💞Chapter 17💞

3.6K 82 1
                                    

Hindi maiwasan ni Krizzane ang pagtulo ng kanyang mga luha niya. Dahil sa mga sinasabi ni Zeddrick sa kanya ay mas lalong gumulo ang isip niya. Hindi niya sukat akalain na makakagawa ng ganoong kasalanan ang asawa niya.

"Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin ito?" nahihirapan niyang tanong dito.

"I was afraid." sabi nito habang hawak ang mga kamay niya at hinahaplos iyon.

"Natatakot ka saan? Asawa mo ako pero Bakit ngayon ko lang nalaman. Bakit ngayon mo lang sinabi. Kung hindi ko pa nakita ang larawan na iyon at hindi ipinadala ng lalaking may galit sa iyo. Hindi ko pa malalaman. Hindi mo pa sasabihin sa akin ang tungkol doon. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Hindi ko na alam..." pinunasan nito ang mga luhang nanggagaling sa mata niya.

"I thought you'll not accept me because of what I do. And you're going to leave me. Hindi ko kaya Krizzane na mawala ka sa akin. Ikaw ang buhay ko. Ikaw ang pamilya ko. Ikaw ang kasiyahan ko at magkakaanak na tayo, ayaw kung mag isip ka ng kung ano, ayaw kung mastress ka, ayaw kung may mangyaring masama sa iyo, sa inyo ng anak natin." nasasaktan siya dahil ramdam niya ang sakit habang sinasabi ng asawa niya ang mga salitang iyon.

"Sa tingin mo ba dahil lang doon iiwanan na kita? Mahal kita diba? Tanggap kita kahit Ano ka pa. Kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao na nakilala ko. Tatanggapin kita. Pero dapat sinabi mo agad. Paano kung napahamak ako? Paano kung napahamak kami ng anak natin? Kung sinabi mo agad pwede naman akong mag-ingat. Pero Hindi ehh tinago mo. Tinago mo sa akin! Paano na lang kung napahamak kami ng anak mo. Paano na lang ha?" hindi niya maiwasan ilabas ang nararamdaman niya. Pwede naman kasing sabihin sa kanya ni Zeddrick ang lahat lahat. Maiintindihan niya naman.

"I love you so much wife. I can't lose you. Hindi ko kaya na pati ikaw ay mawala sa akin. Kaya ko namang ayusin ito. Trust me. I will fix this." binawi niya naman ang kamay niya na hawak ng asawa niya.

"Hindi naman ako mawawala sayo kung magsasabi ka lang naman ng totoo." sabi niya at pinunasan ang mga luha niya. Nadadala na rin siya ng emosyon niya lalo pa't buntis nga pala siya.

"I'm sorry. I'm sorry, if I put you in this mess I'm really sorry. But please wife don't leave me." hinawakan nito ang mukha niya at hinaplos ang mukha niya. Bigla siya nitong niyakap.

"Saglit lang naman. Saglit lang." sabi niya kaya bigla itong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Iiwan niya ito pero Saglit lang kailangan niya lang makapag-isip mahal niya si Zeddrick. Pero mahal niya rin ang magiging anak nila at ayaw niyang madamay ito sa gulo.

"Wife, what are you saying? Are you going to leave me?" umiwas siya ng tingin dito. Ayaw niyang makitang nasasaktan ang asawa niya.

"Siguro mas mabuting maayos mo muna ang lahat. At sa tingin ko mas maaayos mo ang lahat ng ito kung wala muna ako sa tabi mo para hindi mo muna iniisip ang kaligtasan ko at ang kaligtasan ng magiging anak natin."

"No! I can fix this kahit nandito ka sa tabi ko. Mas makakaya ko ito kung nasa tabi kita. Poprotektahan kita laban sa kanya o nila. Hindi kita hahayaang masaktan." lalo ng umagos ang luha ang mga luha niya. Sobrang sakit.

"Kung mahal mo ako Hindi mo ako idadamay sa gulo ng buhay mo. Kailangan lang naman natin maghiwalay ng panandalian habang inaayos mo ang lahat. Then pag bumalil na sa dati ang lahat, babalik na rin ako sa iyo. Don't worry aalagaan ko ang sarili ko at ang anak natin." sabi niya at pinilit ngumiti.

"But you promise... you said you'll never leave me... You said you love me... fuck, Krizzane sabi mo mahal mo ko at hindi mo ako iiwan." sobrang sakit pala talagang makitang nasasaktan ang taong mahal mo dahil sa iyo pero kailangan niyang gawin iyon. Para sa kaligtasan ng lahat para pagkatapos nun maging maayos na ang lahat.

"Mahal nga kita, sa tingin mo ba ayos lang sa akin na Iwan ka kahit saglit lang? Kung masasaktan kita dahil Doon mas nasasaktan ko ang sarili ko. Pero kailangan, Zeddrick kailangan... Para sayo, para sa akin... Para sa magiging anak natin..."

"Maybe your right. I'll fix this. I'll fix this f*cking mess. Ibabalik ko ang lahat sa ayos. Kung kailangan mo akong Iwan dahil sa tingin mo iyon yung tama then do it. But always remember I love you. I always do. Once that I fix this we can be together again and forever will be." sabi nito at iniwan siya sa kwarto nila.

"Sorry Zeddrick, sorry my love. I just want us to be safe." nakatanggap siya ng text kanina. Ng Lumabas ang asawa niya kanina na panandalian bago nila itinuloy ang pag-uusap. It was a death threat from unknown number.

Bigla namang may tumawag sa kanya sa cellphone niya. Agad niyang sinagot iyon.

"Hello darling? How are you? Kamusta kayo ng asawa mo?" boses iyon ng mommy niya.

"Mom." nahihirapan niyang sabi dito. Hindi niya mapigilan ang pag-iyak niya.

"Wait, are you crying? Did your husband make you cry? What happened?" alalang tanong ng mommy niya sa kanya.

"I hurt him, mom. I hurt the person I love. I hurt the man that always making me feel so special. I hurt the father of my child." sabi niya na umiiyak pa rin.

"Hey honey, stop crying, stop it. It's bad for the baby, gusto mo bang puntahan kita diyan? You're dad and I will go there."

"No mom, I'm the one who go there." biglang nawalan ng imik ang mommy niya.

"Wait what??? Iiwan mo ang asawa mo? Did you have a fight. Fix it, honey. Huwag ka Agad sumuko. Pag-usapan niyo yan." payo sa kanya ng mommy niya.

"Mom napag-usapan na namin, it was the decision of the both of us. Mas mabuting maghiwalay muna kami. It was only temporary. We just need to fix some matters." paliwanag ni Krizzane sa mommy niya.

"Krizzane my daughter. Your going to be a mother. Be strong. Be strong for your family. If you think that's the right thing to do then I'll support you. I'm always here for you. Kami ng dad mo." ito ang dahilan kaya mahal na mahal niya ang mga magulang niya. They always support her.

"Mom stop it your making me cry even more." sabi niya at mahinag tumawa. Ang drama naman kasi ng mommy niya eh.

"I love you, Krizzane, you'll always be my baby." sabi ng mommy niya. "Me too mom, I love you always." sabi niya at pinatay na ang tawag.

Umupo muna siya sa gilid ng kama nila ni Zeddrick. Nakita niya ang larawan nilang magkasama. Nakapatong ito sa lamesa roon. Masaya sila sa picture na iyon. Kinuha niya iyon ay niyakap.

Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto nila. Bumaba siya at nagbabakasakaling makikita niya si Scarlett pero wala ito.

"Hija wala si Scarlett tumawag kasi ang magulang niya may emergency daw, ang asawa mo naman ay nandun sa garden." sabi ni Manang Elizabeth ng makasalubong niya ito.

Naabutan niya si Zeddrick na nasa hardin nga ng mansion at pinagmamasdan ang mga halaman.

"Pwede mo ba akong ihatid kila mommy? Ok lang naman din kung hindi, ako na lang aalis mag-isa." humarap ito sa kanya. Lumapit ito at niyakap siya.

"I promise, aayusin ko ito Krizzane. I'll fix this mess, Wife. I really love you but I guess if you want this, even if I will be in pain I will let you." nasasaktan silang dalawa. Ang sakit talaga.

"Hindi naman ako habambuhay mawawala, it just a matter of time. After this will be forever again. You're only man I love. And I will be always your wife." sabi niya kaya bumitaw na rin ito sa yakap.

Sa tingin niya ito muna ang pinakatamang gawin. Para maging ligtas ang lahat. Para maging maayos at matapos na ang lahat. Dahil kung magkasama sila ni Zeddrick. Mas lalo lang magiging komplekado ang lahat, may masasaktan. Dahil sa kalaban ng asawa niya. Iniisip niya rin ang kaligtasan ng anak nila. Kung magdedesisyon siya para sa sarili niya mas pipiliin niyang manatili sa tabi ni Zeddrick pero magiging ina na rin siya at mas importante ang magiging anak nila.

A/N: Thank you po sa patuloy na pagbabasa❤️ Hindi po masakit pramis😭 kaya nila yarns😢

My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon