CHAPTER 47 - RAIN HARD

5.9K 338 106
                                    

ASHARI'S POV

Tandang tanda ko ang unang mga salita na sinabi ko kay Gali.

"Hoy bata sino ka? Maligno ka ba?"

Maligno daw HAHAHAHA! Ano bang hangin umihip sa utak ko non at napagkamalan ko siyang maligno?

Kung sabagay, nahulog siya sa imbornal non kaya ang bantot at ang dungis niya. Ni hindi sumagi sa utak ko na anak pala siya ng bilyonaryo at mafia.

At ni hindi din pumasok sa isip ko na darating pala ang araw na haharap ako sa isang sitwasyon na mabibingit ang sarili kong buhay para lang malaman kung ano na ang ginagawa niya ngayon.

Kaharap ko si Rebel. Si Rebel na isang mafia...isa sa mga tao na hindi ko dapat kinakausap dahil oras na makita ako ng MPO, sureball, tegibumbum ako.

Wala eh, si Gali kasi...

Kahit pa sabihing nakasalalay ang buhay ko dito, basta pagdating kay Gali nawawala ako sa tamang desisyon at landas sa buhay ng tagumpay at syempre ng pagiging mukhang pera

"Answer me Ashari, will it rain later or not?"

Napakurap ako ng tatlong beses sa sinabi ni Rebel. Dahan dahan kong ibinalik sa case na nasa lamesa ang revolver na hawak ko. Baka mapaputok ko ito ng wala sa oras kay Rebel e.

"Anong konek ng ulan kay Gali?" Hindi ako nag-eenjoy kabonding 'tong tattoo boy na'to, sabi si Gali pag-uusapan namin tapos magtatanog tungkol sa ulan.

"What do you think the weather will be?"

"Bakit ako tinatanong mo? Mukha ba akong weather forecaster? Chat mo si Mang Tani o kaya si Kuya Kim." tigas ng mukha ni Rebel e. "Ano na ang tungkol kay Gali?" Pagpapa-alala ko sa kaniya sa tunay naming agenda. Naiinip na ako! Nagsisimula ng mag-init ang pwet ko dito sa upuan.


Isang hindi mabasang ekspresyon ang ibinigay ni Rebel sa akin. Infernes, hindi ako sanay na wala siyang lagok lagok na beer. Parang medyo matinong tao siya kapag walang beer sa tabi.


"I'll tell you the secret I have in you if you get the answer right."

Seryoso ba? Seryoso talaga siya na ipapasagot niya sa akin kung uulan o hindi? Anong kalokohan nanaman ba pinaplano ng isang 'to?

"Ha! Aanhin ko ng secret mo na tungkol sa akin? Hindi naman ako yayaman diyan." nasabi ni Rebel dati na may sikreto siyang alam tungkol sa akin. Kung ang sikreto na'yon ay ang pagkakaroon ko ng almoranas nung 7 years old ako, pwes, no thanks. Kahit ipagkalat niya sa mundo 'yon, hindi 'yun ang kaylangan ko. Pera need ko! PERA!

Umayos siya ng upo, pinagdaop ang palad at seryosong tumingin sa mga mata ko.

"Have you not wonder why of all the door Gali would knock on when he went missing was yours Ashari? Have you not wonder why all of a sudden he calls you his mother? Do you think all that is a coincidence?"

Literal na natigilan ako. Ni minsan hindi pumasok sa kokote ko ang mga ganon. Haler, mukha kasi talagang naligaw lang na maligno si Gali non kaya hindi ko naisip na baka hindi coincidence ang lahat.

"Iyong secret ba na sinasabi mo, related doon?"

Binigyan ako ni Rebel ng kaniyang trade mark na nakakalokong ngiti.

Kahit hindi siya magsalita, alam ko na ang sagot sa tanong ko.

Walanjo, ulan lang ang usapan namin tapos nauwi sa palaisipang secret kineme.

"Kapag nasagot ko ng tama, sasabihin mo 'yung secret na alam mo?" Sa huli, parang ako nanaman ang agrabyado at no choice kundi maging tuta sa mga palatanungan niya. Ganitong ganito din noong sa yate e!

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon