CHAPTER EIGHT
Entrance Exam
Amara Venice's Point of View
"Thank you, and I wish you the best of luck as well. Do well in your exam," in turn, I responded. I know he's a genius, but I just want him to wish him to luck the same way he wished me luck. He gave me a friendly smile and a nod.
"I will, thank you," he finished speaking and moved away from me. I shrugged and turned my sight to Didi, who was grinning at me, as well as Cyprus, who was sneering while gaping at Joaquin who's walking away. With a shake of my head, I expressed my dissatisfaction with the situation.
Mag-boyfriend nga sila, bagay na bagay sila sa isa't isa. May kung ano'ng binulong si Cyprus kay Didi na ikinatango lang ni Didi. He then kissed her and walked away after that. Sumunod naman sila Cedric at lumapit si Didi sa akin.
"Let's go," she spoke. Tumango lang ako at nang kumapit siya sa braso ko ay tinungo na namin ang College of Business. Habang papunta kami roon ay marami kaming nakasasabay na kapwa naming estudyante.
Mukhang marami rin ang kukuha ng entrance exam sa business.
"Sa totoo lang, Vi. Bagay kayo ni Joaquin. Gusto ko siya para sa'yo. Mabait si Joaquin kahit may kaunti siyang bad temper," out of the blue na turan ni Didi sa akin habang tinutungo namin ang College of Business. Sumulyap ako saglit sa kaniya at nakita ko nga na seryoso talaga siya.
Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin. Hindi na lang ako umimik dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
"What's my bestie thinking, huh?" Napatingin ako kay Didi na nakakunot na ang noo ngayon habang pinagmamasdan ako. Tipid akong ngumiti at umiling sa kaniya. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa pupuntahan namin.
Umakyat kami hanggang sa nakarating na kami sa 2nd floor kung nasaan ang Room 203. Mabuti at kasabay ko si Didi. Ang ibang kapwa naming mag-aaral ay pumasok na sa kaniya-kaniyang nilang classroom.
Pumasok na rin kami Didi. Pagpasok namin ay halos mapuno na ang mga upuan dahil marami na rin ang kapwa naming estudyante. Well, nabilang naman ang mga upuan na nandito at sa listahan kaya sigurado ako na lahat kami ay may upuan.
Habang tinutungo namin ni Didi ang ang upuan namin ay ramdam ko na nakatitig kami sa akin ngunit hindi ko lang sila pinansin. May mga iilan din akong namumukhaan dahil ka-strand ko sila no'ng senior high kami.
Nang makarating na kami sa pwesto namin ay tahimik lang kami ni Didi na umupo. Agad na nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng classroom. Halos parehas lang pala ang classroom ng senior high sa college. Ang hindi lang parehas ay ang mga upuan.
Kahit na malamig dito sa classroom ay nasanay na ako dahil ang lamig ng classroom namin dati palagi. Maya-maya pa ay nag- ring na ang bell at sakto namang pumasok na 'yong proctor namin na lalaki.
Humagikgik naman ang iba at animo'y kinikilig habang nakatitig sa pogi naming proctor. Oo, mukhang nasa late 20s niya pa lang. Nang binati niya kami ay tumayo kami para batiin din siya. Ngumiti lang siya sa amin at pinaupo na kami. Tumili naman ang iba nang makita ang ngiti ng proctor namin.
Napailing na lang ako dahil kahit poging proctor ay hindi nakalampas sa paningin nila. Hindi ko naman sila masisisi dahil pogi nga talaga itong proctor namin. Mukhang heartthrob ito dati at soya 'yong tipo ng lalaki na magpapalingon ng babae sa tuwing dadaan siya.
Ang lakas ng charisma niya. Siguro ay sumasali rin ito sa school pageant noon. Huminga ako ng malalim at handa nang makinig sa susunod na sasabihin ng proctor namin.
BINABASA MO ANG
Defiant Youth Series #1: Abiding Dismay (COMPLETED)
Dla nastolatków[PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE] (A Collaboration Series) Life is full of dismay, failures, and setbacks. Sometimes, we create our own heartbreaks through intentions. As they said, foreseeing too extensively can guide to so much dismay. ...