Sechs

251 14 2
                                    

~6~


(Manna)

"So sino talaga kayo? Ano kayo?" tanong ko kay Castle nang makalabas na kami mula sa meeting room kung saan muntik na akong mawalan ng memories. Nakakatakot. Buti nalang talaga at na-save ako ni Castle. Mabait naman pala s'ya kahit na parang wala s'yang pakialam at kaya n'yang pumatay ng tao without hesitations. Wait, if hindi s'ya nagdadalawang-isip na pumatay, ibig sabihin nun, hindi rin s'ya magdadalawang-isip na patayin ako?! That means I should be very careful with my actions and words!

Wala paring sagot si Castle. Dinedma ang beauty ko? Aba! Suplado ah.

"Hello? Anybody home? Earth to Castle," pangungulit ko pa. Para kasing wala sa sarili ang lolo n'yo.

"Be silent," maikli n'yang sagot at nagdire-diretso sa kitchen ng bahay n'ya. Talaga nga'ng nakaseparate ang kitchen n'ya sa rest ng bahay n'ya like may glass wall talaga at may automatic na glass door pa. High-end na high-end ang bahay ni Castle.

"I think you should fill her in with some info, Castle. Besides, if Canceller can't read her mind, Chastiser won't be able to do so," sabat ni Trieze na sinusundan naman ni Canceller.

Ewan ko lang ah pero kung ibang level ang kasupladuhan nitong si Canceller eh. He's emitting this 'don't-talk-to-me-I'm-dangerous' kind of aura eh. Naupo nalang ako sa glass dining table na pang-sampong tao yata sa laki. Si Trieze naman ay naupo rin sa head ng table habang nakatayo lang si Canceller sa malapit sa pinto habang kinakalikot ang phone n'ya.

"Sino na naman yang Chastiser na yan? Isa sa inyo?"

Kumuha ng isang carton ng fresh milk si Castle mula sa fridge at isinalin ang laman nito sa isang baso. "Do you want some?" tanong n'ya sa akin. Aba't hindi pinansin ang tanong ko? Bastos din itong makong na ito eh. Nakaka-bad vibes. Nasestress ang beauty ko.

"Ng alin- info or n'yang milk?" medyo pilosopo ko namang balik na tanong.

"Both." Seryosong-seryoso ang expression ni Castle.

"Yes, please." Kanina ko pa hiningi sayo yang information pero nagtanong pa rin. Alien ba to or talagang may sapak sa utak?

Nagsalin rin ng fresh milk si Castle sa isa pang baso at inilapag ito sa harap ko. Ang thoughtful naman. Magsasalita na sana si Castle nang umepal si Canceller. "I'd like to remind her first," he spoke in a measured manner as if he's not allowed to speak too much. Umupo ang lolo n'yo sa harap ko and looked at me as if gusto n'yang butasan ang ulo ko gamit ang titig n'ya. "Listen. While I may not be able to tap into your memories specifically, it is much easier for me to just destroy all neural connections inside your brain completely. If you are stupid enough to speak of everything Hierophant tells you, I will not hold back in eradicating you and everyone around you. Everyone- that includes your family, personal friends and even your facebook friends."

What he said left me speechless. "O-oo. Wala akong pagsasabihan." Seriously? Pati ang near-three thousand friends ko? Wagas naman eh! Umurong yata ang dila ko. Shetmemeng naman kasi kung manakot itong si Canceller!

"Let's go, Apocalypse. Atlantis messaged me to come to his office with you," saad ni Canceller. Napabuntong-hininga nalang si Trieze at tumalima. Like meron ba naman s'yang magagawa?

"Ja! Bye-bye, Manna-chan!" sumaludo s'ya sa akin pagkatapos ay bigla s'yang nagliwanag hanggang sa naging masyado na itong maliwanag that I have to close my eyes. When the light subsided, wala na sina Canceller at Trieze. Ibang klase rin ang entrance at exit nitong si Trieze- very eye-catching.

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Castle matapos ang walang kasing super dazzling na exit ni Trieze at Canceller. I decided to break the silence first kasi awkward na eh. Sure ako na kung hindi ako magsasalita eh hindi rin magsalita si Castle.

Artificial Organisms: HierophantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon