CHAPTER 36 - VERNIX

6.5K 340 114
                                    




THIRD PERSON'S POV




"WHERE IS SHE???"




3 hours!



Tatlong oras ng nag-iintay si Easton sa office niya pero wala pa ding ni anino ni Ashari ang nagpapakita.




Nakalimang balik na din ang capo na inutusan para tawagin si Ashari pero nganga pa din talaga.





"Sir, ilang beses ko na siyang sinabihan pero hindi niya ako sinasagot. Hindi ko naman po siya mahila dito dahil inaalagaan po niya si Gali."






Nag-iinit na ang ulo ni Easton.



"Sabi sa'yo Sir Easton, hindi siya si Ashari. Kung siya iyon kanina pa siya sumugod dito at nagwala na may kasamang bunganga!" lalong uminit ang ulo ni Easton sa komento ni Angel.




Ano ba ang problema ng babaeng 'yon? Kung normal lang sana na tahimik siya, mapapanatag si Easton sa ikinikilos niyang ganon pero hindi e. Si Ashari ay si Ashari.

Ang pinaka mabunganga sa lahat ng mabunganga. Ang pinakamaloko sa lahat ng maloko. Ang pinaka sa lahat ng pinaka.


Yes, she is too unpredictable pero hindi naman sa ganito na halos parang nag-ibang tao talaga siya in a short span of time.





Tumayo si Easton sa kaniyang swivel chair. He shouldn't leave his office since ang dami niyang paperworks na natambak dahil sa dalawang Linggo niyang out of the country trip pero hindi na niya napigilan ang sarili dahil sa init ng ulo.




"I asked, where is she?" Madiin niyang tanong sa capo.





"Sa playroom, Sir."






Madilim ang tingin na lumabas si Easton sa kaniyang office. Kulang nalang masunog ng tingin niya ang dinadaanan. Naiwan si Shera na siyang automatic na pumalit sa ginagawa ni Easton. Sumunod naman si Angel at ang Capo sa kanilang Sir Easton na sobrang sama ng aura.








Pagdating nila sa playroom...





LALONG NA GG!




WALANG ASHARI AT GALI ANG NAABUTAN SA PLAYROOM.



"Go.find.her!" Gg talaga! Malapit ng sumabog si Easton sa galit!



Mejo natataranta na nga si Angel at ang kasamang Capo dahil ayaw nilang sila ang mapaglaanan ng nagpupuos na galit ng kanilang Sir Easton.



Nakuuuuu...kukurutin na ni Angel sa singit si Ashari.




Nasaan nanaman kaya nagpunta ang babaitang 'yon!




Natagpuan ng capo si Ashari sa dining area. Pinapakain nito si Gali.


Inireport ito kay Easton



Pagdating sa dining area, walang ni ha ni ho ni Ashari.





Ipinahanap ulit si Ashari, nakita siya sa bathroom, pinapaliguan si Gali.


Pagdating ni Easton sa bathroom, wala kahit ni isang bula ni Ashari!



"Are you really doing what I told you?" giit at galit na asik ni Easton sa Capo.



Nanginig naman sa takot ang capo. "S-sir, nandito po siya kanina!"


Nagtataka na tuloy ang capo kung minumulto na ba siya.





BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon