CHAPTER 65 - HOMELESS

2.4K 102 19
                                    

Third Person's POV

It's her again. Ashari in front of the gate ng kanilang dating house doon sa may kapitbahayan ni Aling Marites.

With a heavy and unsettled heart.

It's been a week!

A week like hell.

No sign of Galileo.

Still waiting for the promise to happen.

Binuksan niya ang gate at mabibigat ang paa na pumasok sa loob.

Nakita niya ang bukas na ilaw mula sa kusina. Dinig din ang may katamtamang lakas ng TV mula sa salas.

Pinihit niya ang pintuan at marahan siyang pumasok sa loob. Amoy ng niluluto na sinigang ang bumungad sa kaniya.

"Great, you're here. Sakto, nagluto ako ng sinigang." it was her father...

Naglakad siya papasok sa kusina, umupo sa usual sit niya sa hapag kainan at sinundan ng tingin ang tatay niya sa bawat paglapag ng mga kasangkapan sa lamesa.

"Kumain ka na ba?"

Umiling si Ashari.

"Ayos, saktong sakto pala talaga ang pagluto ko."

Pagkatapos maghain, umupo na din ang tatay ni Ashari sa pwesto nito.

"Bakit walang patis at sili na sawsawan?" tanong niya ng mapansin ang kulang. "Kapag ako nagluluto, hindi ko 'yon kinakalimutan."

"Ahh, oo nga, nakalimutan ko." Tumayo muli si Peter mula sa kinauupuan at kumuha ng patis at sili sa estante.

Nagsimula silang kumain, kalampag ng kutsara at tinidor ang namamayani sa buong hapag.

"Kamusta si Gali?" pagbasag ni Ashari sa katahimikan sa pagitan nilang mag-ama.

"He's doing great. He said he misses you." casual na sagot ni Peter.

Ngumiti ng tipid si Ashari. "Pakisabi miss ko na din siya."

"Are you still waiting for him?"

Huminto ang dalaga sa pagkain at nagbitiw ng malalim na buntong hininga.

"Walang segundo na hindi ko siya inintay."

Tumango ng isa ang ama. "Ashari Silvia Veracelli. Iyon ang tunay at buo mong pangalan." he spit out of the blue.

"The mafian organizations..." panimula pang dagdag nito. "...will never exist anymore once the extermination happens."

No sugar coating of words. Parang punyal na tumutusok ang mga salita ng ama sa puso ni Ashari.

Isang impit na tawa ang kumawala sa bibig ni Ashari. "Planado mo talaga lahat mula sa umpisa." amazed at the same disappointed si Ashari.

"I promised your mother that one day we will be together...together as a normal family like everyone else. Walang magulong mafian world, walang koneksyon sa kahit ilegal na makakapag pahamak sa buhay natin...just us...with your brother. The three of us..."

Hindi lang si Ashari ang nag-iintay sa katuparan ng isang pangako...

Ganoon din ang kaniyang ama.

There's a promise between him and the wife. Mistress rather kasi hindi naman sila 'yung mag-asawa in the first place e.

Kabit nga diba ang tatay niya...

Peter told everything to Ashari. Deserve naman din ni Ashari na malaman ang buong kwento e. In the end, malalaman at malalaman din naman talaga niya.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon