CHAPTER TWELVE
Failure and Comfort
Amara Venice's Point of View
I blink a few times as I stared at the result that is posted on the bulletin board. This can't be happening. Nananaginip lang yata ako. Hindi ito maaari kasi magagalit si Mom sa akin. Lumabas na kasi ang results sa prelim exam namin at hindi matutuwa si Mom nito.
I ranked first in our department but I ranked 3rd in the whole university. Inisahan na lang kasi ang lahat ng departments sa rankings pero hindi ko akalain na magiging top 3 ako sa buong university.
Joaquin topped the list. Siya ang first place at second place naman si Ms. Ilyria C. Villafuerte na galing sa College of Medicine. Nanghihina akong naglakad paalis at ramdam ko naman na sumunod si Didi sa akin.
"What's with that face, Vi? Hindi ka ba masaya sa results?" Tanong ni Didi kaya napahinto ako dahilan para mapahinto rin siya. Sumulyap ako sa kaniya at binigyan ng isang tipid na ngiti.
"I'm happy, Di but my Mom won't be happy with the results. She has a high expectations for me and she always wants me to rank first in everything," I responded and continued walking. Sumunod naman siya sa akin.
"It's going to be alright, Vi. I'm always here," Didi retorted and I just nodded without glancing at her. Bumuntong-hininga ako at nag-iisip ng sasabihin kay Mom. Paano ko nga ba sasabihin?
"THE CURRENT FOUNDER of Hearthstone University called, Amara Venice and what's with the result?" Mom directly questioned me when I reached our mansion. Kakauwi ko lang pero sermon na ang bubungad sa akin.
Mukhang naunahan na ako. Ano pa nga ba? May connections ang parents ko sa Hearthstone. Nakadekwatrong umupo si Mom at seryoso na nakatingin sa akin.
"Is it true? Did you rank 3rd in your whole university? Saan ka nagkulang? Nag-aral ka ba ng mabuti?!" Her voice thundered on the four corners of our mansion making me flinch from my spot and got froze because of it.
I knew it, as I anticipated. She's not even satisfied with my results. She always wants me to be first in everything.
"Answer me, Amara Venice, and tell me what happened?"
"I... I'm sorry, Mom. Ginawa ko naman lahat pero hindi ko talaga maiiwasan na may mga mas matatalino pa kaysa sa akin," I tried myself not to stutter while answering and good thing that I succeeded.
Napasulyap ako kay Dad na nasa tabi lang ni Mom at kinakalma si Mom ngunit hindi yata umepekto.
"So totoo nga?! Kung alam mo naman na may mas matalino pa sa'yo, e 'di mas nag-aral ka pa ng mabuti, Amara Venice. Yes, you ranked first in your department but that isn't enough. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya kapag nalaman nila? Mabuti pa nga si Joaquin at ang talino niya," mahabang sambit ni Mom.
A tear tickled on my cheeks while listening to my Mom's word. Sana nga si Joaquin na lang ang anak nila at hindi. Sana, hindi na lang ipinanganak.
Sana, hindi na lang sila ng naging magulang ko. Ginawa ko naman lahat para maging proud sila sa akin e. Ginawa ko ang lahat para maging isang mabuting anak sa kanila. Palihim kong pinahid ang luha ko.
Napayukom ako ng kamao ko at hinanda ang sarili ko sa sasabihin ko.
"E 'di sana si Joaquin na lang ang naging anak ninyo! Sana hindi na lang kayo ang naging magulang ko! Ginawa ko po ang lahat pero hindi pa rin ba sapat iyon?! Wala akong maayos na tulog para lang maputanayan ko ang sarili ko sa inyo--"
I didn't finish my sentence when a hard slap welcomed my right cheek making me gasp.
"Sumasagot ka na?! At ano, sana hindi na lang kami ang naging magulang mo?! Naririnig mo ba ang sairli, Amara Venice?!" Sigaw ni Mom dahilan para mapayuko ako at napahawak sa pisngi na sinampal niya.
BINABASA MO ANG
Defiant Youth Series #1: Abiding Dismay (COMPLETED)
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE] (A Collaboration Series) Life is full of dismay, failures, and setbacks. Sometimes, we create our own heartbreaks through intentions. As they said, foreseeing too extensively can guide to so much dismay. ...