💞Chapter 8💞

4.8K 102 1
                                    

Nagising si Krizzane ng may ngiti sa labi. Naaalala niya pa kung ano ang naganap sa kanila ni Zeddrick noong gabi ng makauwi sila sa mansion. She's still in sore of course Zeddrick is her first. Hindi siya nagsisisi na kay Zeddrick niya ibinigay ang pinakaiingatan niya ng ilang taon. Mag-asawa naman sila, wala naman masama doon. And it looks like they honeymoon.

Tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan nila. Hindi niya alam pero parang nag-iinit ang pisngi niya sa tuwing iisipin niya iyon. Well gusto rin naman niyang magkaanak sila para totally happy family na.

Nakatingin lang siya sa mukha ni Zeddrick habang tulog ito. Nagulat siya ng bigla itong magmulat ng mata.

"Good morning." sabi niya dito at ngumiti. Kinabig naman siya nito at niyakap pagkatapos ay hinalikan ang noo niya.

"Good morning wife, bakit ang aga mong nagising?" tanong nito sa kanya. Hindi niya naman alam ang isasagot. Nagugutom na siya. Hindi kasi sila nakakakain ng dinner kagabi dahil parang siya ang ginawa ng dinner ng asawa niya. Char!

"Nagugutom na ako." pag-amin niya dito.

"Hindi pa pala tayo nakakakain ng dinner kagabi, and sorry because your still in sore now." napangiti naman siya dahil sa sinabi ni Zeddrick.

"Ipagluto mo na lang ako, gusto ko kasi yung luto mo eh." paglalambing niya sa asawa niya.

"As you wish wife, just stay here in our room. Because I know you're tired for what we did last night." biro pa nito sa kanya. Siguradong pulang pula na naman ang mukha niya.

Lumabas na nga ito ng kwarto nila. But before that nagbihis muna ito at kumuha muna ito ng damit niya sa closet at inilagay sa tabi niya pati undies. Wala naman na siyang dapat itago pa dito, dahil nakita naman niya ang lahat kagabi. At nagsimula na siyang magbihis sa kama.

Sinubukan niyang tumayo pero hindi niya talaga kaya, sobrang sakit. Tama nga si Zeddrick. Dahil Hindi kasi siya nito tinigilan. Anong oras na sila natulog. Hindi niya maiwasan ang mapangiti sa tuwing naiisip iyon.

Narinig niyang may tumatawag at sa cellphone ito ng asawa niya. Kinuha niya ito dahil nakalagay lang naman iyon sa table na kalapit ng kama nila. Unknown number iyon. Wala namang password ang cellphone, kaya mabilis niya itong nabuksan.

"Hello?" pagsagot niya dito.

"Who's this? Where's Zeddrick?" boses iyon ng babae. Pero bakit may tumatawag na babae sa asawa niya. Alam niyang hindi siya lolokohin ni Zeddrick. She trust him.

"Who are you miss? Ako ang asawa niya, bakit ka tumatawag sa asawa ko? May kailangan ka ba Miss?" may halong pagtataray na tanong niya sa babae, kaya hindi agad ito nakasagot.

Hindi niya na hinintay na makasagot pa ito. "Dont you ever call my husband again." pagkatapos niya sabihin iyon ay siya na mismo ang nagpatay ng tawag. Ang aga aga pero umiinit ang ulo niya.

"Wife bakit ganiyan ang mukha mo?" sabi ng asawa niya ng makita nito ang mukha niya na halos hindi na maipinta.

Bigla namang tumunog ang cellphone ni Zeddrick siguro ay may nagtext na naman dito. Gusto niyang ibato ang cellphone sa asawa niya pero ayaw niyang masaktan ito.

"Tanong mo sa babae mo!" asik niya dito. Ang mukha naman ng asawa niya ay nagtataka dahil hindi nito maintindihan ang sinasabi niya.

"What? Anong sinasabi mo? Wala akong babae." sabi ni Zeddrick sa kanya at inilapag ang tray ng pagkain sa harapan niya.

"Eh sino yung tumawag kanina?" taas kilay niyang tanong dito. Hindi pwede Pagkatapos siya nitong makuha ay ganto ang mangyayari! Malalagot sa kanya ang babaeng iyon.

My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon