💞Chapter 12💞

4.5K 111 0
                                    

Mabilis na bumaba si Krizzane sa sasakyan at dali dali naglakad papasok sa mansion. "Hey wife wait up." rinig niyang sabi ni Zeddrick. Pero hindi niya ito pinansin. Kailangan ay siya ang mauna sa loob.

Walang tao sa mansion kung hindi silang dalawa lang ni Zeddrick. Pinagleave niya muna ang mga katulong at bantay para masolo ang asawa niya. Tinulungan rin naman siya ng mga ito para sa sorpresa niya kay Zeddrick kaya okay na din.

Nakita niya ang cake na nakalapag sa mesa at nasa box pa kaya agad niya iyong binuksan. Pagkatapos ay hinawakan niya ito.

"Krizzane where are you? Where's the maids?" rinig niya ang boses ni Zeddrick na nanggagaling sa living room.

"Andito ako!" sigaw niya mula sa kusina. Nakaayos na ang lahat sa mesa na Pinaluto niya kay Manang Elizabeth, ito ay ang mga paborito ng asawa niya.

"What are you —" hindi na natuloy ni Zeddrick ang sasabihin ng makita nito kung ano ang hawak niya.

"Happy, happy birthday Love." sabi niya rito. Binaba niya muna ang cake sa mesa pagkatapos ay niyakap ito at hinalikan ito sa labi pero smack lang.

"Hoy! Hindi mo ba nagustuhan? Ayaw mo ba? Magsalita ka naman." pangungulit niya kay Zeddrick dahil hindi ito nagsasalita at nakatingin lang sa kaniya at sa munting sorpresa na pinahanda niya.

"I love it and I love you, this is the first time that someone have a surprise for me since my parents and my sister's death." sabi ng asawa niya sa kanya. Mukhang namimiss nito ang mga magulang at ang kapatid niya na nawala na.

"Birthday mo ngayon dapat masaya hindi malungkot. Tsaka nandito naman ako kahit wala na sila at alam kong kasama rin natin sila ngayon, Alam kong masaya sila para sayo." niyakap niya ulit si Zeddrick at gumanti rin ito ng yakap sa kanya. Bumitaw na rin siya sa yakap. Tatalikuran niya sana ito para kunin ang cake pero hinila siya nito at pinaharap sa kanya pagkatapos ay hinalikan ang labi niya. Halik na puno ng pagmamahal.

"Mamaya na, kain muna tayo." sabi niya sa asawa kaya napatawa naman ito ng mahina.

"Pinaluto mo ito lahat kay Manang Elizabeth?" takang tanong ni Zeddrick sa kanya.

"Ahmm oo kaya wala siya kaninang umaga noong tinanong mo." sagot niya pagkatapos ay ngumiti.

Nakita niya ang mga cherries sa cake kaya natakam siya. Pero dapat kumain muna sila.

"Kung buhay lang sila mom sigurado akong magugustuhan ka rin nila specially my sister." sabi ni Zeddrick sa kanya.

"Sana nga noh, sana na meet ko sila." pag-sang ayon niya kay Zeddrick.

"Ayy wait, pahiram ako ng cellphone mo." sabi niya sa asawa. Kaya napakunot noo ito sa kanya.

"Why?" tanong nito sa kanya.

"Pahiram na lang kasi." kunwari ay naaasar niyang sabi.

"I will not give it to you hanggat hindi mo sinasabi kung bakit mo hihiramin." sabi nito sa kanya.

"Edi huwag! Bahala ka hindi ko ibibigay sayo yung gift ko! Dalawa pa naman yun." sabi niya pagkatapos ay kinuha niya ang cake na nasa tapat niya lang. At Sinimulan niyang kainin ang mga cherries na nasa ibabaw nun. Nakangiti lang naman ang asawa niya na pinapanood siya.

"Here's my phone." at inabot ni Zeddrick ang cellphone nito sa kanya.

"Thank you!! Saglit lang naman may tatawagan lang ako, ano pala ang number ng secretary mo?" tanong niya dito.

"I dont have a secretary." sagot nito sa kanya.

"Ehh sinong tatawagan ko dito na nagtatrabaho sa company mo?" tanong niya sa asawa. Hindi naman agad ito sumagot.

My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon