Humingi ng tulong si Zeddrick kay Richard para matrace kung saan ang lokasyon ni Gifford na kinalalagyan ng asawa niya. Gaya ng usapan siya lang mag-isa ang pumunta. Ayaw niyang mapahamak ang asawa niya at ang magiging anak nila. Handa siyang kapalit ng buhay niya ang kaligtasan ng mag ina niya. Hindi niya alam na may mga pulis palang nakasunod sa kanya dahil utos yun ng mga magulang ni Krizzane.
"Dude, are you okay? I can go there if you need help." sabi ni Richard noong sinagot niya ang tawag nito. Si Richard lang talaga ang pinakamapagkakatiwalaan niyang kaibigan.
"I can manage. I have to sure my wife's safety, thanks for the concern." pagkatapos ay pinatay niya na ang tawag.
Kaunti lang naman ang bantay ng baliw na Gifford na iyon. Nasaan kaya ang asawa niya? Kailangan niya ng makita si Krizzane. Buntis ang asawa niya at baka kung anong mangyaring masama dito.
May nakita siyang dalawang naglalakad na bantay. Pinakinggan niya ang usapan ng mga ito.
"Pare, ang ganda nung babae. Ano bang balak doom ni boss? Ayaw ipagalaw ni boss ehh." sabi nung isang lalaki. Kapag nalaman niya lang na may ginawa ang mga ito sa asawa niya. Makakapatay talaga siya.
"Yung asawa nun ang may atraso kay boss, pinatay yung tatay ni boss ehh kaya ayan tuloy siya pa magbabayad ng kasalanan ng asawa niya." sabi nung isa sabay tawa.
Agad siyang lumabas sa pinagtataguan niya upang harapin ang mga ito. Nagulat naman ang lalaking iyon sa presensiya niya. May hawak siyang baril sa magkabilang kamay. Kaya kaya niyang pasabugin ang mga bungo nito sa isang iglap lang.
"Asan ang asawa ko?" tanong niya sa mga ito. Pero hindi niya inaasahang tatawanan siya nung isa kaya binaril niya ito sa binti. Mabuti na lang at silent gun ang gamit niya.
"Putcha, ang sakit." sigaw nung isa dahil sa pagkakabaril niya. Binaril niya pa ang isa nitong binti. Dahil ayaw nito na magsalita.
"Sasabihin ko na kung nasan ang asawa mo. Huwag mo lang akong papatayin." takot na takot na sabi nung isang lalaki sa kanya. Tapang tapangan mga duwag naman pala.
"Asan siya?" sabi niya at tinutok ang dalawang baril dito.
"Na—sa pa—ngalawang kwar—to sa itaas." nauutal nitong sagot sa kanya. Alam niya namang nagsasabi ito ng totoo dahil sa takot. Binaril niya pa rin ito.
Dinalian niya ang paglalakad para makapunta na siya sa kinaroroonan ng asawa niya. Ang bobo ni Gifford. Maglalagay na nga lang ng bantay hindi pa dinamihan. Ugok!
Pinasok niya ang sinasabing kwarto ng lalaki kanina. Nadun nga ang asawa niya. Nakatali ito pero wala ng busal ang bibig.
"Zeddrick dapat hindi ka na pumunta dito." naiiyak nitong sabi sa kanya. Kita niya ang namumula nitong pisngi. Sigurado siyang may nanakit sa asawa niya. Lalapit na sana siya dito pero may humampas na bagay sa likod niya. Kahoy iyon. Gusto niya ng pakawalan ang asawa niya para maalis na sa lugar na ito. But D*mn it! May humampas na kahoy sa likod niya.
"Sabi ko na nga ba at ililigtas mo ang asawa mo. Mabuti na lang at napaaga kung hindi pinagpipiyestahan na yan ng mga tauhan ko." sabi ni Gifford kaya pala wala ang mga bantay sa labas Nasa loob ang mga ito. God damn it! Bakit hindi niya naisip yun dahil ang gusto lang niya ay mailigtas ang asawa niya.
"Mga hayop kayo!!! Ako na lang ang saktan niyo ang huwag ang asawa ko!" sigaw ni Krizzane sa mga ito.
"Hindi naman ikaw ang may atraso sa akin eh kaya Bakit ikaw? Pero pwede rin naman kung yan ang gusto mo." sinenyasan naman ni Gifford ang dalawang tauhan na lumapit sa asawa niya.
"F*ck! Layuan niyo ang asawa ko!" galit niyang sigaw pero tinawanan lang siya ng mga ito.
"Sampalin mo ang babae." utos ni Gifford sa isang tauhan at sinampal nga nito ang asawa niya.
BINABASA MO ANG
My Heartless Husband
Romance(Montefalco) It's been a year simula noong ikasal ako kay Zeddrick Montefalco at masasabi kong tama nga ang mga naririnig ko mula sa ibang tao at sinasabi ng mga magulang ko sa akin. Walang puso ang lalaking ito. Hindi siya marunong maawa sa kapwa...