Maagang nagising si Krizzane dahil wala na sa tabi niya si Zeddrick. Mukhang maagang bumangon ang asawa niya. Nagbihis muna siya bago bumaba.
Naabutan niya ang asawa niya na naghahain sa lamesa. Dapat siya ang gumagawa noon at siya rin dapat ang nagsisilbi dito. Pero mukhang baliktad ata. Hindi bale na lang at babawi nalang siya sa susunod dito.
"Good morning." pukaw atensyon niya dito.
"Good morning wife, how's your sleep?" tanong ni Zeddrick sa kanya.
"Maayos naman, nagising lang ako kasi wala na pala akong katabi." kunwari ay nagtatampo siya dito.
"I'm sorry wife I just cook our breakfast." sabi ng asawa niya at pasimpleng nagkamot sa ulo.
"Talaga ikaw ang nagluto?" tumango naman ito.
"Well, With a little help of Manang Elizabeth." matapat nitong sagot sa kanya. Lumapit naman si Krizzane sa asawa niya at niyakap ito pagkatapos ay pasimpleng humalik sa mga labi nito na kay sarap halikan.
"Thank you pero ako dapat ang nagsisilbi sayo eh, dapat ikaw ang pinagluluto at hindi, babawi ako next time." sabi niya sa asawa at binigyan ito ng matamis na ngiti.
"I love it when you kiss me." sabi ni Zeddrick sa kanya. First time kasi na siya ang humalik dito kahit na smack lang iyon.
"Ano iyon ikaw lang ang palaging hahalik? Parang hindi tayo patas niyan kung ganun. And just what I said yesterday I want to be a perfect wife of yours." at siya na ang naglagay ng kanin at ulam sa pinggan ng asawa niya. Tutal ito naman ang nagluto, siya naman ang pagsilbihan nito. Napangiti naman si Zeddrick sa inasta niya. Yung ngiting sobrang nakakainlove.
"Wife may pupuntahan tayo mamaya." sabi ng asawa niya habang kumakain sila. Napaisip tuloy siya kung saan sila pupunta?
"Saan tayo pupunta?" hindi naman siya agad sinagot at patuloy lang ito sa pagkain. Did he wants to surprise her?
"Secret, later you'll find out." usal nito at ngumiti sa kanya.
"Ang sarap naman ng niluto mo, parang mas masarap ka pa magluto kesa sa akin eh." napatawa naman ng mahina si Zeddrick sa sinabi niya.
"Your sinigang is the best dish I've ever tasted, iyon ang pinakamasarap na sinigang na natikman ko and I'm not lying." giit nito sa kanya. Alam talaga ni Zeddrick kung paano siya pakikiligin.
"Bolero." bulong niya.
"No I'm not. I'm just telling the truth" sabi ni Zeddrick sa kanya.
"Okay naniniwala na ako, gusto ko ng pumunta doom sa lugar na sinasabi mo." napangiti naman ang asawa niya because of what she said.
Pagkatapos kumain ay umakyat ulit si Krizzane. Sabi kasi ni Manang Elizabeth ay ito na daw ang magliligpit ng pinagkainan nila. Naunang natapos kumain si Zeddrick kaysa sa kanya at umakyat agad ito sa kwarto dahil may kailangan daw itong kausapin.
Ang mga gamit at damit niya ay nasa kwarto na rin ni Zeddrick at ilang araw na rin siyang natutulog sa kwarto nito.
Pumunta siya sa walk in closet para maghanap ng damit na maisusuot saktong nahanap na niya ang dami na susuotin ng biglang lumabas sa banyo ang asawa niyang si Zeddrick, bagong ligo ito at tanging tuwalya lang ang nakatapis sa bewang nito.
'He looks so hot', iyon ang nasa isip ni Krizzane, ngayon niya lang nakita ng ganito si Zeddrick. His so hot and handsome.
"Wife stop staring at me, you know it's turning me on." sabi ng asawa niya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Malili—go na ako." nauutal niyang sabi. Narinig niya naman ang mahinang tawa ng asawa niya.
Hinubad niya ang mga damit niya at nagsimula ng maligo. Hindi niya n nilock ang pintuan baka isipin pa ni Zeddrick na wala siyang tiwala rito at ayaw niyang mangyari iyon.
BINABASA MO ANG
My Heartless Husband
Romance(Montefalco) It's been a year simula noong ikasal ako kay Zeddrick Montefalco at masasabi kong tama nga ang mga naririnig ko mula sa ibang tao at sinasabi ng mga magulang ko sa akin. Walang puso ang lalaking ito. Hindi siya marunong maawa sa kapwa...