Last Chapter

677 9 0
                                    

LAST CHAPTER

Explanation

Amara Venice's Point of View

My delight glowed inside of me as my hopes soared that everything will be alright soon. I was found not guilty of Parricide and they will investigate my case. The fingerprint that they found on the knife is really mine but we proved that I held it after the murder is done. 

I was officially released and I cleared my name with the help of the people who's been with me. Part of me feels disappointed with Joaquin. 

I don't know why he did that to me. Did he approach me on purpose? Did he really love me? Many questions filled my head but I can't answer all of them without Joaquin's explanation. 

Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi niya ako dinalaw kahit minsan? 

Isa-isa nang umalis sa korte ang mga tao at ang natira na lang sila Didi kasama ang pamilya niya at sila Tita pati na rin si Attorney Faris. Tumayo na kami at humarap ako kay Attorney Faris. 

Kung hindi dahil sa kaniya, hindi namin maipapanalo itong kaso ko kaya malaki ang pasasalamat ko sa kaniya. Dahil sa kaniya ay nahanap si Manang Salud at pumayag itong mag-witness sa akin. 

Kung hindi siguro siya sumipot ay baka lumala lalo ang pagdinig sa korte kanina at baka makulong talaga ako sa salang hindi naman ako ang gumawa. Mabuti na lang talaga at pumayag si Manang Salud. 

Umaayon na sa akin ang tadhana at malapit ko nang makamit ang hustisya na nais ko para sa mga magulang ko. 

"Thank you po, Attorney Faris, " I sincerely uttered and gave him a smile that shows openness and kindness. I then extended my right hand to initiate a handshake. 

"It's a pleasure, Ms. Venice. Congratulations to us. Justice will be served soon. Besides, I'm just doing my job," tugon niya habang at maingat na tinanggap ang kamay kong nakalahad. 

We then shook hands. Kapagkuwa'y bumitaw na kami sa isa't isa at nagpasalamat naman sila Tito sa kaniya. 

Kalaunan ay nagpaalam siya sa amin. Pagkaalis niya ay sumulyap ako kila Tita na nakangiti ngayon, labis ang tuwa dahil nalinis na ang pangalan ko. 

Tita Vicki opened her arms wide urging me to hug her. A tear tickled on my cheek as I slowly walked towards her and accepted her hug. Niyakap niya rin ako pabalik at hinaplos ang buhok ko. 

"I'm sure, your parents are happy for you, Venice. If you want, you can stay at our mansion. You know how Noah and Illyria are fond of you. You're always welcome to our mansion, dear," Tita Vicki spoke in between our hug. 

Ngumiti ako at sumandal sa balikat niya. Na-miss ko na rin ang mga pinsan ko na sina Kuya Noah at Ate Illyria. Kapagkuwa'y humiwalay na kami sa isa't isa. 

"Ipakuha natin sa driver ang mga gamit mo sa kulungan," kalaunan ay sambit ni Tita Vicki na ikinatango ko lang. Kahit hindi maayos sa kulungan ay mabuti naman ang pakitutungo sa akin ng mga kasama kong nakakulong doon. 

Akala ko ay bubugbugin nila ako. Hindi ko alam kung bakit ko ba naisip iyon, siguro ay dahil sa kanonood ko ito ng mga palabas. 

"Thank you po for believing in me," taos puso kong pasasalamat sa kanila. Ngumiti sa akin si Didi at niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik at pumikit para damhim ang yakap ng bestfriend ko.

BITBIT ANG DALAWANG basket na may Chrysanthemum habang tinatahak ang daan patungo sa puntod ng mga magulang ko. 

Nais akong samahan ni Didi ngunit sinabi ko na gusto kong dumalaw ng mag-isa kaya hinayaan lang nila ako.

Defiant Youth Series #1: Abiding Dismay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon