CHAPTER FOUR
Meet Joaquin
Amara Venice's Point of View
"Okay kids, we know that you missed each other so we'll give you time to catch up," I then looked at my Mom when she spoke. As I stared at her face, she's just smiling at us.
I don't know if she means it but it means a lot to me. Marami akong gustong gawin kasama si Didi.
"Samarrah is right. Just be home before 7 because we will have a double celebration. We decided to throw a celebration for the both of you," Tita Kadince also seconded that made my eyes dilate.
Are they serious? Owemjiiiiii! This is the best graduation gift ever! Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti dahil sa sinabi ni Mom. Nang magtama ang mga mata namin ni Mom ay ngumiti siya sa akin.
Kaagad ko naman siyang dinamba ng yakap. Natatawa niya akong niyakap pabalik. Hinaplos niya ang buhok ko at naramdaman ko ang paghalik niya sa gilid ng ulo ko.
"Thank you, Mom. I'm so happy today," I then spoke in between our hugs.
"You deserved to be happy, sweetheart. Just know your limits, okay?" Mom replied that made me nodded. Alam ko naman ang mga limits na tinutukoy niya. Kalaunan ay humiwalay kami sa isa't isa.
Sunod kong niyakap si Dad na niyakap din ako. Like what my Mom did, he also kissed my head.
"Enjoy, princess," Dad whispered as I pulled away from the hug. I then smiled at him. Pagkatapos n'on ay nagpaalam na sila sa amin. Ngayon ay si Didi na lang ang kasama ko. Nagtinginan kami at ngumiti sa isa't isa.
May credit cards at cash naman ako dito kaya hindi na ako humingi ng pera. Napatingin ako sa wristwatch ko. It's already 3:45 in the afternoon. Marami pa kaming time ni Didi na mag-bonding.
"Tara sa Photo Booth, let's take a picture together," Didi suggested that made me nodded. Gaya ng sabi niya ay tinungo namin ang photo booth. Mabuti na lang at wala masyadong tao rito. Ang iba ay nasa frame booth para kunin ang picture nila.
Nang may lumabas sa photo booth ay pumasok kaagad kami ni Didi. Agad kaming pumwesto para kuhanan kami ng litrato. We both looked at the camera and took our poses. We took several photos together.
Now, it's time for our solo picture. Nang matapos siya ay ako naman ang sumunod. I gave my best poses too. Nang matapos ay sinabihan na kami na dumiretso na sa photo booth. Bago kami lumabas ay nagbayad muna kami ng tig 350 namin.
May 150 pictures iyon with different sizes kaya in-avail na namin 'yon. Right, kukunin ko na rin mamaya ang picture namin nila Mom. Mabuti na lang at hindi masyadong mahaba ang pila. Habang nasa pila kami ay kinausap ako ni Didi.
"Ang liit ng mundo. Hindi ko alam na ka-schoolmate ko pala ang childhood best friend ko. I've been here since elementary and I didn't even recognized you," natatawang komento ni Didi na ikinatango ko.
She's right. What a small world after all. Sa tagal ko na rin dito sa Hearthstone ay hindi ko 'man lang siya namukhaan. Hindi namin namalayan na kami na pala ang susunod. Agad naman naming kinuha ang pictures namin.
Nilagay nila sa paper bag 'yong pictures namin kaya binitbit lang namin iyon. Bago kami lumabas ng Hearthstone ay tinanggal muna namin ang suot na toga pati na rin ang mga medals namin.
Mabuti na lang at malaki itong paper bag namin kaya kasya ito. Ngayon ay parehas na kaming naka-dress. Paglabas namin ng Hearthstone ay agad kaming pumara ng taxi. Binuksan ko ang pinto at naunang pumasok si Didi sa loob.
Sumunod naman ako sa kaniya at sinara ang pinto.
"Manong, Olivia's Shopping Mall po kami," sabi ko na ikinatango ng taxi driver.
BINABASA MO ANG
Defiant Youth Series #1: Abiding Dismay (COMPLETED)
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE] (A Collaboration Series) Life is full of dismay, failures, and setbacks. Sometimes, we create our own heartbreaks through intentions. As they said, foreseeing too extensively can guide to so much dismay. ...