CHAPTER 8 - MONEY DROP

10K 392 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

Vintagio Museum, isa sa pinaka lumang Museum na itinatag pa sa kasagsagan ng panahon ng pananakop ng mga Hapon sa bansa. Pagmamay-ari ito ng mga Silvia.

Alas nwebe na ng umaga, naka line up na ang mga mafian soldier ng Marchese sa kaniya kaniya nilang assigned place. Lahat sila ay nag papanggap na sibilyan para malayang umaligid sa Museum.

Pumatak ang 9:15, agad na kumilos ang mga mafian soldier ng Marchese gaya ng ini-utos sa kanila ni Easton na kanilang Boss.

Limang Marchese soldier na nagpapanggap na sibilyan ang dumispatya sa mga bataan ng Silvia na nagpapanggap na body guards.

Nagawa nila ang unang hakbang sa plano. Agad nilang hinila ang mga walang malay na Silvian soldier sa truck loob ng ice cream. Oo, truck talaga ng ice cream. Ito ang dinala ng mga Marchese para hindi sila paghinalaan. Haler, sino kasi maghihinala na truck ng ice cream diba? Kinuha nila ang suot na body guard uniform ng mga ito at sa kanila isinuot.

Dimampot ng isa ang walkie talkie na nakalagay sa bulsa ng isang body guard.

Paglabas ng limang Marchese, from civilian, instant body guard na sila.

Pumwesto na sila sa kaniya kaniya nilag pwesto.

Ang isa ay sa mismong entrance pumwesto.

"Go! Infiltrate the building. Do as planned. Walang papalpak!" utos ni Easton sa wireless ear piece na nakakonekta sa bawat soldier na isinama niya sa misyon.

Mula sa itim na sasakyan kung nasaan si Easton, kitang kita niya mula dito ang bawat kilos ng mga tauhan niya.

Tulad ng pinagplanuhan, pumasok ang mga Marchese soldier na nagpapanggap na sibilyan sa loob ng Museum.

Alam ni Easton na hindi basta basta ibababa ng mga Silvia ang security nila. Kaya naman inatasan niya ang iba na pumunta kaagad sa Surveilance room at dispatsiyahin kung sino mang mafian soldier ng Silvia na nandoon.

Hindi pwedeng makarating sa mga Silvia na nakapasok sila kaya ang pinaka una dapat nilang dispatyahin ay ang mga nasa Surveilance.

Ilang minuto lang, nagsalita sa connection ang ina-assign niya.

"Sir nadispatsya na namin ang nasa surveilance."

"Good."

"Sir, nailagay na din namin ang mga camera."

Hindi na sumagot si Easton sa ibinalita sa kaniya. Kaagad niyang kinuha ang laptop sa back seat at binuksan ito.

Naka set up na ang mga camera kaya naman napapanood na ni Easton kung ano ang nangyayari sa loob.

Sa ilang parte ng museum, may mga Silvia na nagpa-patrol. Nakikita din ni Easton ang mga tauhan niya na tahimik na iniiwasan ang mga umiikot na Silvian soldier. Nothing special is going on rether than there was a chair and a suitcase waiting on the left wing lobby.

Walang nagbabantay doon. Walang tao.

Ito marahil ang pain ng mga Silvia sa kung sino mang magbabalik kay Gali. Talagang pati ang 500 million na offer nila ay ginaya din ng mga ito.

Ang tanong, tunay nga bang pera ang nasa loob? Or is it just another death bait? Who knows, wala naman siyang pake sa suitcase at sa taong magbabalik sa anak niya. All he wanted is to get his son back.

9:30, the patiently sat still and wait. Hindi nila alam kung paano kikilos ang mga Silvia pero marami ng back up plan si Easton.

He will do anything just to get Gali back. Even by hook or by crook. Even if it means his life is at stake on this.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon