Chapter 18

238 7 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

Intramurals Part 2

Amara Venice's Point of View

Nawili kami ni Didi sa pagkukwentuhan dahil hindi namin namalayan na nandito na pala sila Joaquin. Umupo si Joaquin sa tabi ko at nilapag sa harap ko ang in-order ko na pork sisig at iced tea. 

Sumulyap ako sa kaniya at nagpasalamat. Ang in-order niya naman ay beef salpicao at iced tea.  Nagsimula na kaming kumain. 

We are in the middle of eating when Joaquin spoke. 

"May naisip ka na ba na magiging talent natin?" Tanong niya. Saglit akong sumulyap sa kaniya at nakatingin siya sa akin ngayon habang umiinom ng iced tea niya. Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

"Let's sing and dance tapos play instrument," tugon ko at itinuon ang atensyon ko sa kinakain. 

"Alright, if that's what you want. I also approve. I can play all kinds of instruments but I'll play the violin," he agreed with what I have just suggested making me nod. 

"I'll play piano," segunda ko. Iyon lang naging usapan hanggang sa matapos kaming kumain. Nagpahinga muna kami saglit dito bago napagpasyahan na bumalik sa Recreation A Room. 

Bukas na kami magp-practice at mamaya ay pag-uusapan na ang mga gagawin. 

"I HEARD FROM Joaquin that you and him are the representatives for your team," Mom suddenly spoke while we're eating dinner. 

Kanina ay hinatid ako ni Joaquin at kinausap siya ni Mom. Saglit akong sumulyap sa kaniya at tumango. Napangiti ito.

"Great, ako na bahala sa preparations ninyo like rehearsals. I'll hire Ms. Amelia to help you with the pageant," masayang sambit niya at mukhang mas excited pa siya kaysa sa akin. Tumango lang ako sa kaniya. Binalik ko na ulit ang atensyon ko sa kinakakin ko.

Kilala ko na si Ms. Amelia, mabait siya at kaibigan ni Mom. Si Ms. Amelia ay dati ko nang trainer. Siya ang tumutulong sa akin tuwing may pageant ako. Gaya ng sabi ko ay ayaw ni Mom na natatalo ako. 

I'm the reigning Ms. Instramurals last year. Ipapasa ko na rin ang korona sa susunod na magiging Ms. Intrams ng senior high. Pwede pa naman ako sumali sa Ms. Intrams dahil magkaiba naman ang high school sa college. 

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila para mauna na sa taas. Hinalikan ko sila sa pisngi bago nilisan ang dining hall. Nasa hagdanan na ako nang biglang tumunog ang notification sound ng messenger ko. 

Napatigil ako saglit at tiningnan kung sino ang nag-chat, si Joaquin. 

Tyrell Joaquin. Kumain ka na?

Amara Venice. katatapos lang, ikaw?

Tyrell Joaquin. Same. What are you doing?

Amara Venice. paakyat na, papunta sa kwarto ko. 

Tyrell Joaquin. Ok, watch your step. 

Amara Venice. I will, thank you. 

Gumuhit ang ngiti sa labi ko habang binabasa ko ang usapan namin. Dali-dali akong umakyat at tinahak ang pasilyo na patungo sa kwarto ko. 

Nang makarating ako roon at hinawakan ko ang door handle at inikot iyon para magbukas. Pumasok na ako sa sinara ito. Agad akong binalot ng malamig na simoy ng aircon ngunit nasanay naman na ako sa lamig. 

Dumiretso ako sa kama ko at umupo roon. Nag-usap pa kami ni Joaquin hanggang sa mag-decide kami na matulog na dahil gabi na. 

I brushed my teeth and wash my face before going to bed. I then closed my eyes and drifted off to sleep. 

Defiant Youth Series #1: Abiding Dismay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon