💞Krizzane's POV💞
It's been a year simula noong ikasal ako kay Zeddrick Montefalco at masasabi kong tama ang mga naririnig ko mula sa ibang tao at sinasabi ng mga magulang ko sa akin. Walang puso ang lalaking ito. Hindi siya marunong maawa sa kapwa niya. He's so Heartless.
Kung hindi lang talaga dahil sa utang ng mga magulang ko ay hindi ako magpapakasal sa kanya.
"Madam Krizzane, pinapatawag po kayo ni boss sabay daw po kayo maghapunan at huwag daw po siyang paghintayin." makahulugang sabi ng isa sa mga tauhan niya na laging nakasuot ng Black.
Imbes na lumabas ng kwarto para kumain ay humiga na lang ako sa malambot na kama at nagtalukbong ng kumot. Ayaw ko siyang kasabay kumain!
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Hindi ko nalang iyon pinansin dahil baka si manang lang iyon. Dahil siya ang nagdadala sa akin ng pagkain kapag Ayaw kong bumaba.
"Alam kong gising ka." sabi ng isang baritonong boses. Si Zeddrick. Hindi naman galit ang boses niya.
"Busog pa ako." walang gana kong sagot. Pero tinanggal niya ang kumot na nakatalukbong sa akin.
"Kumain ka, alam kong gutom ka na. Ang ayoko sa lahat ay sinungaling!" sigaw nito at pabalyang isinarado ang pinto. Nakakatakot talaga siya.
Lumapit ako kung saan niya nilapag ang tray na may pagkain. Gutom na talaga ako pero ayoko ko siyang kasabay.
Pagkatapos kong kumain ay nilagay ko na lang ito sa isang gilid. Mamaya ko nalang siguro ibababa.
"Krizzane bumaba ka dito!!!" bosses yun ni Zeddrick. Bakit siya galit? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah?
"Bakit mo ako tinatawag?" dumilim naman agad ang awra nito.
"Hindi ba sinabi ko sa iyo na hindi ka pwedeng Umalis sa mansion na ito, sabi ni Manang ay Umalis ka daw kanina at nakipagkita sa mga magulang mo!!! Bakit ba hindi mo sinusunod ang inuutos ko? Gaano ba kahirap yun at hindi mo man lang masunod ang simpleng utos ko sayo? You're such a hard headed woman!!!" mukhang galit na galit ito.
"Nakipagkita lang naman ako sa kanila ah, ano bang masama doon? Magulang ko sila! Hindi porket kasal na tayo ay pwede mo ng kontrolin ang buhay ko!!!" asik ko dito.
"Pwede naman sila ang dumalaw sayo dito ah!!!" giit ni Zeddrick. Kami nalang ang naiwan sa sala dahil nag alisan na ang mga tauhan niya at ang mga katulong.
"Pero isang beses sa isang linggo mo lang sila pinapadalaw dito!!! Magulang ko sila at namimiss ko sila!!! Ano bang masama sa pagdalaw ko sa kanila? Asawa lang kita at magulang ko pa rin sila.!!!" akala niya ba siya lang ang may karapatang magalit? Matagal na akong nagtitimpi sa kanya.
"You always said that na Asawa mo lang ako!!! You really wanna hurt my feelings, if that's what you want then be my guess. Simula ngayon hindi mo muna sila makikita till I said so. Inuubos mo ang pasensya ko!!! Binalaan na kita pero hindi ka nakinig sa akin. You must face your consequences." galit pero makahulugan nitong sabi.
"Hindi mo pwedeng gawin yan!!!" kuwestiyon ko.
"Of course sweetheart I can. Try me." sabi nito at ngumiti pa. At tsaka siya tumalikod para maglakad paalis.
"Zeddrick hindi mo pwedeng gawin yun, magulang ko sila kailangan ko silang makita at makasama, huwag mo naman akong saktan ng ganito oh." hindi ko na mapigilan ang mapaluha.
Lumingon ito sa akin pero walang emosyon ang mukha. Hindi man lang siya naawa sa kalagayan ko. Nakaluhod ako sa harapan niya.
"Bakit sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan? Ako yung kasama mo pero kahit kailan hindi mo man lang ako pinagtuunan ng pansin. I always give what you've wanted pero hindi pa rin ba sapat. Ha? Gusto kung Kahit minsan man lang ay Ituring mo ako bilang asawa mo, pero siguro nga dapat I did not force you to marry me." tumawa siya ng mapakla "Pero ikaw ang nagsabi na pakakasalan mo ako diba? Kung hindi mo iyon ginawa Sana ay nabaon na sa pagkakautang ang mga magulang mo sa akin." sabi nito at naglakad papalayo.
May nakita akong butil ng luha na pumatak galing sa mata niya. Did I hurt him so much? Nasasaktan rin pala ang lalaking iyon? But it's more painful na hindi ko muna makikita ang parents ko.
Naglakad na lang ako papunta sa kwarto ko. Oo, magkaiba kami ng kwarto. And yeah wala pang nangyayari sa amin. He didn't force me or take advantage of me. Pero bakit? Dapat ay ganun ang ginawa niya diba?
Nakarinig ako ng sigaw na nagwawala. Galing yun sa kwarto ni Zeddrick.
"Damn, damn, fuck, life is sucks!!! Why life is so fucking unfair?!!! When I'm gonna be happy!!! At first my parents died in an accident then my sister was raped but didn't have a justice, pero bakit ngayon? Hindi ako kayang mahalin ng babaeng mahal ako?!!! You're so fucking unfair!!!" sino ba ang kinakausap ni Zeddrick? Ang Diyos ba?
Noong sinilip ko siya, he's crying. Damn the Heartless man is crying!!!
"Who the fuck are you?" sabi ni Zeddrick, gosh! Naramdaman niya ang presensya ko.
Dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto ko at inilock ang pinto.
Pero nakita ko siyang umiiyak kanina! Nasasaktan rin pala ang isang yun! Akala ko hindi eh. Kasi naman tinagurian siyang heartless eh.
BINABASA MO ANG
My Heartless Husband
Romance(Montefalco) It's been a year simula noong ikasal ako kay Zeddrick Montefalco at masasabi kong tama nga ang mga naririnig ko mula sa ibang tao at sinasabi ng mga magulang ko sa akin. Walang puso ang lalaking ito. Hindi siya marunong maawa sa kapwa...