"Zeddrick huwag masyadong titigan yan baka matunaw yung picture ko niyan." pagbibiro ni Krizzane sa asawa niya dahil halos lahat ng larawan na makikita nito sa kwarto niya ay tinitigan nito parang sayang saya ito sa nakikita kahit puro larawan niya lang naman iyon.
"Ako lang ba ang nakapasok na lalaki dito sa kwarto mo?" tanong ng asawa niya sa kanya habang pinagmamasdan ang bawat sulok ng kwarto niya na puros kulay pink ang kulay, its her favorite color by the way.
"Siyempre hindi lang ikaw noh." sagot niya dito. Agad naman kumunot ang noo ng asawa niya. May nasabi ba siyang masama na ikakairita na naman nito.
"So sino pa ba ang ibang lalaki na nakapasok dito sa kwarto mo bukod sa akin, its getting to my nerves. Iniisip ko palang that a man got in your room ay naiirita na ako." seryosong sabi ng asawa niya.
"Si daddy yung tinutukoy ko, seloso ka naman. Atsaka bakit naman ako magpapapasok ng lalaki sa kwarto ko? And there's no other man bukod sayo na nakapasok sa mansion namin dahil bantay sarado ako nila daddy." napangiti naman sa kanya ang asawa niya. She loves to see him always smiling.
"I was just teasing you." sabi nito sa kanya at mahinang tumawa.
"Ahm Zeddrick can I ask something? Sana ay sagutin mo ang itatanong ko kung hindi ay okay lang din naman." kaya napalingon sa kanya ang asawa niya. Ngayon Nakaupo sila sa gitna ng kama.
"What is it? Your free to ask me any questions kahit ano pa yan." sagot nito sa kanya. Napangiti naman siya sa narinig.
"Where is your parents?" tanong niya kay Zeddrick pero hindi agad ito umimik. Narinig niya noon si Zeddrick sa kwarto nito na naglalabas ng sama ng loob, noong hindi pa sila maayos na dalawa bilang mag-asawa. Kung tama ang pagkakarinig niya ay patay na ang mga magulang nito pero gusto niya dito mismo manggaling kung totoo ba ang nalaman at narinig niya.
"They are dead, wala na sila, patay na sila pati ang kapatid ko at para sa akin kasalanan ko iyon, it happends years ago the past that I could never forget. Hindi ko malilimutan ang nangyaring iyon, iyon rin ang dahilan kung ano ang meron sakin ngayon. Why I am being cold to other people. So they call me Heartless even if I'm not, nasasaktan rin ako pero hindi nila iyon nakikita. Because they always judge me even they not know the truth behind it." pagkukuwento ni Zeddrick sa kanya.
"Huwag mo sanang mamasamain. Pero, Bakit ano bang nangyari? Yung kapatid mo babae ba siya o lalaki?" gusto pa niya makilala ng lubos ang asawa niya.
"She's a girl, siya lang ang nag-iisa kong kapatid, lumaki siyang maganda katulad mo but because of me maaga siyang namatay, at hindi mo gugustuhing malaman kung bakit siya namatay, until now hindi ko pa rin iyon matanggap. She has her dreams at hindi man lang niya natupad ang mga iyon, wala pa ako sa mga oras na iyon para protektahan siya. Im not a good brother to her as well a good son to my parents. I'm worthless." hindi niya maiwasan masaktan sa mga sinasabi ni Zeddrick sa kanya. Ganun pala ang nangyari sa buhay nito. Ang pagkalubog sa utang ng mga magulang niya noon ay hindi pa gaanong mabigat hindi katulad ng sinapit ng asawa niya, ang nangyari sa buhay nito.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo, hindi mo kasalanan ang nangyari sa kapatid mo o sa magulang mo, mabuti kang anak at mabuti kang kapatid para sa kanila. At Sigurado akong masaya sila ngayon para sa iyo, sa mga narating mo sa buhay." niyakap ni Krizzane ang asawa niya para maramdaman nito ang comfort niya at hindi ito nag-iisa dahil lagi siyang nandiyan para dito.
"Thanks wife for comforting me. Its been a long time simula nung May nasabihan ako tungkol sa nakaraan ko." sabi ni Zeddrick sa kanya at nilagay nito ang ulo sa braso niya.
"Ano ka ba, wala lang yun. Asawa mo ako kaya pwede mo akong sabihan ng kahit ano, handa akong makinig lagi sayo. At katulad mo handa ko rin gawin ang lahat para maging masaya ka, tayo." napangiti naman si Zeddrick dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
My Heartless Husband
Romance(Montefalco) It's been a year simula noong ikasal ako kay Zeddrick Montefalco at masasabi kong tama nga ang mga naririnig ko mula sa ibang tao at sinasabi ng mga magulang ko sa akin. Walang puso ang lalaking ito. Hindi siya marunong maawa sa kapwa...