THIRD PERSON'S POVGusto ko na siyang makasama...
Ang matatambok niyang pisngi, ang bulol na pagtawag niya sa akin ng Mamha...
Kailan?
Kailan na? Atat na atat na ako ui!
Hindi na ako makapag-intay na matupad ang pangako naming dalawa sa isa't-isa.
These are thoughts lingering in Ashari's mind...never going out her head. Madalas nga'y wala siya sa kaniyang wisho at natutulala nalang kagaya ngayon --- nakatingin siya sa kisame ng kaniyang kwarto. Dinig na dinig sa kaniyang kwarto mula sa ibaba ang malakas na TV. Nanonood nanaman ng balita ang kaniyang magaling na tatay.
Bahagyang nagulat si Ashari ng biglang kumulog ng malakas. Mabilis niyang inalis ang tingin sa kisame at ipinaling ang ulo sa bintana.
"Wow trip din ang panahon e noh?" aniya sa sarili bago tumayo at lumapit sa bintana. Sobrang lakas ng ulan at kidlat na sinamahan pa ng malalakas na kulog. Nasapawan tuloy ng sound nito ang ingay ng TV sa ibaba. Pinagmasdan niya ang nag-iindayog na mga puno at ang mga halaman na halos tangayin na ng bagyo.
Muli niyang naalala si Gali, ganito din iyon e, iyong las ng bagyo noong una nilang pagkikita.
*tok tok tok
Malakas na pagkatok sa pintuan ng kaniyang kwarto ang pumukaw muli sa atensyon ni Ashari. "Wow Tay, kaylan ka pa natutong kumatok?" sarkastikang aniya. Hindi naman kumakatok ang tatay niya noh, basta basta nalang itong pumapasok sa kwarto niya.
*TOK TOK TOK
Mas lumakas ang pagkatok. Sumama ang mukha ni Ashari, "Huwag ka ng kumatok diyan Tay, may kamay ka naman nahiya ka pang buksan." mapipikon nanaman ng tatay niya si ashari e. Kitang hinahabaan na nga niya ang pasensiya niya nitong mga nakaraang araw bakit parang mas sinusubok pa pasensiya niya.
"Mamhaaaa! Bukas mo pinto, lamig na ato dito labas, nasasaktan na ato Mamhaaaaa!"
Pasensiya your face. Nanlaki ang mga mata ni Ashari ng marinig niya ang palahaw ng pamilyar na boses doon sa labas ng kwarto niya.
"GALI???" nagmamadaling tumakbo si Ashari papunta sa pintuan ng kwarto niya. Pagbukas na pagbukas niya ng pinto sinalubong siya ng sobrang lakas na hangin na may kasamang ulan with matching mga dahon at tangkay ng puno pa. Kumulog at kumidlat din ng malakas kaya bahagyang napapikit si Ashari habang patuloy na hinahanap si Gali...ang kaniyang anak. "GALI NASAAN KAAAAA?"
Hindi na naisip ni Ashari kung anong nangyayari, bsta ang nasa isip niya ay makita si Gali. "Mamha nandito ako."
"Hintayin mo ako, huwag kang aalis sa pwesto mo ok?"
Argh, bakit ba kasi ngayon pa bumagyo ng malakas. Wala naman siyang nasagap sa news na pinapanood ng tatay niya na babagyo ngayon.
"Mamha bilitttt, look, the flowers here are beautiful."
Bahagyang kumunot ang noo ni Ashari ng maramdaman niya ang banayad na sinag ng araw na tumatama sa kaniyang balat. Dahil bahagya siyang nakapikit ay unti unti niyang binukas ang mata para mawindang sa mga pangyayari. Imagine, imbis na hagdan pababa ng bahay ang bubungad sa kaniya pagbukas ng pinto ng kwarto niya e ang tumambad sa kanya ay bumabagyong lugar na sa kisap mata ay napalitan ng isang maaliwalas na hardin.
Sa gitna ng hardin ay may napakagandang lotus pond. Doon nakita ni Ashari si GAli sa gilid ng pond at mukhang inaabot nito ang pinakamalapit na lotus flower.
BINABASA MO ANG
BABYSITTING THE MAFIA'S KID
HumorMay chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa ko para sa kaniya. Hindi ko naman alam na anak pala siya ng isang Mafia. Di ako nainform na I am Ba...