CHAPTER TWENTY-THREE
Mourn
Amara Venice's Point of View
Police sirens filled the whole mansion as I was staring at my parents' dead bodies. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Who killed my parents? Sa pagkakaalam ko ay wala naman silang kaaway.
Narinig ko ang mga palalapit na yabag ngunit hindi pa rin ako gumagalaw sa pwesto ko. Napatingala ako sa police na may kasama nang nurses at dalawang stretcher.
"Venice!" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Joaquin. Agad akong tumayo at sinalubong niya ako ng yakap.
"J... Joaquin," mahina kong sambit at niyakap ko siya pabalik. I sniffed quietly as tears threatened to spill from my eyes. And one thing I knew, I was crying in his arms. My body looked calm but my mind is tangled with questions.
"I'm sorry, Venice, I'm really sorry," wika ni Joaquin at hinaplos ang likod ko. Lalo akong naiyak sa sinabi niya. Bakit dalawa pa ang kinuha ng Diyos sa akin? Bakit sila pa? Hindi ko 'man lang sila nakausap ng mabuti.
Hindi pa ako nakikipagbati. Hindi ko pa nasasabi na mahal na mahal ko sila. Bakit ang daya naman? Bakit nangyari ito sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Cry all you want, baby. I'm here, I'm sorry. I'm really sorry," his voice cracked as he uttered those words. Napapikit ako at hindi ko namalayan na nilamon na ako ng kadiliman. Ang huli ko na lang narinig ay ang pagtawag ni Joaquin sa pangalan ko.
Isama ninyo ako, Dad, Mom. Hindi ko kayang mawala kayo.
"WAKE UP, Venice," that voice woke me up. I stared at the ceiling and I sighed in contentment when I realized that I was in my room. Bigla kong naalala sila Dad. Luminga-linga ako sa paligid at napatigil ako tingin ko kay Joaquin na nakatingin sa akin.
"Venice," halata ang galak sa tono ni Joaquin nang makita niyang gising ako. Dahan-dahan akong bumangon at agad hinanap sila Mom.
"Sila Dad? Nasaan? Panaginip lang 'yon, hindi ba?" Agad kong tanong kay Joaquin. Napasulyap ako kay Didi na nandito rin sa loob ng kwarto ko. Kapagkuwa'y binalik ko ang tingin ko kay Joaquin. I'm waiting for his answer. Sana panaginip na lang.
He's looking at me with so much concern. What happened?
"V... Venice. Your parents died," parang nabingi naman ako sa narinig ko mula kay Joaquin.
"No!" Sigaw ko, Hindi pwede, hindi pwedeng maging totoo 'yon. Hindi pa sila patay. Hindi pa. Hindi ako naniniwala. Hindi nila akong pwedeng iwan. Hindi ko kayang mawala sila.
"No... No..." Paulit-ulit kong sambit at luminga-linga sa paligid. Naramdaman ko ang pagyakap ni Joaquin sa akin at inalo-alo ako.
"No! No!" Sigaw ko ulit at unti-unti nang tumulo ang mga luha ko sa mga mata ko. Rinig kong nagbukas ang pinto ng kwarto ko kaya napadako ang tingin ko roon. Mula sa nakabukas na pinto ay pumasok sila Tito.
"Venice," tawag sa akin ni Tita kaya agad akong humiwalay kay Joaquin at dali-daling bumaba para salubungin si Tita ng yakap. Siya si Tita Vicki, ang panganay na kapatid ni Mom.
"T... Tita, hindi po totoo 'yon hindi ba?" Pinilit kong hindi mautal ngunit nabigo ako. Naramdaman ko ang paghaplos ni Tita sa likod.
"Venice, you have to be strong," pag-iiba niya ng usapan. Napailing ako at niyakap siya ng mahigpit. As more tears came, more thoughts whirled through my head.
DEALING WITH A FUNERAL is the biggest challenge. It was one week ago when my parents died and they currently investigating what exactly happened. Hirap akong tanggapin na wala na sila pero wala akong magagawa.
BINABASA MO ANG
Defiant Youth Series #1: Abiding Dismay (COMPLETED)
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE] (A Collaboration Series) Life is full of dismay, failures, and setbacks. Sometimes, we create our own heartbreaks through intentions. As they said, foreseeing too extensively can guide to so much dismay. ...