Chapter 19

236 7 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

Pageant Night

Amara Venice's Point of View

Nanlaki ang mga mata ko nang may tumili sa likod namin. Akala siguro nila ay hindi namin maririnig. Kahit gusto ko silang sawayin ay pinigilan ko ang sarili ko dahil ayaw ko ng away.

Sorry na lang sa kanila, akin na si Joaquin. Ako na ang nakakuha ng puso niya at ako ang nililigawan. Naramdaman kong tatayo na sana si Didi ngunit pinigilan ko siya. Napatingin ako sa kaniya at nakasimangot itong nakatingin sa akin.

"Ang lalandi nila," gigil niyang sambit dahilan para mapatawa ako ng mahina. Hinawakan ko siya sa braso niya at kapagkuwa'y nagsalita. 

"Hayaan mo na, boyfriend mo si Cyprus at wala na silang magagawa," pangaral ko na ikinatango niya lang. 

"Ikaw, huwag mo nang pakawalan si Joaquin," aniya na ikinangiti ko. Hindi na talaga. Last week ay pinakilala na rin ako ni Joaquin sa mga magulang niya at gaya ng mga magulang ko ay hindi rin sila tutol sa min. 

Ilang sandali pa lamang ay pinakilala na rin blue team na Blue Brewers. Marami rin silang natanggap na suporta sa mga blue team at nangingibabaw rin ang mga tili ng mga babae dahil hindi maitatanggi ang angkin nilang kapogian pero walang makalalamang kay Joaquin sa kanila. 

Pagkatapos ipakilala ang Blue Brewers ay nagsimula na ang game. Pumwesto na ang lahat sa gitna at itinaas na ng referee ang bola, magkatapat ngayon si Joaquin at Dalton na captain ball ng Blue Brewers. 

Pagkapito ay hinagis na ang bola sa taas at sabay na tumalon sila Joaquin at Dalton. Humiyaw ang red team nang maagaw ni Joaquin ang bola at dali-dali itong lumayo mula kay Dalton. 

Wala ako masyadong alam sa basketball e kaya mabuti na lang ay may commentator na naatasan sa larong ito. Tuwing nakaka- 3 points si Joaquin ay humihiyaw ang buong red team, pati ako ay hindi ko rin maiwasan ang hindi makihiyaw. 

Grabe, ang galing nilang maglaro lalo na si Joaquin. Now, Cyprus dribbled the ball while running and when an opponent tries to stop him, he then pass the ball to Inigo and Inigo took the chance to shoot it on the ring. 

Lalong lumakas ang cheer namin naming mai-shoot ni Inigo ang bola. 

"3 points for the red team!" The commentator shouted making the red team cheer loudly. Napatingin ako sa score at lamang na kami sa kalaban. Hindi ko maikakaila na magaling din kalaban nila pero halos ang red team ang nakakapuntos. 

Malapit na ring matapos ang oras. Ngayon ay nasa kalaban na ang bola at mags-shoot na sana ang kalaban nang biglang pumito ang referee at nag-announce ng 15 minutes break. Ang mga blue team naman ay nanghinayang. 

Nakita ko na binuksan ni Didi ang bag ni Cyprus at naglabas ng isang bimpo doon gaya binuksan ko na rin ang bag ni Joaquin para kumuha ng bimpo at nakita ko rin na may mini fan siya sa loob kaya nilabas ko rin iyon. 

Nang makuha ko ito ay sinara ko ito. Tumayo kami ni Didi at tinungo ang dalawang babae sa red team na nagd-distribute ng gatorade. 

Nang makakuha kami ay lumapit na kami kila Joaquin. Nang magtama ang mga mata namin at ngumiti kami sa isa't isa. 

"Grabe, ang galing ninyo. Lamang na kayo sa kalaban," ani ko na ikiinangiti niya lalo. Inabot ko sa kaniya ang gatorade niya at tinanggap niya naman ito. Umupo ito sa bleacher at humarap ako sa kaniya. 

Nakita ko mula sa peripheral vision ko na nakatingin sa amin 'yong mga babaeng nagpapantasya sa kanila kanina. Mabuti nga 'yan para malaman ninyo na hindi sila ang tao na dapat nilang landiin. 

Defiant Youth Series #1: Abiding Dismay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon