Chapter 5

394 10 0
                                    

CHAPTER FIVE

Hatid

Amara Venice's Point of View

"I agree with you, babe. I'm a JoaNice shipper too," Cyprus seconded with what Didi has just said. I just sighed because of it. Sana all, supportive. Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ko na namumula ang magkabila kong pisngi.

"Luh, kinikilig si Vivi," asar ni Didi na lalong ikinainit ng magkabila kong pisngi. Tinapunan ko siya ng masamang tingin na ikinatawa niya lang. Parang wala lang sa kaniya. 

Grabe, lakas niyang mang-asar. Tumikhim ako at nanginginig ang kanan kong kamay habang inaabot ang Iced Tea ko.

"True, hakot awards din sila sa academics. Sana all, couple goals," natatawang ani ni Inigo at nnakipag-apir kay Cedric na tawang-tawa. Napailing na lang ako. Huminga ako ng malalim at sumimsim sa Iced Tea. 

Nilapag ko iyon at nagpunas sa tissue. Maya-maya naman ay tumigil sila nang magsalita si Joaquin.

"That's enough. It's not funny anymore," natahimik kaming lahat nang magsalita siya. Mabuti na lang at nagsalita na siya. Unti-unti namang kumalma ang mga kamay kong nanginginig at hindi na mainit ang magkabila kong pisngi. 

Hindi naman nagtagal ay natapos na kami. We shared a conversation while eating our food earlier. Now I realize that it's a nice feeling to interact with others, just like this. This is my first time and they're friendly to me. 

I didn't know that they're funny and easy to be with. 

"Akala ko dati ay masungit talaga itong si Venice, hindi pala," komento ni Cedric habang palalabas kami ng The Shawarma Shack. Napangiti ako sa sinabi niya. Nang makalabas ang lahat ay kami lang ni Joaquin ang nahuli. 

Pinigilan ni Joaquin ang pagsara ng pinto para makalabas ako.  Hindi na ako tumingin sa kaniya pero kinikilig ako sa ginawa niya. He's a gentleman. 

"Same with me. Mailap kasi siya sa mga tao kaya napagkakamalan siyang masungit," wika ni Inigo. Well, tama naman sila. Masungit talaga ako pero sa mga masusungit lang. Mabait ako sa mga mababait. 

"Mag-stroll muna tayo, guys. Let's enjoy just today," Didi suggested which made me nodded. Bilin naman sa amin nila Mommy na mag-enjoy kaming dalawa ni Didi ngayong araw dahil ngayon lang kami nagkita. 

"I'm fine with it," napatingin ako kay Joaquin na nasa tabi ko nang magsalita siya. Pumayag din sila Cedric at Inigo. 

"Kailangan na yata nating maghanap ng girlfriend, Inigo. Tayo lang ang walang partner dito," natatawang wika ni Cedric na ikinatawa lang namin. 

"Oo nga, uwi na lang yata kami. Mag-double date na kayo," segunda naman ni Inigo na ikinailing ko lang. Ang saya nilang kasama. Huminga lang ako ng malalim at nag-focus na nilalakaran namin. 

"Mga baliw," Cyprus stated. Napatingin ako sa kanila at nakita ko na binitbit ni Cyprus ang paper bag ni Didi habang nakakapit si Didi sa braso niya. Sana all, may boyfriend. 

"Department Store muna tayo," ako naman ang nagsalita. Tumango sila sa akin. Sumakay na kami sa excalator na pataas para makapunta sa 2nd floor. Nang makarating kami roon at dumiretso kami sa department store. 

Naunang pumasok sila Didi at sumunod naman kami. Ch-in-eck kami ulit ng security guard bago pinapasok. Kumuha kami ng shopping cart. 

"Let me push it," I flinched a bit when Joaquin spoke beside me. Kagulat naman, bigla-biglang nagsasalita. Sumulyap ako sa kaniya at nakatingin siya sa akin ngayon. Tumango lang ako at binigay sa kaniya ang shopping cart. Nilagay ko rin doon ang paper bag ko.

Defiant Youth Series #1: Abiding Dismay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon