💞Chapter 4💞

6.2K 144 0
                                    

Nagising si Krizzane na katabi ang kanyang asawang si Zeddrick. Napasarap ang tulog niya sa tabi nito. Alam naman niyang wala itong gagawin masama sa kanya. Hindi niya na kailanman huhusgahan ang asawa niya.

Pinagmasdan niya ang maamo nitong mukha. Parang anghel kapag natutulog pero kapag gising halos bumuga na ng apoy tuwing magagalit ito.

Hindi niya mapigilan ang sarili na suriin ang mukha nito. Halos ang perpekto ng mukha nito. Ngayon niya lang na realize na napakasuwerte niya sa asawa niya dahil marami ang naghahangad ng posisyon niya, ang magkaroon ng asawa na saksakan ng gwapo.

Bigla naman itong nagmulat ng mata kaya siya naman ang pumikit, nahihiya siya sa pinaggagawa niya pero mag-asawa naman sila diba, so ayos lang iyon.

"Wife I know your awake, there's nothing wrong in staring at my face kung ikaw ang gagawa non." sabi ng asawa niya.

Inimulat niya ang kanyang mata. "Kanina ka pa ba gising?" yun lang ang lumabas sa bibig niya. Ano bang nangyayari sa iyo Krizzane? Bakit parang iba na ang epekto ng asawa niyang si Zeddrick sa kanya.

"Nope, nagising lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin. At tama nga ako." hindi naman siya nakaimik.

"Ang sarap mo kasing titigan kapag tulog." bulong niya.

"You can sleep at your room tonight, thank you dahil pinagbigyan mo ako." sabi ng asawang niyang si Zeddrick.

"Pero wala kang kasama?" Hindi niya alam pero iyon ang lumabas sa bibig niya.

"It's okay ikaw lang naman ang gusto kong katabi matulog pero I think na ayaw mo na so it's better to be alone." usal ulit ng asawa niya.

"Dito na ako matutulog starting today."

"What?" gulat na tanong ni Zeddrick kay Krizzane.

"Sabi ko dito na ako matutulog para may kasama ka, ang hirap kaya ng mag-isa." nabigla si Krizzane ng bigla nalang siya yakapin ni Zeddrick at nakahiga pa rin sila sa kama.

"Pwede ba huwag mong masyadong higpitan hindi ako makahinga." pagbibiro ni Krizzane sa asawa niya.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya." sabi nito at hinalikan ang noo niya.

"Pero may condition ako."

"Anything for you my wife." he really loves her, na kahit ano handa niya itong gawin para sa kanya.

"Ahm pwede bang palitan yung kulay ng kwarto mo lagyan mo naman ng buhay, nakakatakot kaya kasi puro black. Bakit ba kasi Black ang kulay nitong kwarto mo?" natawa naman si Zeddrick sa kanya.

"Don't worry papalitan natin yan." sabi nito.

Iniwan muna ni Krizzane ang asawa niyang si Zeddrick sa kwarto nila. Oo kwarto nila dahil doon na rin naman siya Laging matutulog. Like what she promise to him.

"Good morning manang." bati niya kay Manang Elizabeth ng makita niya ito sa kusina.

"Kumakatok ako sa pinto mo kagabi dahil dinalhan kita ng gatas pero walang nagbubukas kaya ako nalang ang uminom. Maaga ka bang natulog kagabi Hija?" pag-uusisa sa kanya ni Manang Elizabeth. Nilock niya rin kasi ang pinto ng kwarto niya kagabi bago pumunta sa kwarto ni Zeddrick.

"She sleeps at my room manang." bahagyang nagulat si Krizzane ng may umakbay sa kanya. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang pisngi niya. Sinabi talaga ito ni Zeddrick sa harapan ni Manang. Baka kung anong isipin nito hindi bale mag-asawa naman sila.

"Ahh ganun ba Hijo, siya nga pala nakahanda na ang pagkain, mag-umagahan na kayong mag-asawa, ohh siya sige maiwan ko muna kayo." pagkatapos sabihin iyon ni Manang ay Umalis na siya sa kusina.

My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon