 weeks after*

Princess' POV

It has already been two weeks since may nangyaring masama kay Sandy.

Pero hanggang ngayon, hindi pa rin namin alam kung sino ang may kagagawan nun.

"Blue, half-day lang tayo ngayon. Tell them we'll go to the hideout later, okay?" Utos sa akin ni ate.

Tumango lang ako.

"Ate, anong gagawin natin dun?" Tanong ko.

"Meeting. May kailangan kayong malaman," sagot ni ate.

"Anong dapat nilang malaman, insan?" Tanong ng kakarating lang sa living room na si Black.

"Sama rin kayo," sabi ni Ate at umuna na papuntang school.

"What the hell?! Anong pinagsasasabi ng ate mo?"

"At ba't damay kami?" Tanong ng magkapatid sa akin.

"Akala ko ba gusto niyong maghiganti? Edi sama kayo," sagot ko at kumain na muna.

"Saan?"  Tanong ni Shade.

"Hideout," sagot ko.

Alam din nila yun.

"Mga alaga ko, bilisan niyo na yan. Ilang minuto na lang, magyayaya na yun si ma'am Bridget na umalis na kayo. Sige na. Tama na usapan," sabi sa amin ni manang Teresita.

Maid namin at nagsilbi na ring yaya naming apat na magpi-pinsan.

"Sige po, yaya. Ang bagal kasing kumain nitong si Blue eh," kunwari'y pagsusumbong ni Black. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Oh sige na, tama na. Baka mag-yaya na si ma'am Bridget," ulit ni manang at umalis.

Natapos naman na ako sa pagkain at kalauna'y umalis na para school.

±±±±±±±±±

Pagkarating namin sa school, medyo na-late na kami. Traffic eh.

Dumiretso na ako sa class ko.

Hinintay ko na lang ang lunch time. Since magha-half day daw kami eh.

Most Awaited Time yata yun para ngayong araw na to.

——————

Sandra's POV

Walang hiya siya.

Yan lang ang masasabi ko sa taong may gawa nun sa akin.

Ang kapal ng mukha niya.

- F L A S H B A C K -

Naglalakad ako nun sa hallway dahil papunta sana akong library. Terror si Prof eh. Hindi ko ginawa ang assignment ko kaya pinagagawa ako sa library.

Nagulat na lang ako nung may humila sa akin at dinala ako sa janitor's closet yata to?

Tinakpan niya ng panyo ang bibig ko. Pero wala namang pampatulog yon. Para lang talaga hindi ako sumigaw.

Hindi naman talaga ako sisigaw eh. Manlalaban lang sa kanya.

I struggle to let go from this person's grip.

Kaya lang ang lakas niya. Sobra.

Nung makapasok na kami, agad niyang tinanggal ang panyo at ni-lock ang pinto.

Queen Red Ice [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon