Funf

400 17 7
                                    

~5~


(Manna)

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa nakita ko. Nakita kong binaril ni Castle ang isang lalaki na hawak naman ng isang taong nakahood. Killer si Castle? Bakit?! Sayang! Ang pogi naman n'yang killer! Tapos si Trieze! Si Trieze! Hindi ko alam kung paano n'ya ginawa pero may kakayahan yata s'yang kumontrol ng light?! Lalaking flashlight?

Naloloka ako! Naghahallucinate yata ako! My goodness gracious! Windang na windang ang lola n'yo. Mukhang napunta na lahat sa tiyan ko ang dugo. Wala nang napunta sa utak.

Tapos yung isang lalaki, hinawakan n'ya lang ang kamay ni Castle eh bigla nalang parang nagdidisappear ang nahawakn n'yang part. What sorcery is this? Yung pinakahuling dumating na tao eh parang pinalipad lahat ng mga gamit na nakakalat sa eskinita. Ewan ko kung s'ya ba ang may gawa nung mini-storm ng basura pero pakiramram ko s'ya talaga eh. Sumama pa yung trash can pinagtataguan ko. Muntik tuloy akong makita. Buti nalang nakalikas agad ako sa likod ng isa na namang trash can na hindi kasama sa mga lumilipad. Masyado akong shocked sa mga nakikita ko para isipin pa kung gaano kadumi ang trash can na pinagtataguan ko.

After ng ilang seconds, tumigil din ang mga nagliliparang kung-anu-ano, leaving Castle and Trieze alone in the alley na parang binayo ng isang mini buhawi. Ano bang klaseng mag tao ang mga ito?

Bumalik ako sa reality. Sa sobrang gulat ko, ngayon ko lang namalayang nakasquat na pala ako sa may medyo basang sahig! Yuck! Dali-dali akong tumayo at hindi sinasadyang natabig ang trash can. Natumba ito at nag-cause ng isang malakas na ingay.

"Oh gosh," medyo mahina kong sabi, cursing myself for my clumsiness. Kainis naman. Bakit ngayon pa umandar ang pagiging klutz ko?! Wala na akong maisip na iba, tumakbo nalang ako palayo sa lugar, hoping that they wont notice.

Did that really happen? Pinatay ni Castle yung tao! I know he's weird but I never expected him to be like this. Pati si Trieze! I knew he's shady! I've always known that there's something off with him pero hindi ko naman inakalang may superpowers yung mais na yun.

Agad akong lumiko pagkalabas ko ng eskinitang. Maloloka ako. Like duh. Sino ba ang hindi mababaliw kapag nakita ung nakita ko. It's impossible. Sino sila? Sina superman and batman? O baka X-men? Crush ko si Scott Summers dun sa movie, by the way.

Nakadalawang kanto na ako mula sa pinangyarihan ng krimen. Sa tingin ko safe na ako. Hingal na hingal pa ang lola n'yo. "Juice ko. Ano bang nangyari dun? Hindi kakayanin ng brain power ko ang mga nakita ko," I whined at napaupo nalang sa isang bench na nakapwesto sa isang hindi mataong sulok.

Napabuntong-hininga nalang ako sa pagod. Naalala ko ang ID ni Castle na nasa bulsa ko at binasa yun kahit na halos wala naman akong naintindihan sa mga letter-and-number combinations na nakasulat sa matigas na card.

"Is that Castle's I.D.?"

"Ay butiking bungal!" napabulalas ako at naitapon sa kung saan ang ID nang marinig kong may nagsalita sa likod malapit sa tenga ko. Halos manlamig ang buo kong katawan at tinakasan yata ng dugo ang ulo ko nang makita ko kung sino ang nagsalita. It was Trieze, sporting his shady smirk as his eyes were bowed into malicious slits that perfectly reminded me of a snake.

Agad akong tumakbo palayo, walang lingunan at direksyon. Ang tanging gusto ko lang ay makalayo sa kanya. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Parang sasabog. I am desperate beyond belief. Pakiramdam ko daga ako na sinusubukang makalayo sa isang lion na humahunting sa akin. Pakiramdam ko ang powerless ko.

"Chotomatte kudasai, Manna-chan," narinig ko na naman ang mapaglarong boses ni Trieze bago biglang may humawak ng mahigpit sa pulso ko, dahilan upang mawalan ako ng balance at muntik matumba. Nasalo ako ng bisig ni Trieze bago sumubsob ang mukha ko sa maduming kalsada.

Artificial Organisms: HierophantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon